Irish's POV
Pumunta kami sa isang restaurant na pagmamay-ari ng parents ni Aljun upang doon gawin ang dinner party. Pinasarado nila ito para lang sa family and friends ng buong green archers.
Habang kumakain ay hindi nawala ang masasayang kwentuhan at tawanan. Nag-aasaran din ang archers tungkol sa mga kung ano-anong bagay na kung minsan ay sila lang ang nakakaintindi.
Ang mga parents at ibang relatives ng archers ay unti-unting nagsiuwian na matapos kumain. Ang mga natitira nalang ay iilang kaibigan at ang buong green archers. Nagbabalak pa kaseng uminom kahit light drinks lang ang mga ito. Pinayagan naman sila ni Coach Aldin, para na rin sure na makakapagpahinga silang nang mabilis pagkatapos.
Nakaupo ako katabi sina Ate Des at Ate Gab. Samantalang nakaupo naman sa katapat kong upuan si Ricci na hindi ako tinatapunan ng tingin ni minsan. Para itong may sariling mundo habang kumakain kanina ngunit paminsan paminsan ay nakikipag-usap rin naman sa katabi niyang sina Kuya Prince at Brent.
Kanina pa nagsimulang mag inuman ang archers at medyo nabobored na rin ako. Puro juice lang kase ang iniinom ko at kain lang ako nang kain ng pulutan na nakahain.
Maya-maya ay kinuha ko ang bote ng 'di ko alam kung anong type ng inumin to' at mabilis na nagsalin sa wine glass. Mabilis naman akong tumungga at halos maiduwal ko iyon nang malasahan.
What the heck? Bakit ganto kapait 'to?
Pero syempre di ko pinahalatang masuka-suka ako dahil naramdaman ko na nakatingin ang mga kasama ko sa lamesa sa akin, kahit na si Ricci. Tumango tango pa ako para kunwari ay nagustuhan ko ang lasa kahit sa loob loob ko ay nagsisisi ako kung bakit ko ginawa iyon.
"Ohhh, you drink na pala Irish?" tanong ni Brent bago tumungga ng inumin.
"Kelan pa?" dagdag ni Andrei.
Alam ng mga ito na hindi ako umiinom noon kaya ganoon na lang sila makapagreact. Napansin kong nakatingin pa rin silang lahat sa akin at inaantay ang isasagot ko. "Uhh- nito lang." sagot ko at pekeng ngumiti.
Nito lang? Tumigil ka nga, Irish! Red wine pa lang ang naiinom mo sa tanan ng buhay mo!
Di ko mapigilang mapatingin kay Ricci na nakatitig lang sa inumin niya. Nakita ko ang pag ngisi nito bago ininom ang laman ng wine glass niya.
"Wow grabe, madami na kaming di alam sa'yo ha." sabi ni Aljun.
"Oo nga. Ilang buwan lang tayong di nagkita ang dami nang nagbago sa'yo! Sa totoo lang, mas gumanda ka lalo!" nakangiting wika ni Ate Gab. Napatawa lang ako nang mahina at nagpasalamat.
"I agree. Maganda ka, gwapo ako. Bagay tayo." nagulat kaming lahat at napatigil nang magsalita ang isang bagong player ng Lasalle. Rookie pa lamang ito kaya hindi ko siya ganoon kakilala. Pero base sa narinig kong sinabi niya ay may pagka mahangin ito at di malabong womanizer din."I'm Ezekier Guevarra-"
Napadaing siya at napahawak sa ulo ang kamay niya na sana ay iaabot sa akin nang biglang siyang batukan ni Kib. "Hoy, Kier! Tigilan mo nga yang pagiging babaero mo!"
"Oo nga naman, Kier. Wag mo tularan si Aljun." sabat pa ni Kuya Prince.
"Naknampucha! Nadamay nanaman ako!" reklamo ni Aljun dahilan para magtawanan ang lahat.
"Nagpapakilala lang naman ako mga kuys! Wala namang masama dun... Tingin ko naman wala PA siyang boyfriend? Kase ngayon pa lang kami nagkita ehehe.."
"Hoy, Guevarra manahimik ka nga. Kahit kelan di ka papatulan ni Irish. Di tulad mo yung mga type niya." banat naman ni Brent dahilan para bahagya akong matawa.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.