TLLEP 8.1 : Water Kingdom :

23.6K 571 6
                                    

Hi guys! Sorry ngayon ko lang talaga napansin na nawawala yung chapter 8. Hehe alam nyo na nga HIATUS ako.

Athena's POV

Nagising na naman ako sa infirmary, hindi ko na naman nagawa ang pagsusulit damn! I need to find a way para mapalakas ko ang kapangyarihan ko.

"Athena." Nabigla ako nang lumitaw si Hera sa infirmary, nakaupo sya sa isang table set na gawa sa tubig habang may iniinom na tea.

Woah, pwede palang gawin yun, masubukan nga yun minsan.

"Kelangan mong sumama sa akin sa Water Kingdom." Sabi nya.

"For what?" Tanong ko.

"Meron kasing battle dun and isinali kita hehe. Syempre alam mo naman, i love seeing you suffering!" Masigla pang sabi nya. Hmm, she's really into making something to spice my life huh.

"I'm in." She grinned widely at ikinumpas yung kamay nya at agad kaming nateleport sa Water Kingdom.

----

Nateleport ako sa isang kwarto, at paglingon ko wala si Hera. Nasaan naman nagpunta yun?

Dahil sa hindi ko naman alam kung nasaan ako ay napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto, puro mga sea animals ang nakikita ko dito at puro coral reefs. Ang ganda ng lugar.

"Maari bang malaman kung anong ginagawa mo sa palasyo na ito binibini?"

Napatingin ako sa lalaking nasa likod ko, ni hindi ko man lang naramdaman na paparating sya.

"Uhm.. naliligaw ako? Di ko alam kung paano ako napunta dito. Hinahanap ko kasi yung stadium, pero i lost my way nung pabalik." Sabi ko, well akala ko hindi sya maniniwala sa sinasabi ko naka poker face pa naman yung kinakausap nya eh. Naniwala naman kaya agad nya akong dinala sa stadium.

"Nandito ka ba para lumaban sa arena?" Tanong nya, i shrugged my shoulder saka iniwan syang nakatayo. Nakakatamad kayang magsalita.

----

Sean's POV

Kakaibang babae, kakaiba rin ang taglay nyang presensya. Pumunta na ako sa throne room kung saan kita ang arena. Nakita ko na rin sila ama at ina na nakaupo at nag aantay sa gaganaping laban. 

"Ina," tawag ko sa aking ina.

"Sean, nandyan ka na pala. Nakita mo na ba lahat ng mga kalahok na lalahok sa laban?" 

"Opo ina nakita ko na po, at lahat sila ay siguradong malalakas."

"Tingin ko nga rin at alam mo ba, nanaginip ako kagabi nagpakita sa akin ang ating dyosa na si Hera at sinabi nyang may lalahok na isang magandang binibini." Natatawang sabi ni Ina, isang babae ang lalahok? May sasabihin pa sana si ina pero biglang nagsigawan na yung mga tao sa loob


---

Tumunog na ang trumpeta indikasyon na simula na ang laban, sa simula ng laban lumabas si Ohmer, isang mangangalakal sa tribo ng Ymir. Sa kabilang panig naman lumabas si Greg, isang dating assasin na ngayon ay nagbebenta na ng mga sea weapons sa kaharian namin. 

Nagsimula nang itaas ng nangangasiwa ang bandana, pag lumapag ito sa sahig ng arena ibig sabihin ay simula na ng laban. Nag iba ang hangin sa loob ng arena, lahat sila ay seryosong nakatingin sa bandana na inihagis ng nangangasiwa, pag kababa ng bandana ay agad nilang kinalaban ang isa't isa. 


---

Athena POV


Nagsimula na yung unang laban, pero bakit ganto may kakaiba akong nararamdaman. Parang may nagmamatyag at parang may nakakakilala sa akin dito. Sa pagbaba ng bandana sumugod yung dalawang lalaki sa isa't isa, napuno ng sigawan sa loob ng arena at walang kumukurap dahil intense yung laban. 

Nasa kalagitnaan na yung labanan, nasa ikatlong laban na at susunod na laban ay ako na. Kinakabahan talaga ako, parang may mali sa lugar na'to hindi ko alam pero parang meron talaga.

Natapos na ang laban, at tinawag na ang pangalan namin, naka mask ako at nakatali yung buhok ko. Pagpasok pa lang ay rinig mo na ang sigawan ng mga tao. Nang marating ko yung gitna ng arena, biglang huminto ang paligid. Maski ako di ako makagalaw.

"Maligayang pagbati mula sa akin binibini." Isang lalaki ang biglang lumitaw sa harap ko, dark elementalist.. paano kaya nakapasok to dito.

"Sino ka? At anong kelangan mo?" Matapang na sabi ko, habang nakatingin sa kanya.

"Wala naman, gusto ko lang sabihin sa lahat na nalalapit na ang muling pagkabuhay ng aming pinuno." Sabi nya, hinawakan nya ang mukha ko at hinaplos nilayo ko sa kanya at masama syang tinitigan.

"Hangga't nandito ako hindi nyo sya mabubuhay."

"Ano bang magagawa ng isang hamak na baguhan? Wala kang alam."

Pinilit kong makawala sa time magic nya, pero sadyang malakas ang kapangyarihan nya kesa sakin.

"Walang magagawa yang pagpupumiglas mo, kahit anong gawin mo hindi ka makakatakas sa kapangyarihan kong taglay." Natatawang sabi nya habang pinapanood ako.

"Duwag ka. Hindi mo ako kaya nang harapan, isa kang malaking duwag." Sabi ko, napahinto naman sya sa kanyang pagtawa at biglang nagteleport papunta sakin at hinawakan yung leeg ko. Ack--- hindi ako makahinga.

"Sa susunod na magsalita ka pa, hindi lang yan ang gagawin ko sayo." Sabi nya sabay bitaw. Tsk. Ano bang gagawin ko para makawala ako dito, baka naman may kahinaan tong isang to. Tumingin ako sa kanya at pinagmasdan kung nasan ang posibleng kahinaan nya, nakita ko sa kamya nya ang isang singsing. Ayun nga! Siguro nga kung ipapatama ko doon yung kunai na nasa tagiliran ko mahihinto tong magic nya.

Pinilit kong abutin yung kunai habang busy sya sa pag liliwaliw, hindi ko alam kung bakit nya ito ginagawa at alam kong may balak silang gawin sa Water Kingdom at hindi ko hahayaang mangyari ito.

The Long Lost Elemental Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon