April's PoV"Kinakabahan ako Reya first day of school ko ngayon dito sa ****** University." Yan lang ang mga nasabi ko kay Reya.
Pano ba naman ang laki laki ng unibersidad na to tapos halos mayayaman pa ata lahat ang nag-aaral rito.
Hindi ko naman sinasabi na mahirap kami pero laking Probinsyana ako. Mayaman rin kami pero hindi ko dala dala ang pangalan ng tunay kong pamilya . Sa probinsya, kami ang may pinakamalaking hacienda roon, may malawak na lupain kaya halos lahat ng tao roon sa amin nagtatrabaho.
Hindi naman sa nagyayabang ako pero kinukuwento ko lang sa inyo para di kayo magtaka. My real name is Allaine Mae Villamoire, pero kagaya nga ng sabi ko hindi ko yan ginagamit kilala ako samin bilang April Agustine hindi nila alam na may kapatid yung kuya ko.
Well hindi sa nag didisguise ako pero yun ang kinalakihan ko. At masaya na ako roon.
Hindi ako katulad ng ibang mayayamang babae diyan. Hindi ako maarte, hindi mapili sa damit, hindi rin naman ako maldita 'minsan nga lang', tsaka mahilig ako sa gawaing bahay kung hindi niyo natatanong 'hehehe'.
Dito ako sa Manila gustong pag aralin ni nay Lina at tay Berjillo. Kung tatanungin niyo kung sino sila,... Dati kong yaya si nay Lina at dati naman naming driver si tay Berjillo. Pero kahit kailan hindi ko sila trinato bilang alipin or what else na kajijihan jan, 'pamilya ang turing ko sa kanila'. Nung mamatay kase ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente sumama ako kina nay Lina at tay Berjillo.
Nung una ayaw akong payagan ni kuya na sumama sa kanila 'oo may kuya akong pogi' kaya ayun umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nagsawa sya. Pumayag rin siyang baguhin pansamantala yung name ko para rin raw sa kaligtasan ni Nay at Tay.
Strict kase yung kuya ko pero naiintindihan naman niya ako kaya ayun pinayagan niyang si nay Lina at Tay Berjillo muna ang magiging guardian ko.
So yun na nga hindi porket probisyana ako hindi ko alam ang mga bagay bagay dito sa syudad. A BIG NO!! Probisyana nga ako pero marami rin akong alam no.. A basta mahirap I explain, siguro nanibago lang ako.
"Para kang baliw bes" natatawang sagot ni Reya.
Si Reya kanina ko lang sya nakilala feeling close na kami sa isa't isa. Pareho kase kaming nakasuot ng salamin o sa madaling salita nerd kung tawagin kaming pareho.
"Bago lang kase ako dito e, naninibago lang" sabi ko naman sa kanya na nakangiti walang plastikan.
"Hay naku naiintindihan kita bes! Ganyan talaga kapag galing probinsya nakakapanibago." -Reya
Grabe sya o tumawa pa! Kaya natawa na rin ako.
"Kyaaaaa!!!!!! Ang guwapo talaga!!" -girl 1
"Pakasalan mo ako Nathan!!- girl 2
" Sh*t!! Ang hot mo Tayler!"- girl 3

YOU ARE READING
That Girl Is My Greatest Nightmare!
Teen FictionMeet April isang mabait na 4th year highschool student, laking probinsya pero hindi mo makikita sa kanya ang mga katangian ng isang probinsyana. She's rich nga e pero wala siyang pake! Kung masungit ka sa kanya susungitan ka rin niya!. So don't mess...