Kapag nasaktan ka na, ng sobra sobra, darating din sa puntong matatakot kang mahulog sa isang tao. Unang una sa dahilan ang "AYAW MASAKTAN". Pangalawa, "Takot mawala ang taong pinahahalagahan mo". Pangatlo, "Ayaw mawala ang matagal na pinagsamahan, matatag na pagkakaibigan para sa isang BAGAY na wala namang kasiguraduhan na magtatagal" .
Ganyan ang nararamdaman ko sa mga araw na ito. Alam kong nahuhulog na rin ako kay Mark. Hindi naman maiiwasan yun. Palagi kaming magkasama, palaging nagtatawanan, palagi nya kong napapasaya...
Pero pinipilit kong wag isipin na meron na kong nararamdaman para sa kanya. Pinipilit kong pigilan. Mahalaga saken si Mark. Ayaw ko siyang mawala...dahil lang sa nararamdaman ko. Kung aamin ako sa knya, baka mailang siya. Pero wala rin naman akong balak umamin eh, Kaya hinahayaan ko nalang.
Hanggang sa lumipas na nga ang mga araw ng disyembre at lalong lumalala yng nararamdaman ko. Ang bilis ko ma-inlove nuh? Matagal na kaming break ni Xander. Matagal na rin kaming magkakilala ni Mark. At aaminin ko sainyo, simula nang humanga ako sa galing ni Mark, CRUSH ko na siya. Akala ko nga hanggang dun lang talaga kasi nga..si Xander pa ang mahal ko nun.
Pero simula nang tinulungan nya kong maka-move on, unti unti na rin akong bumibigay. Naguluhan lang siguro ako nun, akala ko pa siguro mahal ko pa si Xander nun pero hindi na pala. Infatuation ko lang siguro yun. Pero si Mark na ang gusto ko. Ang best friend ko.....
Ang best friend ko na laging nandyan para saken, laging nakasuporta, ang taong tumanggap sa pagkatao ko.. TAMA si Shaley, Ang suwerte ko. Ang suwerte suwerte ko. Hindi nga siguro sa isang maayos na pamilya pero suwerte ako kasi nakakaramdam ako ng pagpapahalaga sa ibang tao. Para saken, sa tulad ko, SAPAT NA YUN. Masaya na ko dun. At least, pag kasama ko ang mga kaibigan ko, pag kasama ko si Mark, alam kong may lulugaran ako.
Kay Mark ko natutunan lahat ng bagay na ayaw kong matutunan. Sa kanya ako nagkaroon ng lakas ng loob to take risks para magawa lahat ng bagay na TAKOT akong gawin. He changed me. He changed everything about me. Ang laki kaya ng pinagbago ko. I gained more friends. I learned to love myself. I learned to love everyone around me. I learned to forgive and forget. To swallow pride and to live in a reality and not in a fantasy.
-------------------------
"Sa 16 na ang Christmas Party natin" - Mrs. Soriano
"Ma'am? Bat ngayon lang sinabe eh ang lapit lapit na" - estudyante
"Kaya nga kailangan natin mag organize ng mabilisan.. So sino ang gusto niyong mamuno sa pag oorganize?" - Mrs. S
Habang naguusap usap sila, ayun ako. Nagdrawdrawing sa likod ng notebook ko. Eh walang magawa ehh.. Hanggang sa....
"Ma'am! Si Ashleen nalang po!!!"- Grace
"Oo nga! Ashleen na yan" - mga kaklase ko
ANO? Anong ako? Ayoko nga! Isa pa yan sa iisipin ko! >.< NOOOOOO!
"Sige. Tutal magaling naman si Ashleen sa lahat ng bagay, sige. Ashleen. Take Charge"- Mrs.S
"Pero Ma'am. Haggard na ko masyado eh. May inaayos pa ko sa SCC. Tsaka may training na rin ako sa volleyball para next year." - Ako
"Ashleen.. Kaya mo yan lahat.. PLEASE. Pinagkakatiwalaan ka na ng mga kaklase mo uh."- Mrs. S
Napatingin ako sa buong klase. Nakatingin lang sila saken. Kaya napilitan na kong um-oo! >.<""
"Okay Ma'am..Okay na po.. Ako nalang" - ako
---------------------
Nag-OT tuloy ako sa school. Alas-sais na ng hapon nandito pa rin ako sa room namin at inaayos ko yung plano ng SCC para sa Christmas Party ng buong ST.JOHN na gaganapin sa 15. Tapos eto pang plano para sa Christmas Party ng section namin. Ano ba yan! Ang dami daming inaasikaso. Ang hirap maging expert ah?! Huuuu.._. Kung bakit pa kasi doble doble ang party. Para namang mauubusan ng pasko. Kaya naisip ko nalang, sa Party naming magkakaklase, Ambag Ambag nalang. E ganun naman yata lahat eh? Tapos Potluck na lang para sa mga pagkain. Hayy. Para ang iisipin ko nalang e yung PROGRAM.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?