Chapter 2

9 0 0
                                    


April's PoV

Kanina pa ako palakad lakad sa hallway. Sa tingin ko naman nailigaw ko na yung manyak na yun 'sabihin mo na kaseng ikaw ang naliligaw' he! Oo na naliligaw na ako dito sa University. First day ko pa lang rito sa university nag skip na agad ako ng ............................................ewan! di ko naman alam kung saang klase ako e.

Di ko pa nakuha yung schedule na dapat magpapasama ako kay Reya pero ayun wala! Dapat kase magpapasama ako kay Reya papuntang principal's office para kunin yung schedule ko. Sabi ni kuya doon daw ako dumeretso para kunin yung schedule ng klaseng papasukan ko.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong  bench kaya umupo muna ako para magpahinga.

Nakita kong marami-rami na ring students ang nagsisilabasan, 'Oh no! Huwag mong sabihing lunch break na nila iyan!!' So ibig sabihin rin ilang subject kaya ang hindi ko na pasukan??

Naisipan kong tumayo na muna para magtanong tanong sa mga estudyanteng makakasalamuha ko.
Nagsimula na akong maglakad nang may tumawag sa pangalan ko, pamilyar rin yung boses niya. Kaya agad akong napalingon sa taong yun.

"April!! Bes!!"-Reya

" Reya!" Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Sa wakas may magtuturo na rin sa akin kung nasaan yung Principal's office.

"Saan ka ba nagpunta? At ano yung ibig sabihin sa nangyari kanina?!" Nag aalalang tanong niya sa akin at  bigla rin nagtaray sa huling tanong.

"Naglibot libot lang ako....tsaka yung kanina wala lang yun!"nakangiting sagot ko sa kanya pero kinakabahan pa rin.

" Anong wala ka jan?!! Alam mo bang pinaghahanap ka na ng boyfriend my loves ko?!"so boyfriend niya yun??!

"Boyfriend mo pala ang manyak na yun??!" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Hindi pa ngayon maybe in the future" sabay hawak sa dalawang pisngi nito. Kinikilig ata to! so isa siya sa mga fan girl ng lalaking yun? Tsaka bakit niya ako hinahanap? big deal ba yung pagsipa ko sa ano niya?'malamang oo shunga!'

Napahawak na lamang ako sa aking sintido. Pffffft! Huwag kang tatawa binabalaan kita hu-

"Hahahahahhahaha" hindi ko na napigilang hindi matawa. Pano ba naman kase habang naglalakad kami ni Reya siya ay wala pa ata sa tamang pag iisip kaya ayun nadapa.

"A-aray! Arghhh! Ang mukha ko!!" Mangiyak ngiyak na sabi niya Reya.

Agad naman akong lumapit sa kanya para tulungan siya.'yan ang napalo mo!' Gusto ko sabihin yan sa kanya kaya lang baka magalit pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Girl Is My Greatest Nightmare!Where stories live. Discover now