#61
___________________
Family
"WHAT?!!" Tinakpan ko ang bibig ni Celine dahil naagaw na niya ang pansin ng iba pang tao dito sa coffee shop.
"Wag ka maingay" Bulong ko sakaniya. Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya at napainom ng tubig.
"Pinsan mo siya? for real? Wow. COO siya ng isang car company worldwide!" Hindi pa din siya makapaniwala.
Kinuwento ko kasi sakaniya ang sinabi ni Kris kahapon. Sobrang kinagulat ko ang mga sinabi niya. Noong una hindi pa ko naniwala pero may mga katibayan siya kaya kahit itanggi ng utak ko wala na talaga kong magawa.
"Did you tell lola Jessy about this?" Umiling ako sa tanong niya. Balak ko nga bisitahin si lola ngayon nagpapalipas lang ako ng oras hanggang sa pwede na bumisita.
"Grabe mayaman pala ang pamilya mo pero hinayaan ka nila maghirap" Naaasar na kumento ni Celine at hinigop ang kape niya.
"Akala daw nila namatay din ako sa aksidente noon. Pero nung hinahanap nila ako sa ospital noon nalaman nilang naka survive ako kaya hinanap nila ako." Seryoso kong sinabi kay Celine.
"I dont know why pero sobrang tagal naman ata bago ka nila mahanap. To think na ang dami nilang pera they can hire dozens of investigators to find you" Aniya. Naisip ko din naman yon pero nasagot naman agad yon ni Kris kagabi.
"Nahanap na nila ako 2 years ago pero hindi nila ako makausap dahil nahihiya sila sakin. Si Kris at si tita Dana lang ang naglakas loob" Tumango tango si Celine at parehas kaming natahimik.
Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na sa mga sinabi ni Kris kahapon.
Flashback...
Naestatwa ako sa sinabi niya pero hindi ako agad naniwala. Umiling ako at tinignan siyang mabuti. Bakit ba ko maniniwala sa lalaking to? Nakabangga ko lang siya nung nakaraan tapos ngayon sasabihin niya na pinsan niya ko? Hindi ako ganun katanga.
"Prove it." Seryoso kong banta sakaniya. Naglahad siya ng kamay papasok ng sasakyan niya. Tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay bago pumasok sa passenger seat ng kotse niya.
Hindi ko alam kung saan niya ko dadalihin pero sa oras na may gawin siyang masama sakin ay hindi ako magsisising tumawag agad ng pulis at manglaban.
Buong byahe ay seryoso lang siyang nakatingin sa kalsada. Ilang minuto paang lumipas nakarating kami sa isang coffee shop. Pinagbuksan niya ko ng pituan at sumunod ako sakiya. Nakahinga ako ng maluwag dahil dito niya ko dinala.
"Lahat ng dokumento at iba pang makapagpapatunay na magkadugo tayo ay nandiyan. See for yourself. I knew this is coming kaya prepared ako" Ngumisi siya sakin at inabot ang isang brown envelope.
Tinawag niya ang waiter at mukang kalmado at confident lang siya sa mga pangyayari. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa envelope na nilahad niya.
Binuksan ko ito at gaya ng sabi niya puro mga dokumento nga ito. Isa isa kong sinuri ang mga ito. Lahat nga ito at totoong dokumento na nagpapatunay
na magkadugo nga kami. Hindi ko inaasahang may pamilya pa pala ako.
"Do you believe me now Serah?" Tanong ni Kris sakin. Tinignan ko siya at tumango.
"We want to take you home Serah" Aniya. Umiling ako at yumuko.
"Diba ayaw nila sa relasyon ng mga magulang ko? Pano ako? Ano nalang ang mangyayari sakin?" Seryosong tanong ko. Hindi pwedenh basta basta nalang ako sumama di ko alam ang buhay na madadatnan ko pag sumama lang ako.
"Youre wrong Serah. Simula noong lumayo sila tito Jeff at tita Sarah nagsisi ang buong pamilya namin. Pati na din ang pamilya ni tita Sarah kinausap na kami para humingi ng tulong sa paghahanap sa mga magulang mo" Sagot niya sakin. Kaya siguro sila nahihiya dahil kung hindi sana sila tumutol sa pagmamahalan ng mga magulang ko wala sigurong problema.
"Matagal ka na namin nahanap Serah pero walang may lakas loob samin na harapin ka. Alam namin na malaki ang sama ng loob ng pamilya niyo kila lolo dahil sa nangyari noon. Lagi ka nilang kinakamusta sakin gusto ka nila makita kaya nagpapadala ako ng mga litrato mo sakanila" Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Mukang totoo naman ang lahat ng ito. Nakikita ko ito sa mga mata niya.
"We really want you back Serah. Just give our family a chance. Come with me babalik na kami ni mom sa Australia next week and we hope na sana makasama ka na din samin." Hindi ko siya masagot.
Oo gusto ko makasama ang buong pamilya ko. Ngayon alam ko na hindi na ako nagiisa sa mundong to. May pamilya akong naghihintay sakin. Pero hindi ako pwede umalis nalang basta basta. Pano si lola Jessy? Kaylangan niya ko ngayon. Ang career ko dito sa pilipinas?Hindi ko pwede basta nalang iabandona ang pinaghirapan ko. Tsaka malapit na ang graduation ayoko naman tumigil pa lalo na't malapit na ko magtapos sa kolehiyo.
"I'll think about it" Iyon lang ang nasagot ko sakaniya. Tumango siya ay muka namang natuwa siya sa sagot ko.
Madami akong maiiwan dito. Hindi lang si lola Jessy at mga malalapit na kaibigan ang maiiwan ko. Pati na din ang taong mahal.ko. But maybe tama na din na lumayo na talaga ako kay Ian ng tuluyan. Wala na kami. Mahal ko siya pero siguro hindi lang talaga kami para sa isa't isa.
End of flashback.
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...