Happy lang with ENDING [ONE SHOT!!] <3

162 1 0
                                    

Ilang taon na din ang nag daan sa buhay ko.. Ilang relasyon na din ang nauwi sa wala dahil paulit ulit lang akong sinasaktan.. Minsan nasabi ko na lang sa sarili ko, “AYOKO na.. masyado na kong hirap na hirap sa buhay ko”. Nasabi ko yan nung mga panahon na iniwan ako ng lalake na minahal ko ng sobra.

I attempt to suicide pero napigilan ako ng parents ko.

[flash back]

“ANAKKK!!!” sabay tabig ng tatay ko sa basag na salamin na hawak hawak ko

“Itayyyyy!! Hayaan niyo na ko.. sawang sawa na kong iniiwan ng taong minamahal ko. Nagmamakaawa ako sa inyo.. pabayaan niyo na kong mamatay!” pagmamaka awa ko sa kanila. Iniwan na ko ng lalaking minahal ko ng mahigit sa limang taon.. High school pa lang kami noong maging magkasintahan kami pero lahat ng iyon ay nawala noong aksidenteng nakabuntis siya ng isang babaeng nakasama niya sa inuman..

“anak.. maawa ka sa amin ng itay mo.. hindi namin kayang mawala ka sa buhay namin.. hindi lahat ng mahal mo ay nawawala.. Andito pa kami anak!! Hindi mo ba kami mahal ng iyong itay?” humahagulgol na pagmamakaawa ng aking inay.

“Anak.. kakayanin mo siyang kalimutan.. tutulungan ka namin.” Pag kukumbinsi sakin ng aking ama

[END OF FLASHBACK]

At ganun nga ang nangyari.. tinulungan nila akong maayos muli ang aking buhay.. hindi nila ako iniwan sa bawat hakbang na aking tatahakin.. Hanggang sa dumating ang isa na namang lalake sa aking buhay, yun ay si Harris.

Sa kanya at sa aking magulang umikot ang buhay ko.. Botong boto sa kanya ang aking magulang, gayundin naman ang kanyang pamilya. Ako pa lang daw ang personal nilang nakilala sa mga naging nobya niya.. Sa totoo lang matagal ko na siyang kakilala ngunit di kami ganoon ka close.. Noong nalaman niyang wala na akong boyfriend ay unti unti na niyang ipinakita ang feelings niya para sa akin..

Masaya ang bawat araw na mag kasama kami.. Dumating pa sa punto na halos nakatira na sya sa bahay namin. At akala na nga nang lahat ay mag asawa na kami.. Sobrang mahal na mahal ko si Harris at ganun din naman siya sa akin. Mahal niya ang pamilya ko gaya ng pag mamahal niya sa akin.

Ngunit isang masamang aksidente ang nangyari sa aking inay at itay. Sa kinasamaang palad, habang sila ay papunta sa aming probinsya ay nasunog at lumubog ang barkong sinakyan nila papuntang cebu.

Ilang araw din akong nag hintay sa pinakamalapit na lugar na pinag lubuga ng barkong sinakyan nila. Umaasa na sana nasa maayos pa silang kalagayan. Kasama ko din si Harris na nag hihintay doon.

Biglang may dumating na bagong mga patay na natagpuan..

“Announcement lang po!! Baka po may mga kamag anak kayo dito paki tingin na lang po” pag aannounce ng rescue sa amin

“Tara Aly? Gusto mo bang tingnan?”

“Hindi!! Hindi kasama diyan ang mga magulang ko” pag pupumilit ko sa kanya

Ganun nga ang nangyari hindi namin tiningnan ang mga dumating na patay..

Ngunit may pumukaw sa atensyon ko..

“Grabe talaga yung dalawang bangkay dun noh? Hanggang sa kamatayan hindi sila nag hiwalay” sabi ng isang mama na dumaan sa aming harapan

Naalala ko tuloy ang sabi ng aking itay dati..

“Anak sana makahanap ka na ng lalaking mag mamahal sayo katulad ng pagmamahal ko sa inay mo.. Kahit anong mangyari, hanggang kamatayan hindi kami mag hihiwalay.”

Hindi ko alam kung anong nag kusa sa akin na pumunta kung saan naroon ang mga dumating na patay..

“Sir.. p-wede ko po b-ang ti-ngnan yung dalawang magka-sama na bangkay?” pag tatanong ko dun sa rescuer

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happy lang with ENDING [ONE SHOT!!] &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon