Chapter 1 : The Unknown Academy

325 16 1
                                    

Umaga na pala isa nanamang pagsubok ang dapat harapin nang dalagang si Amber

Tumayo na siya sa kama at di na nag abalang ayusin pa ito umunat unat tyaka lang pumasok sa c.r upang maligo na

Habang naliligo siya may isang lalaking pumasok sa kwarto ni Amber

"Echo!!! Di mo nanaman inayos ung higaan mo !!!" sigaw nang binata sa dalagang nasa loob nang banyo at naliligo

"Shut up!! Ikaw na mag ayos kung gusto mo Lucius!" sigaw naman nang dalaga dito

Napabuntong hininga ang binata at inayos ang higaang magulo ni Amber

Nandito ang bestfriend ni Amber na si Lucius Storm Martinez sila ay mag kababata simula siguro nang maipanganak sila....

Ulila na si Amber dahil sa isang di maipaliwanag na pangyayari natagpuan nalang niyang lasog lasog ang katawan nang kanyang ama at ina noon

Kaya tumakbo siya habang umiiyak papuntang bahay ng mga Martinez

At nag sumbong si Lucius lang ang kayang magpatahan dito

Ang Ama at Ina nang binata ay isang retirong Secret Agents kaya sila ang nag imbistiga sa isang kakaibang kremen na naganap

"Echo Echo! Tara na !" nakangiting sambit ni Lucius kay Amber

Echo ang tawag ng binata sa dalaga noon pa man at si Amber naman ay tinatawag ang binatang 'Storm'

Maraming nag aakalang sila ay magkasintahan sapagkat sila ay laging makasama

Dahil sino ang hindi mag tataka kung araw araw parang hindi mo sila mapag hihiwalay

At lagi pang palahawak ng kamay ang binatang si Lucius

Nasanay na ang dalagang si Amber sa ugali nang binata kaya pinabayaan nalang lamang niya

Napatingin ang binata sa ayos ng dalaga at napabuntong hininga

"Simpleng uniporme lang di mo pa maayos ayos?" tanong ng binata sa dalaga

Papaano naman mukhang binilisan lamang niya ang pag suot nang uniporme ng eskwelahan nila

Hindi pa gaanong nakasara ang mga butones nang dalaga at nakikita ng binata ang pangloob ng dalaga

Ang palda ng dalaga eh tabingi at ang medyas na hanggang ilalim ng tuhod ay di magkapantay may isang mas mataas at isang mababa

Kaya ang ginawa ng binata ay inayusan ang dalagang mukhang wala pa sa sarili

"Para ka paring bata Echo." sambit ng binata dito parang natauhan naman ang dalaga kaya tinignan niya nang masama ang binata

Pero dahil sanay na ang binata sa ugali ng dalaga eh nginitian nalang lamang niya ito

Dahil mahirap na at baka kung ano pang gawin nang dalaga sa binata

At nang matapos sabay silang umalis sa bahay ng dalaga

Pinag buksan  nang binata ang dalaga papasok sa sariling kotse ng binata

At nang handa na ang lahat umandar na ang kotse at pumunta na sa eskwelahan nila

Ang Unknown Academy....

Sa eskwelahang ito....hindi lang mga basta bastang estudyante ang naririto

Merong mga kriminal na nag papanggap na normal na tao at estudyante

Kaya nandidito sila Amber at Lucius nag aral ay dahil sa misyong natanggap nila mula sa lider ng Secret Agents Association

Naghiwalay na sila nang paroroonan dahil ang dalaga ay nasa pinakamataas na seksyon

Secret AGENT L-13 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon