Bully Twenty Four: Reunion

657 23 12
                                    

Bumaba ng kotse sina Vivoree at CK. Ihinatid kasi ni CK ang girlfriend niya pauwi at mukang mapapadalas na ito.

"Thank you sa paghatid, Charles." pasasalamat niya sa nobyo na agad naman netong ikinakunot ng noo. Agad naman niyang natakpan ang muka at napatawa. Foo nga pala ang tawagan nilang dalawa since last night. Sorry naman. Hindi lang talaga siya sanay kasi nga medyo di pa nagsisink-in sa kanya ang official status nila.

"I'm sorry. Okay, uhm..thank you for getting me home safe, Foo." muli niyang pagpapasalamat dito, nakangiti pa rin at nakatakip ang kamay sa bibig habang nakatingin sa boyfriend niya. Napangiti naman agad si CK at hinila siya para sa isang yakap. Napatingin ito sa kanya habang hindi bumibitaw sa yakap. "Bakit ba ang cute-cute mo?" tanong neto na nagpapula sa pisngi niya kaya yumakap siya dito at ibinaon ang mukha niya sa dibdib neto. Hindi niya naman alam na mas magiging sweet pa si CK sa kanya ngayong sila na. Akala niya sobrang sweet na ito sa huling tatlong buwan na mas naging malapit sila sa isa't-isa. Narinig niya namang tumawa ito at hinila siya ulit para naman pakalasin sa yakap pero hindi naman neto binitawan ang mga balikat niya. Tinakpan niyang muli ang bibig gamit ang mga kamay at tumingin kay CK. Ngumiti naman ito. Iyon ang ngiting para sa kanya ay pinakamaganda. "Kaya mo nga ako minahal dahil cute ako diba?" pagpapacute niya naman dito. Ngumiti si CK at umiling saka hinalikan siya sa noo. "Hindi." sagot ni CK maya-maya pa. Kumunot naman ang noo niya at ilinayo ang kamay sa bibig. "Anong ibig mong sabihin? Ano kung ganun ang dahilan?" tanong niya, takang-taka talaga. Hinalikan siyang muli ni CK sa noo at ibinulong sa tenga niya ang mga salitang..

"Minahal kita kasi ikaw si Vivoree Esclito. Ikaw ay ikaw. Bully kong girlfriend pero kakayanin kong mabully kahit hanggang kamatayan kung ikaw lang naman." he said. She smiled pero kunwari ay hindi nagustuhan ang sinabi ni CK. Pinalo niya pa ito sa braso. "Ang korni mo." sagot niya at kumunot ang noo. Tumawa naman si CK kasi alam niyang nagbibiro lang ang girlfriend niya. Yinakap niya itong muli at ngumiti na siya. Hay, ang tamis na nila masiyado.

Pagkatapos ng yakap, napag-usapan nila ang tungkol sa reunion na malapit nang maganap.

"Foo pala, pupunta ka ba sa reunion ng section natin?" tanong ni Vivoree. Huminga naman ng malalim si CK at muling yinakap si Vivoree. Nag-usap sila ng nakayakap mula sa isang side ng isa't-isa.

"Oo naman. Unless, pinatalsik mo na ako sa section natin." anang CK sabay tingin kay Vivoree. Tumawa naman ito. Iniimply nanaman neto ang pagiging bully at masungit niya noong high school sila. "Pwede rin. Gusto mo? Wag ka na sa section natin! Bawal ka na dun." pagsakay ni Vivoree sa biro ni CK. Tumawa naman si CK ulit. Makulit talaga ang masungit niyang girlfriend. "Hay. Hindi mo ako pwedeng paalisin dun. Kasi kung pinaalis mo ako, hindi kita mamahalin at hindi magiging tayo ngayon." sagot naman ni CK. Ngumiti si Vivoree. "Sabagay." she shrugged. Tumawa sila pareho. At nagpaalam na din si CK na uuwi kasi may trabaho sila bukas at maaga pa yun.

~~~

At the day of the reunion, mas maaga than the set time pumunta sina Vivoree at Mira sa bahay ni Jaden. Mamayang gabi nalang si CK at may inasikaso muna. Yes, Mira went home just last week para sa reunion nila. Syempre naman noh, kahit anong mangyari, hindi niya ito palalampasin. Alam na din neto ang tungkol kina Vivoree at CK. Kilig na kilig pa nga ito.

"See? Sabi ko na nga ba kayo din ang magkakatuluyan eh. I knew it. Patanggi-tanggi pa kayo noon. Hay naku. Alam ko naman yang mga ganyan eh. Pero, masaya ako para sa inyong dalawa."  mga katagang binitawan ni Mira nung maikwento na ni Vivoree ang lahat ng mga nangyari sa kanila ni CK mula nung bumalik ito. Masaya naman siya kasi suportado siya ng kaibigan niya.

Habang naghahanda sila ni Mira ng mga pagkain para sa mga lulutuin mamaya, bigla namang lumapit sa kanila ang anak netong si Israel. 3 years old.

"Mommy, I'm hungry." pagsusumamo neto habang nakatingin sa kanilang dalawa with sad eyes. Napangiti naman si Vivoree. "Awww..you're so cute!" ani niya sabay pisil sa matambok na pisngi ng bata. Tumingin lang naman ito sa kanya gamit ang blangkong mga mata. Hindi pa kasi siya neto masiyadong kilala at sabi ni Mira, ganun daw talaga ang anak niya sa una pero malambing naman kapag tumatagal na. Mira patted the head of her son. "Be nice to Tita, baby." she told him. Hindi lang naman siya inimik nung bata at bumaling ulit sa ina neto. "I'm hungry, Mommy." tila isang baby boss netong sabi. Napatawa naman silang dalawa dun. Muka ngang gutom na talaga ito. Inasikaso nalang din ni Mira ang anak at habang napapanood kung gaano kahands-on ang kaibigan niya sa pag-aalaga kay Israel, biglang nagkaroon ng desire sa puso niya na maging ganoon kabuting ina pagdating ng araw. She smiled. Sana si CK ang kasama niya sa pagdating ng panahon na yun. 🙂

BULLIES IN-LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon