Hello readers :)
It's been a while since nakapagsulat ulit ako :)
Though this story is not that good I hope magustuhan niyo pa din :))
---------
It's too late to start pretending. It's too late for a new beginning. Later than the sunset. Later than the rain. Later than never to love you again. . .
--------
I'm still in pain. Hindi pa din ako makapaniwala na wala ka na. Bakit kung kelan sinisimulan pa lang nating ayusin ang lahat eh bigla mo na lang akong iniwan. Andaya daya mo naman eh. Sabi mo walang iwanan? Hay. Ito ang mga salitang iniisip ko habang naiyak at nakatingin sa puntod niya. It's been a year since ng nawala siya pero bakit ganun? Parang sariwa pa rin sa ala-ala ko ang sakit at pighati na naidulot ng pagkamatay niya. Sana isinama mo na lang ako sayo, kasi sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paano mabuhay ng wala ka. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan, tila ramdam din ng langit ang sakit at hapdi na nararamdaman ko ngayon.
-Flashback-
Matt please tama na ayoko na! Sawang-sawa na ako sa mga promises mo. Lagi mo na lang sinasabi na ayusin natin ito at magbabago ka na. But look at you! You're so drunk. Kelan ka ba magtitino? Pagod na akong intindihin ka. Pagod na akong idefend ka sa mga magulang ko sabi ni Jane habang umiiyak. There was a moment of silence at parang nawala ang pagkalasing ko ng marinig ko ang kasunod na sinabi niya I'm breaking up with you! Tapusin na natin ito. Pabulong niya lang sinabi pero rinig na rinig ko. Ilang beses na siyang nakipagbreak sakin pero ramdam ko iba ito. This time mukhang pagod na talaga siya at sumuko na siya.
Sabi ko na nga ba eh katulad ka nilang lahat! Iiwan mo din ako. Iiwan mo ako kagaya ng pag-iwan sakin ni Mom nung ipanganak niya ako. Iiwan mo ako gaya ng pag-iwan sakin ni Dad dito sa Pilipinas kasi sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Mom at alam kong hihiling niya na sana si Mom na lang ang pinili niya instead of me nung nag50-50 si Mom dahil hirapan siya sa panganganak sakin. Wala na talaga akong pag-asang makakita ng taong mamahalin ako at di ako iiwan. Tumawa ako na medyo sarcastic. O, anu pang inaantay mo? Umalis ka na! Iwanan mo na ako! Pagalit kong sinabi sa kanya. Huminga siya ng malalim at akmang bubuksan na ang pinto, nagulat ako sa reaksyon niya kasi karaniwan kapag nagngyayari ang ganito hindi siya aalis at siya pa ang magsosorry sa akin. Bago pa niya mabuksan ang pinto ay niyakap ko siya mula sa likod at bumulong Please babe wag mo akong iwan, ikaw na lang ang meron ako. First time ko itong ginawa. Ewan ko kung dala na din ng alak kaya nasasabi ko ang mga bagay na ito sakanya. Kilala niya ako hindi ako marunong humingi ng favour kahit kanino. Kaya inaasahan ko na papatawarin niya ako pero iba ang nangyari.
Humarap siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. Alam mo mahal na mahal kita sobra. Pero sa tingin ko ito ang kailangan natin pareho. Umiiyak pa din siya habang sinasabi ito sakin. Pinipigilan ko ang mga luha ko. God knows how I tried so hard to understand you, to fight for us. Pero kasi Matt tao lang ako siguro napagod na lang ako dun sa 4 years na mag-isa lang akong lumalaban para sa atin. Sa ngayon kasi hindi na kayang takpan nung pagmamahal ko sayo yung hirap, sakit at pagod na nararamdaman ko. Natulala ako sa mga sinabi niya, seryoso na talagang makikipaghiwalay siya sakin. You need to fix yourself. And while you're doing that ako naman I need to find myself, yung ako na nawala nung minahal kita. At kapag nagawa na natin yun parehas then maybe dun pa lang tayo magiging ready na harapin ang future together. Hinalikan niya ako and hugged me tight then she took a deep breath and left.
BINABASA MO ANG
It's Too Late
RomanceTime is such a playful element. Kabibigay pa lang sayo ng another chance and you are that willing to make the most out of it. But then nung dumating na yung time na yun binawi naman sayo ang taong dapat ay magiging dahilan ng pagbabago mo.