Everytime It Rains

12 0 0
                                    

Andito ako ngayon sa school na lilipatan ko at katatapos ko lang ang mageenroll.  Masasabi kong ito na ata ang pinaka magandang school na napasukan ko. Sobrang laki, sobrang klaro. At bawat kulay ay nakakagaan ng pakiramdam, para bang gaganahan ka talagang magaral. Hindi naman kami mayaman, hindi namin kakayanin magbayad sa ganitong kagandang school pero dahil mas malapit ito sa bagong bahay na nilipatan namin ay dito na lang napili ng mga magulang kong pagaralin.

Isang taon na lang ay matatapos ko na ang kursong kinukuha ko. Matayog ang pangarap ko. Hindi ko lang gustong maglingkod pero gusto ko ring makilala sa karerang napili ko. Kaya sobra na lang akong umiwas sa mga bagay na makapipigil sa akin na maabot ang pangarap ko.

Naglalakad na ako palabas ng school ng mapansin kong umuulan.

Teka.. Summer pa rin naman ah. At saka kanina lang pagpasok ko, tirik na tirik pa yung araw. Pero bakit umuulan? Psh, wala pa naman akong dalang payong.

At dahil nga malapit lang ito sa bahay simple lang ang suot ko. Hinubad ko na lang ang suot kong tsinelas at nagsimulang maglakad. Di bale ng mabasa, matagal na rin naman nung huli akong magbasa sa ulan.

Komportable talagang maglakad sa ilalim ng ulan, lalo na pag nakatapak. Damang dama ko ang bawat tulo ng tubig sa balat ko at ang lupa sa mga paa ko.

Yung hangin sa pisngi ko at patuloy na banabalot sa lamig ang buong katawan ko.

Sobrang saya ng pakiramdam.

Malapit na akong makalabas ng school ng may nakita akong gate. Isang gate patungo sa mas mapunong bahagi ng paaralan.

Hindi naman ito naka-lock kaya itinulak ko na lamang ito para makapasok ako.

Dito... Dito mas maganda mag tampisaw sa ulan. Parang sa probinsya lang.

Nagpaikot ikot ako habang patuloy na lumalakas ang pagulan.

Nang naramdaman kong himina ito ay umupo ako sa ilalaim ng puno na hindi naman kataasan.

Mayamaya ay may lumapit patungo sa direksyon ko,

"Miss. Bawal po---"

Hindi na nila napagpatuloy ang sasabihin at tumango na lamang na para bang may kausap sila sa itaas ng puno.

Teka.. Itaas ng puno?

Unti-unti kong inangat ang ulo ko at laking gulat ko nang may makitang lalaki, nakangisi ito ng nakakaloko.

Shiz. Nakita niya ba ako kanina? Damn, mukha pa naman akong tanga kanina.

"Oo nakita ko yung pagikot-ikot mo kanina na para kang batang sabik sa ulan."

Muli siyang ngumisi pero sa pagkakataong ito ay hindi na nakalaloko ang kanyang ngiti. Para bang gustong iparating ng ngiti niyang iyon na natuwa siya sa nasaksihan. Ramdam ko ang paginit ng mukha ko. Alam kong namumula ako ngayon..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everytime It RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon