Nang ang pangarap nati'y dagling nawala.
Umiihip man ang hangi'y 'di mo na alintana.
Sa panaghoy ng ibo'y umiisip, nagwawala;
Ang tabing ng pag-asam ay kagyat tinuligsa.Iniibig... Umiibig.
Ang pagkapit sa minimithi'y nais isatinig.
Ang tamis ng luwalhating kay hirap talikdan,
Sapagkat punong-puno iyon ng saya, ngunit may pag-aalinlangan.Nahahabag, nalulungkot.
Ngunit kailangang magpatuloy, palisin ang takot.
Namumugto, may poot;
Ang damdaming may giyang; nabaon, nilimot.Ninais kumawala, umalis sa kadena.
Ngunit ang punyal ay itinarak na sa mga mata.
Upang hindi makita ang gandang tunay na inihandog ng bathala.Sa dulo ng bahaghari,
Ang pangarap ay 'di mapapawi.
Ito'y totoo, walang pagkukunwari.
Mananatili, habang buhay 'di sandali.
Titingala; pagmamasdan, ngingiti.
Kabay ng mahinahong pagturan,
"Sa wakas, ang pangamba ko'y mapapalis na. 'Pagkat ang bahaghari'y simbolo ng aking pag-asa."[Bahaghari, Bb. Aren, 102101]
YOU ARE READING
My Creation-[On GOING] (Unedited)
PoésieMy creation is all about EVERTHING..This is a spoken poetry,short story etc.. #752- Spoken