(Trake's PoV)
(Monday, 3:45 pm)
Nandito pa rin ako sa loob ng school. Nitong mga nkaraang araw bihira na akong sumabay kila Noemi. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kasi may hindi tama. Pakiramdam ko laging may kulang
Pumunta ako sa school garden at naabutan ko doon si Xander
Tambayan nya ng pala to
Mukhang naramdaman nya naman na may tao kaya lumingon sya sa direksyon ko
"Yo. Ikaw pala Doraemon"sabi nya sakin
Tsk. Doraemon na naman. Yan ang tawag nya sakin sa di malamang kadahilanan
"Anong ginagawa mo dito? Damulag?"tanong ko sa kanya
Si Damulag character din sya dun sa doraemon. Yung tabatchoy na maitim
Kahit lagi kaming nag-aasaran nito kaibigan na rin ang turingan namin sa isa't isa
"Gago! Damulag ka dyan. Nagpapahangin lang ako dito"
Baka kamo nagse-senti? Hindi na sila ganun ka-close ni Noemi eh
Sabagay kami rin naman. Para bang nakalimutan ni Noemi lahat ng pinagsamahan namin. Yung sa bahay, sa EK, sa school. Lahat lahat
Napalingon kami sa likuran namin nang may marinig kaming mga yabag
Nadatnan namin yung isa naming kaklase, si Diana
"Trake, Xander, Si Noemi *huff* Binubugbog nung mga babae sa gate!"hinihingal nyang sabi
Agad kaming napatayo at napatakbo papuntang gate. Dapat pala sumabay ako pauwi sa kanya kanina. Shit!
Mas binilisan pa namin ang takbo at maya-maya lang nakarating na kami sa gate. Naabutan namin sa gate ang kumpulan ng mga estudyante
Nakipagsiksikan kami hanggang sa makita namin sa gitna si Noemi na naka-upo sa lupa
"Wala kang karapatang i-reject ang Papa Rex namin. Feeling mo kung sino ka!"sabi nung babaeng nanabunot kay Noemi
Sinampal naman nung isa pa si Noemi
Hindi kami makalapit ni Xander kasi may iba pang tao sa harap namin at nahihirapan kaming sumiksik
"F*ck padaanin nyo ako!"sigaw ko kaya pinadaan naman nila kami
Lalapit na sana ako kay Noemi pero naagaw ng isang babaeng naglalakad patungo sa direksyon nila ang atensyon ko
May katamtaman syang height, shoulder-length wavy brown hair, nakasuot ng simpleng jeans at black T-shirt at may cap sya kaya hindi ko maaninag ang mukha nya
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaiba at hindi na nakakilos sa kinatatayuan ko. Same goes for Xander dahil naramdaman ko syang nakatayo lang sa gilid ko at kita ko rin sa mata nya na dun sya sa babae nakatingin
Nakatalikod yung mga nangbu-bugbog kay Noemi kaya hindi nila namalayan ang paglapit nung babae
Hinawakan nya yung balikat nung babaeng sumampal kay Noemi at pinaharap sa kanya sabay sapak
Masakit yun panigurado
Nagtumba yung sinapak nya kaya naagaw nya ang atensyon nung syam pa
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
Teen FictionAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...