Chapter 25: LoveNat

765 8 1
                                    

Ashleen: Mark?! Mark, ikaw ba yan?

Nakatalikod kasi siya ehh..Pero lumingon siya saken.. Si Mark talaga ehh.

Ashleen: Huy. Ano ka ba?! Sinundan mo pa talaga ako dito ha?! Lika nga rito. Loko ka talagang bata ka..

Giniginaw siya. Naka-tshirt lang kase tapos nabasa pa ng ulan. Ayun! Sakit ang aabutin nito.

Ashleen: Uy. Basang basa na tayong dalawa uh..

------------------------------

Mark's POV

Pagpasok namin sa bahay nila. Pinaupo nya ko sa sofa nila. Tapos ewan ko na? Iniwanan na niya ko dun eh..

Ilang minuto lang, bumalik na siya. May dalang damit at mug. Ang ganda pala niya kapag nakapambahay lang siya. Napakasimple nya kasi. Nakatitig lang tuloy ako sa kanya. Ang ganda ganda kasi. Nakasabit pa yung suklay sa mahabang buhok niya.

Ash: O eto, Mark. Para naman mainitan ka. Tapos magpalit ka na rin muna ng damit mo kasi masama yan. Pagpasensyahan mo na kung medyo malaki ha?

M: .......(tulala)

Ash: Mark! Uy! Hello?!

Mark: Ah? Ayy? Oh.. Salamat, Salamat..

Ash: Ano bang meron? Bakit parang tulala ka pa dyan?

Mark: Wala.. Wala... Medyo naggng masama ata yung pakiramdam ko..

Ash: Asus! Kaya mo yan... O bihis na...

Tumango lang ako. Ang ganda talaga ni Ashleen.

Ash: Oh? Bilis na! Bihis na. Lalamig na yung milo mo uh. Dalii.

Mark: Saan ba?

Ash: Sa banyo syempre, saan pa ba?

Mark: E pano mo makikita yung abs ko?

Nanlaki yung mata niya. Natatawa ako pero ewan ko, nahihilo ako na medyo sumakit ulo ko na nanghihina ako.

Ash: Alam mo...Ikaw.... Kahit saan dinadala mo yang kalokohan mo... Sige na, tumayo ka na, magbihis ka na. Pag ikaw natuyuan sa likod mo, sisipunin ka nyan.

Mark: Okay...

Tumayo ako pero...pag tayo ko nagdalawa yung paningin ko. Kaya napaupo uli ako at hinipo ko yung ulo ko.

Ash: Oh? Bakit? Ano nangyare sayo?

Mark: Aray.. Di ko kaya Ash..

Ash: Bakit? May pilay ka ba?

Mark: Tange, nahihilo ako ._.

Nilapitan ako ni Ashleen at hinipo niya yung leeg at noo ko.

Mark: Ang sakit ng ulo ko, shit...

Ash: Teka Teka! Walang hiya! Medyo mainit ka! Saglit.

Natataranta siya habang nagiisip kung anong gagawin niya saken.

Ash: Uhm,... Sige na, sige na nga, Diyan ka na maghubad! Hindi ako titingin pero Bilisan mo ha, bilisan mo. Please Lang..

Nagpalit nalang ako dun ng damit. Talagang hindi ko kayang tumayo. Nakakahiya tuloy kay Ashleen.

Mark: Tapos na, Tapos na!

Ash: Buti naman, o mahiga ka muna dyan. Saglit lang,,,

Iniwan niya lang ako dun. Tapos basta, parang may naririnig ako sa kusina nila. Hinahayaan ko nalang siya. Humiga naman ako kasi medyo talagang nahihilo ako. Hindi ako pwedeng magkasakit nito :(

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon