Epilogue
Kendall/Veronica Point of View
Thirty minutes nalang aalis na siya, pipigilan ko ba siya o hahayaan nalang? Shit! Naguguluhan ako.
*Ding!*Dong!*Ding!*Dong!*
"Wait!"
Tumayo ako at binuksan ang main door. "Besh!"
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Crimmy.
"Besh bakit hindi kapa nakabihis?" Pumasok ito sa loob ng condo ko.
"Bakit? Wala naman akong lakad eh."
Humarap ito sakin. "Papakawalan mo ba talaga siya?"
"Sino?" Patay malisya kong tanong.
"Hoy Babae! Kapag nakaalis si Heaven, wag kang iiyak sakin ah. Baka mamaya magsisi kana naman pag nakaalis na siya." Mataray nitong sabi at nag-cross arms pa.
"Hindi ko siya pipigilan? Tsaka kung pipigilan ko ba siya, magpapapigil siya?"
"Walang masama mag-try besh! Masyado ka kasing nega." Pabagsak akong umupo sa couch. "Alam mo yung love story nyo ni Heaven parang yung sa last project mo na ginawa mo."
"Wag mo nga idamay yung trabaho ko." Kunot noong sambit ko.
"Pero besh isang tanong, isang sagot . . . Mahal mo ba si Heaven?"
Napaisip ako sa tanong nito. Lumipas ang ilang minuto bago ako nakasagot sa kanyang tanong. "Yes, i love her."
"Oh ano pa inaarte mo dyan?! Tara na, pigilan mo siya bago mahuli ang lahat."
Bago pa ko makapag-salita, hinatak na agad ako ni Crimmy papasok sa kwarto ko.
Mabilis akong nagpalit ng damit at umalis na kami sa condo. Si Crimmy na ang nagdrive para daw makapag-isip ako.
Pero paano ako makakapag-isip kung fifteen minutes nalang ang natitira para mahabol ko siya. Putcha! Traffic pa. Badtrip naman oh!! Bakit ngayon pa?!
Heaven Point of View
"Heaven sigurado kana ba talaga?" Tanong sakin ni Joshua.
Nandito si Minone sa airport kasama ko tsaka si Joshua, sila ang naghatid sakin dito.
"Oo naman. Sabi ko nga, wala ng dahilan para mag-stay pa ko dito sa pilipinas." Huminga ako ng malalim. "Tsaka uuwi rin naman ako ng america, so bakit ko pa papatagalin diba?"
"Mamimiss ka namin."Umiiyak na sabi ni Minone.
Natawa naman ako kahit gusto ko narin umiyak. Hinatak ko ito at niyakap. Shit! Hindi ako sanay na may umiiyak na tao sa harap ko.
Ayan na . . . Tinatawag na ang aking flight. Bumitaw na ko kay Minone. "Aalis na ko guys, maraming salamat sa inyo."
"Mag-iingat ka." Sabi ni Joshua at niyakap ako.
Kinuha ko na ang aking maleta at nagsimula na maglakad palayo sa kanila. Habang naglalakad ako, pakiramdam ko sobrang bigat para sakin.
Feeling ko may naiwan ako, pero ano yun? Dala ko naman lahat ng gamit ko.
Hyst! Siguro dahil iiwan ko na naman ang barkada kaya ganito ang nararamdaman ko.
Papasok na sana ako ng biglang may suumigaw. "HEAVEN!!!!"
Pamilyar yung boses ah . . . Dahan-dahan akong lumingon. Anong ginagawa niya rito?
Bigla ako nito sinapak nang makalapit sakin. "What's your problem?"
"Ikaw ang problema ko!" Dinuro ako nito. "Hindi ko alam kung bakit nga ba kita minahal! Eh nang-iiwan ka naman. Lintik ka Heaven! Kahit ilang beses mo pa ako iwan, mahal pa rin kita."
Napangiti nalang ako sa sinabi nito. Umiiyak ito kaya naman hinila ko siya at niyakap ng mahigpit.
Biglang nagkumpulan ang mga tao pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko, ang barkada ay nandito lahat.
May kumukuha samin ng picture pero wala akong pakelam sa kanila. Siguro nakilala nila si Veronica pero sabi ko nga, wala akong pakelam.
Ang mahalaga ngayon ay ako at siya.
-Wakas-
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Epilogue