Chapter 23

184 6 0
                                    

Diana's POV

August 1. Monday na. Nung nakaraan, wala ayun pa rin nangyayari.. Masaya, may malungkot na part. Pero okay lang kaya pa naman.

"Good morning Sir. Pinapa excuse po ni Ma'am Salongga yung sa Dance Club" sabi nang kung sino. Dance Club? Kasali ako dun di ba? Oo nga pala. Ano kayang gagawin?

"Sino yun? Sige na labas na!" sabi ni Sir. Mainit pa naman ulo ni Sir. Ewan ko dyan na babadtrip na lang bigla. Baka iniwan ng girlfriend. Hahahaha. May itsura naman si Sir. Sigurado maraming nag hahabol dyan kay Sir.

Tumayo na kami. Ako, Marky, Jho at yung 2 member sa dance club namin. Ano kaya yun?

"Ano kaya yun?! Nakakakaba naman!" Sabi ni Jho nang makalabas na kami nang room. E di wow tinatanong ko ba?

"Baka may sasabihin lang si Ma'am" sagot ni Marky. Chill chill lang siya. Pero god! Ang init ha. Sa field ba naman kami mag lakad papuntang room ng dance club. Ang layo!

"Ang init!" Sigaw ni Jho. Hindi lang ikaw yung naiinitan kami rin Hello? Kasama mo kami kaya wag kang mag reklamo. Nako ginigigil mo ko!

Nakarating kami nang matiwasay pero kainis! Hayss.. Pumasok naman kami sa room at nakita ko si Ma'am Salonga nakatayo siya. Yung wall pala nang room na to ay salamin. Kaya napakaganda kitang kita yung kabuoan mo.

"MAY CONTEST TAYONG SASALIHAN OUTSIDE THE SCHOOL! KAILANGAN NATIN SUMALI PARA MAY PANLABAN ANG SCHOOL NATIN! NAKASALALAY SA INYO! KAPAG NANALO TAYO MAY LIMANG MAG DODONATE SATIN NANG PERA PARA MAPAAYOS AT MADAGDAGAN YUNG MGA ROOM! AYUN YUNG PREMYO! OCTOBER PA SIYA PERO MAS MAINAM NA AGAHAN ANG PRACTICE! KAYA MAGPAALAM KAYO SA GUARDIAN NIYO NA MAPAPAGABI ANG UWI NIYO! YUN LANG THANK YOU!" Mahabang paliwanag niya at naglakad na palabas. Yun na yun? Papapuntahin kami tas aalis siya! Pambihira!

"Oh my god galingan natin! Pag nanalo tayo maaayos yung school" sabi ni Jho. Ngumiti lang ako at tumango. Nakita ko naman si Charles nakangiti nang bongga. Grr. Nang aasar. Inirapan ko lang siya...

Bumalik na kami sa room dahil break na narinig ko na yung bell. Sasabay ako sa mga kaibigan ko. Baka manlibre eh.. Hehehe

"Luniqecas!" Tawag ko sakanila. Bakit luniqecas? Ewan ko kay Jenny. Siya naka isip non eh. Papalabas na sila. Lumingon naman sila sa direksyon ko at patakbo nila akong pinuntahan at nakangiti nang bongga. Nyare?

"Uy!! Balita!! Anong nangyari!?" Tanong ni Claire. Kailan yan naging tsismosa? Matagal na ata! Hahaha.

"Wala naman. May contest lang na sasalihan outside the school at kailangan manalo para mapaayos yung school natin dahil may limang mag dodonate" bored na sabi ko.

"Nangyari sayo?" Tanong ni Jenny. Umiling lang ako.

"Pareho kayo ni Sandra." Sabi pa niya. Tinignan ko naman si Sandra. May problema ata. Ako kasi nangigil sa busit na Charles yun. Arrghhh...

"Canteen tayo! Manlilibre daw si Rosendall!" Sigaw ni Althea. Lagi naman yan pasigaw kung mag salita eh.

"Ano!? Wala nga ako pera kinuha ni Mama yung cellphone, atm, at yung cash na pera ko! Nagugutom na nga ako eh!" Pakshet naman... Ang iingay nang mga kaibigan ko. Pinagtitinginan na kami nang mga nakakasalubong naming eatudyante.

Nakarating kami sa Canteen. Shet naman. Ang dami nang tao! Sana may bakante pa...

"Guys! Ito pa! Meron dito!" Sigaw nanaman ni Althea. Pumunta naman kami sa bakanteng upuan. Crowded masyado... Gutom mga tao ngayon...

"Sinong manlilibre diyan?" tanong ni Rosendall. Gutom na talaga? Hahahaha. Di makatiis.

"Sige! Ako na lang buti good mood ako ngayon" tumayo na si Claire at umalis kasama niya naman si Jenny. Wow! Sarap sa feeling na may nanlilibre sayo.. Hindi mababawasan pera mo...

"AY MAHABANG TALONG!" Sigaw ni Rosendall nang mahulog yung bag niya. Tangina mo Rosendall! Nakatingin ba naman silang lahat sa table namin! Hindi ko yan kilala. Sinub-sob ko na lang ang mukha ko. Nakakahiya mga parr!

"Here is your order Ma'ams" pangagaya ni Jenny sa mga waitress. Nag angat naman ako nang tingin. Tinignan ko ang mga tao kung nakatingin pa samin. Buti naman hindi na.

"Buti naman dumating na kayo! Ang tagal niyo!" Iritang sabi ko pero hindi naman talaga sila matagal ang bilis nga nila eh. Ang kaso nahihiya na ko dito. Tapos ang boring antahimik.

"Sorry naman" Claire.

Nagsimula na kaming kumain pero napansin kong hindi nagagalaw ni Sandra yung pagkain niya.

"May problema ba Sandra? Kumain ka.." Ako. Umiling lang siya.

"Busog pa ako" sabi niya. Anong kinain niya. Hangin? Busog? Feeling ko nga namamayat na siya eh.

"Kumain ka na muna. Kung may problema ka sabihin mo samin baka makatulong ako, kami" Tumayo naman siya at biglang hinampas yung table kaya nasayang yung pagkain nasa lapag na.

"Wala kayong magagawa sa problema ko! Hindi rin niyo ako matutulungan kaya tantanan niyo ko!" Lumabas siya na tumatakbo. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Lahat kami nganga. Bigla na lang may butil nang luha ang tumulo sa mata ko.. Masama ba akong kaibigan. Kahit sila nakita ko ang nagbabadyang luha. Lahat nang tao nakatingin na samin. Kailan pa kami naging eskandolosa? Yung mga janitor naman nililinis yung mga pagkain na nasa lapag.

"Anong nangyare sa kanya?" Nakanganga pa rin si Rosendall. Kahit ako.

"Ewan ko. Hayaan muna natin siya" malungkot na sabi ko.

"Hayaan niyo siyang, siya ang unang mamansin baka may problema siya" saad ni Althea. Siya pinaka close ni Sandra eh.. Alam kong nagulat din siya. Lumapit ako sakanya.

"Alam mo ba ang problema niya?" Tanong ko. Umiling naman siya.

*sob*

Umiiyak siya. First time niyang maganon. Tahimik si Sandra pero ewan ko kung ba't siya nag ka ganun.

Umalis kami nang canteen at pumunta nang CR. Mag aayos muna kami.

*sob* *sob*

Umiiyak pa rin si Althea.

"Althea tama na.." Ako.

Pinunasan niya naman ang luha niya nang makapasok kami sa girls comfort room. Inayos ko naman yung buhok ko at kinuha ang pulbos sa bag.

"Pahingi nga" Jenny. Binigay ko sa kanya at siyempre pulbo ng isa pulbo nang lahat. The Clash!

Pagkatapos namin mag ayos ay naglakad na kami nang room pero di pa kami nakarating. May limang babaeng coloring book yung mukha na humarang samin.

"Kala niyo kung sino na kayo?" Maarteng sabi ni Coloring book 1. Napataas naman ang kilay ko. Kami?

"Kami?" Tumingin ako sa likuran namin. Wala naman kaya kami pala.

"Oo malamang sino pa ba? Wag nga kayong pabibo dito sa school! Hindi bagay sa inyo! Mga basura!" Coloring book 2.

"Wow! Hiyang hiya kami ha. Hoy mukhang coloring book ang mga mukha wag niyo kaming tawaging basura. Mas mukha kayong basura kaysa samin! Mahiya naman kayo! Jusmiyo!" Sabi ni Claire. Bigla naman sumugod yung lima at sinabunutan kami. Walang hiya! Nakisabunutan na rin kami.

'Sa puti ako'

'Sa pula ako'

'1k pustahan!"

'5k pustahan!'

'Sige!'

Gago. Pustahan your face!

Napahinto ako sa sigaw nang kung sino.

"You! 10 girls go in the guidance office!" Sigaw ni Ryche. Fvck! Paktay kay Manang...

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon