ATKP

6 0 0
                                    

Nanahimik lang naman ako sa isang tabi, kontento sa mga pasulyapsulyap mo, hindi naghahangad na may hihigit pa, pero isang araw bigla mong ginulo ang nanahimik kong puso, kasi nalaman mong may gusto ako sayo, pero kahit ganoon ay naniwala ako sa sinabi mong totoo ang nararamdaman mo, sumubok tayo, pero tatlong buwan lang ang tinagal neto, nakikipagbalikan ka ngunit nalaman kong pinagsabay mo pala kami ng sinabi mong ex mo, nasaktan ako pero hindi ko nagawang nagalit sayo, siguro dahil mas pinili ng puso ko ang patawarin ka kesa ang magtanim ng poot sa puso ko, lumipas ang isang taon, sa loob ng isang taon, para kang isang araw, lulubog at lilitaw, may mga issue akong naririnig tungkol sayo, andiyan yong pumapatol ka sa isa mong kainumang babae na relative mo pa, hinayaan kong ang puso ko ang makinig kaya hindi ako naniwala, dahil base sa pagkakakilala ko sayo, hindi mo iyon magagawa, andiyan din yong naissue ka sa asawa ng pinsan mo, muli, hinayaan kong ang puso ko ang makinig, hindi ako naniwala, kasi nga kilala ka ng puso ko, isang araw gusto mo na ulit bumalik, muli, hinayaan kong ang puso ko ang magdesisyon, sumubok ulit ako sayo, naramdaman ko na may nagbago sayo, pinaramdam mo na ako lang, na hindi mo na uulitin yong ginawa mo dati, ngunit ilang araw palang, nakita kong hinalikan mo yong ex mo, kahit saglit lang yon, nakita ko parin, hindi mo alam na binabantayan ko ang galaw mo mula nung nilapitan mo yong ex mo, nung sinabi ko sayo, tinanggi mo, na mali lang yong nakita ko, muli! hinayaan kong ang puso ko ulit ang makinig at magdesisyon, kinalimutan ko yong nakita ko, naging okay ulit tayo na parang walang nangyari, ngunit isang araw bago magtapos ang taon nalaman kong magkatext pa kayo ng ex mo, tulad ng dati, tinanggi mo, sabi mo tropa mo lang yon, ngunit napatunayan kong nagsisinungaling ka, kaya sa pagkakataong ito hindi ko hinayaan ang puso ko, sinubukan kong nakipagkalas sayo, ngunit sabi mo ayaw, gumawa ka ng paraan para patunayan na handa kang bitawan yong ex mo, at muli! hinayaan kong muling ang puso ko ang magdesisyon, sa sobrang pagmamahal ko sayo hindi ko namalayang nauubos na pala ako, kaya isang araw, mas pinili ko nalang na sumuko, dahil sa bawat araw na dumadaan, mas nakikita ko ang pagkawala mo ng amor sa relasyon natin, bumitaw ako dahil napagod na ako, pero hindi ko akalain na sa pagbitaw ko ay nanaisin ko ulit na kumapit, ngunit ang sakit malaman na bago pala ako bumitaw, mas nauna ka na pala, sinubukan ko ulit, nilonok ko ang pride ko, pero tinanggihan mo, sabi mo aayusin na muna natin ang sarili natin, nagkasundo tayo na maging magkaibigan, wala akong nagawa kundi tanggapin nalang, na makontento sa kung ano yong kaya mong ibigay, ngunit isang araw nalaman kong may iba ka na, naalala ko yung pinagkasunduan natin, nangako ka na ako pa rin, na hihintayin mo ako, na hindi ka maghahanap ng iba, naniwala ako, kumapit ako sa mga salita at pangako mo, pero sabi ko rin na pag nalaman kong may iba ka na, pipiliin ko nalang na bumitaw sa mga sa pangakong salita lang ang nagpapatibay, at habang tumatagal ang dami kong narealize, na napatawad lang kita pero yong tiwala ko sayo hindi ko na kayang ibigay ulit, na kung ako parin talaga una palang bumalik ka na sakin, na kahit gano katagal pa yan maghihintay ka, na kahit gaano pa karaming tukso hindi ka maghahanap ng iba, at higit sa lahat kung ako parin pangangatawanan mo ang pangako mo. pag tinatanong ako kung bakit ikaw daw ang minahal ko, lagi kong sinasabi na hindi ka kasi nila kilala kaya hindi nila alam, ngunit ngayon, ako ata yong mali ang pagkakakilala sayo, kasi yong mga masamang bagay na akala ko hindi mo kayang gawin, ngayon ko lang nakikita na nagawa mo na pala sakin.

Stupid HeartWhere stories live. Discover now