-Chapter 9-
The ice is now melting.
[GINO'S POV]
Natutuwa naman ako na paunti-unti na kaming nagkakasundo nitong si Bea. Ewan ko ba, hindi niya kayang sakyan ang kayabangan ko. The truth is, kaya nyang tapatan ang kayabangan ko ng katarayan niya. Eto na nga ba yung sinasabi ni lola sa akin na katapat ko? Hindi rin! Hindi pa din naman ako nagbabago pero ang sabi nga ni lola, malaki na daw ang improvement ko.
Inilibre ko sila sa bar na pag-aari ng barkada ko nung college. Kaya lang nairita din ako at umuwi kami kaagad. Ewan ko! Dahil ba sa nakita ko silang dalawa ni Ivan na nag-uusap. At kung makapagpanggap naman 'tong si Ivan, akala mo naman kagalang-galang. No! I don't want any of my friends around her. I just don't want!
Natutuwa naman si lola sa performance ng team namin. Marami na kasi kaming nakuhang suppliers from Marikina at Liliw. Kaya, kapag may business trip kami, sina Macy at Julius sa Marikina. Kami naman ni Bea ang napupuntang Liliw.
Papunta ako sa kanila ngayon. Nagpromise siya sa akin na tuturuan niya akong magluto ng Kaldereta. Malapit na kasi ang birthday ni Lola. Hindi ko pa nga pala sinasabi sa kanya yung reaksyon ni lola doon sa kalderetang ipinabigay niya.
"What's this, Gino?" Nakita ni lola yung food container na nasa front seat ng kotse, katabi ni Mang Tony.
"Kaldereta yan, 'la. Uhm... Ipinaluto ko sa friend ko." Alibi ko. Hindi ko sinabi na galing kay Bea.
Kinuha ni lola ang container at inamoy, "Buti, hindi pa napapanis? Mukhang masarap ah?"
"Kaya nga wag na tayong magdinner sa labas. Doon na lang muna tayo magdinner sa inyo, then magpapahatid na lang ako kay Mang Tony sa condo."
Sa mansion ni lola kami umuwi. And just what I expected. Kalderetang spareribs ang niluto ni Bea. And it was the exact favorite ni lola.
"Uhm! Lola, dahan-dahan ha."
"Masarap, hijo. Mukhang may talent sa pagluluto ang friend mo na yan?"
"Ah... Mukha nga..." wala naman sigurong gayuma yung kinain nya.
"Gusto kong ma-meet yung friend mo. Perhaps share his recipe too." Muntik na akong masamid sa sinabi niya.
"One of these days, lola."
"But if this friend is a girl, definitely, paliligawan ko siya sa iyo."
Hindi mangyayari yun. Malabo! Pero ewan ko ng ba. Gusto ko kasing ka-trabaho si Bea. Magaling ito at creative. Eh, sa totoo lang, parang nag-e-enjoy na ako sa company niya. At gaya nga ng sabi ko noon, masarap siya asarin kasi game siya sa mga asaran.
"Good morning po. Gising na po ba si Bea?" Bati ko sa tiyahin nila. Mukhang napa-aga ako ng dating. Tulog pa yata si pandak!
"Naku, tulog pa. Eh ikaw ba si Gino, yung amo niya?" Tanong niya sa akin.
"Ah... opo... Ako nga po si Gino."
"Siya, ika'y pumasok muna. Mukhang napuyat yun kagabi at busy sa pagre-review."
Review?! May exam lang? O recipe ang nire-review niya? Naupo muna ako sa sofa habang naghihintay sa kanya.
Hindi nga ako nagkamali, mukhang bagong gising nga siya.
"Ang aga mo naman, di'ba sabi ko mga 11:00 ka pumunta?" Nakasimangot na sabi sa akin ni Bea.
"Wala ka ng mabibili sa palengke nun."