BABE

2 0 0
                                    

"Babe, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Ken.

"Yes babe. Kinakabahan lang pero sure na ako dito. I want us to be legal." Nakangiting sagot ni Joshua. Hindi naman napigilan ni Ken ang sariling halikan ang pisngi ni Joshua dahil sa pagmamahal dito.

"I love you babe."

"I love you too, babe."

---
"Dad?" Tawag ni Joshua sa tatay niya.

"What is't Joshua?" Tanong ng ama niya habang nagbabasa.

"I have something to tell you Dad." Umangat ang tingin ng ama niya sa kan'ya at tumaas ang kanang kilay nito.

"Hmm... Ano 'yon?"

"I'm g-gay Dad." Naghintay si Joshua na magalit at sigawan siya ng ama pero seryoso lang itong nakatingin sa kan'ya

"And?"

"Hindi po ba kayo galit?" Nagtatakang tanong ni Joshua. Pero may parte sa kan'ya na nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi naman galit ang ama.

"Why would I?"

"Because I'm gay."

"I don't care. You are my son at wala akong pakialam kung bakla ka." Parang may humaplos sa puso ni Joshua dahil sa sinabi ng ama.

"I love you Dad."

"I love you too son. Hmm... Mukhang may sasabihin ka pa. Ano 'yon?" Naalala naman ni Joshua ang dahilan kung bakit umamin siya sa ama.

"Actually Dad, I'm with my boyfriend." Nananantsang sabi ni Joshua. Baka kasi bigla siyang balibagin ng ama dahil nagdala agad siya ng boyfriend pero ngumiti lang ito.

"Really? That's nice. Where is he?" Sumulyap ang ama nito sa pinto.

"Nasa labas po. Wait Dad, I'll call him." Lumabas siya at naabutan niya ang boyfriend niya na parang nakahinga nang maluwag nang makita si Joshua na wala namang bangas.

"Are you okay babe?" Nag-aalalang tanong ni Ken.

"Yes babe. Gusto kang makita ni daddy." Masayang sabi Joshua. Agad namang kinabahan si Ken dahil first time niyang makikilala ang ama nito. Kahit kasi picture nito ay hindi niya pa nakikita.

"Babe!" Yugyog sa kan'ya ni Joshua. Ngumiti naman siya at tumango. Pumasok sila sa loob ng opisina pero wala na do'n ang matanda. "Maybe he's in the restroom." Umupo muna sila sa couch at naghintay sa matanda.

"Siya na ba ang boyfriend mo Joshua?" Mabilis na tumayo ang dalawa nang marinig sa likod nila ang boses ng matanda.

"Yes dad. He's---"

"Ken?"

"Tito Laurence?"

"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Joshua. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa na gulat na gulat. "Hey!" Nagulat si Joshua nang biglang naglakad palabas si Ken. "Ken! Where are you going?" Akma niyang hahabulin ang lalaki nang magsalita ang ama nito. Seryoso itong nakatingin sa kan'ya.

"Huwag mo na siyang habulin." Nalilito siyang tumingin sa ama.

"Why Dad? Magkakilala ba kayo?"

"Yes." Tipid na sagot ng matanda.

"H-how?"

"Anak siya ni Brandon." Mas lalo siyang naguluhan sa sinagot ng ama.

"And who the hell is Brandon?" Hindi na napigilan ni Joshua ang sarili dahil sa sobrang pagkalito.

"He's my fiancé."

"WHAT!?"






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BABEWhere stories live. Discover now