Chapter 40 -Obstacle

21.8K 717 24
                                    

Daseri's POV

Patuloy lang ako sa pagtakbo para makarating agad sa kaharian,napansin ko rin na napakabilis ng aking pagkilos at pagtakbo na hindi naman kagaya ng dati.

Hindi ko narin alintana ang mga sangang tumatama sa akin basta ang importante ay makarating agad ako sa palasyo at mapigilan si Lilith sa gagawin nya.

Isang imahe ng lumitaw sa akin isip,at di ako nagkakamali si Lilith iyon at nakangisi sya sa akin,nang mawala ito ay may biglang pumulupot sa aking binti kaya nadapa ako.

Mga baging na unti unting pumupulot sa aking mga paa,pinilit ko toonh taggalin pero hindi ko maalis,ramdam ko rin ang  pagpulupot nito sa aking kamay patungo sa aking leeg,alam ko si Lilith ang may gawa nito at gusto nya akong hadlangan sa pagbabalik ko ,sinubukan kong abutin ang isang sanga para makatayo ako,nagawa ko tiong abutin pero bigla itong nabali kaya nasakal ako sa baging na pumulupot sa leeg ko.

Hirap na hirap akong himinga dahil mistulo akong nakabigti sa mga baging na nasa aking leeg,sinubukan ko itong alisin pero mas lalo lang itong humihigpit sa pagkakapulupot sa leeg ko.Nag uumposa narin lumabi ang aking paningin at hindi narin ako makahinga pero isang tinig ang tumawag sa aking isipan.

"Gamitin mo ang iyong kuko! Isipin mong gusto mong pahabain ang kuko mo para makaalis tayo dito bago pa tayo mamatay!"

Alam ko kung sino iyon,marahil sya ang inner wolf ko kaya ginawa ko ang sinabi nya,inisip ko na pahabain ang mga kuko ko ,nang magawa ko ito ay agad kong pinutol ang mga baging na nakapulupot sa leeg ko maging sa mga kamay at paa ko.

"Salamat! Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko na sinagot naman nya agad.

"Ako si Freya" maikling sabi nya,wow kapareho pa ng second name ko,ganun din naman kay alpha pero yung first name nya nga lang.

Muli akong nagpatuloy sa pagtakbo dahil walang dapat masayang na oras ,kailangan ko agad makarating sa palasyo.Pero hindi pa nanga ako nakakalayo ay meron na namang humarang sa akin.

Isa itong puno na merong mukha,at mukhang galit na galit ito at hindi ako hahayaang makadaan kaya wala akong pagpipiliian kundi ang makipaglaban dito . Siguradong si Lilith na naman ang may gawa nito.

Inihampas nito sa akin ang isa nyang sanga kaya napadaing ako dahil tinamaan ko nito,muli na naman nyang ihahampas sana ang sanga nya pero tumalon ako kaya nailagan ko ito bago tu akbo parunho sa puno ito at kinalmot ito sa mukha.

Sumigaw ito at tila nasaktan dahil sa ginawa ko,muli ko itong pinagkakalmot sa iba't ibang parte nito na msa kinadaing pa nito bago  ko bigyan ito ng isang malakas na suntok na kinabaon ng kamao ko sa katawan ng puno,umuga pa ito ay mas tumindi ang daing nito.

Ngunit nabigla ako dahil muli ako nitong nahampas ng kanyang sanga kaya tumalsik ako ng bahagya rito.Bumangon ako at nakita ko na papalapit ito sa akin at mu,o na naman nitong itinaas ang sanga at ambang ihahampas muli sa akin pero........

Maybiglang bumundol dito na isang elepante?Saan ng galing ang elepanteng ito?sa pagkakaalam ko ay meron lamang elepante sa kaharian ng Mora Sorcera, paano napunta ito rito?

Kita ko kung paapano pilit itinutumba ang puno,mas nagulat ako na meron pang lima na  unundol at pinagturulungan itong itumba.Nagpumiglas naman ang puno pero kalaunan ay nagtagumpay ang mga elepante na patumbahin ito at kalaunan ay naglaho at nagung abo.

Tumakbo ang mga elepante sa direksyon ng kaharian at hindi pang pala elepante dahil meron pang sumunod na nagtatakbuhang mga hayop.Mga usa,kuneho,at iba pa.Sa kalangitan naman ay napakaraming nagliliparang ibon at papunta rin ito sa palasyo.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon