"I thought you wouldn't answer that bastard again?", kunot-noo kong tanong sa best friend kong si Jyzelle.
"I know I've said that. Pero kasi sabi niya magbabago na siya. Pinagsisihan naman na niya and kaniyang ginawa. Just to give him another chance." halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Jyzelle.
"So, naniniwala ka naman? Jyzelle, what if he did it to you again? Kasi alam niyang hindi ka lalaban against him".
"I know... But he said he will change", sabi niya sabay upo sa couch at inilagay ang dalawa niyang kamay sa noo na para bang namo-mroblema.
"What if... Hindi? And bumalik ang dating siya?", tanong ko. Ayoko ka kasing masaktan ulit ang best friend ko nang dahil lang sa lalaking yon. He's a bastard.
"I don't know... Just go with the flow?", sabi niya at ngumiti ng peke.
"Do you still love him?", curious kong tanong. Please say no... Please...
"Yes, I still love him... Despite everything. Kahit ginawa niya ang bagay na yon sa akin noon. Mahal ko pa rin siya", and with that words... Tumulo ang luha ni Jyzelle. Yung feeling na nasasaktan yung best friend mo para ka na ring nasasaktan. Yung feeling na gusto mo siya i-comfort, kaso hindi mo alam kong paano. Kahit hindi ka involve sa sitwasyong yon. Just when you saw your love once cry. Feeling mo na din na parang nasaktan ka. Gusto kong hagurin ang likod niya para patahahin siya. Pero hindi ko ginawa dahil gusto kong siya mismo ang tumahan at patigilin ang luha niya.
"Tss", nagkunwari akong walang pakialam. Tumayo ako sabay sukbit ng shoulder bag ko at kinuha ang mga libro. "Tara na. Baka malate tayo".
Inayos niya ang mukha niya. Nagsuklay siya gamit ang kamay niya, naglagay siya ng blush on at naglagay din siya ng kaunting lip tint para hindi halatang galing sa iyak. At pagkatapos n'on tumayo na siya at kinuha ang bag at ngumiti bigla.
I smiled in return at lumabas na kami ng kuwarto ko. At dumiretso sa kusina para magpaalam kay Mommy. Good girl ako eh. Inggit ka? Gaya ka...
"Mommy, alis na po kami", sabi ko kay Mommy.
"Hindi na kayo kakain?", tanong naman ni Mommy.
"Kakakain ko lang kanina Mommy", sabi ko at tumingin ako sa likod para hanapin si Jyzelle pero di ko makita. Napatingin naman ako sa likod ni Mama, at ayon siya nilantakan ang bagong luto ni mama na cupcake. Gutom lang bes? Nang tingnan ko siya, ngumiti lang siya at balik uli sa pag-kain. Haays... Kain nang kain di naman tumataba.
"Tara na Jyzelle". Sabi ko at natawa bigla si Mommy. Pano ba naman kasi mabubulunan na siya wala pa rin siyang tigil kakakain?
"Wait lang, magbabalot lang ako", tumaas bigla ang kilay ko. What the--- kumain na nga siya... Magbabalot pa?
Napatingin ako kay Mommy.
"Okay lang yan, nak... Marami naman akong naluto", sabay hawak ni Mommy sa kaliwang balikat ko. Napa-buntong-hininga naman ako. Napatingin naman ako kay Jyzella. Grabe talaga 'to si Jyzelle. Parang hindi nanggaling sa iyak. That's why I like her. Na kahit may problema siya. Kaya niyang maging masaya in her own way. Napatingin naman ako sa mukha niya. She has a brown eyes. A golden brown hair, mapupulang labi na ngayo'y ngiting-ngiti, at matangos ang ilong niya kaya lang mas matangos ako...
"Thanks, Tita", sobrang saya niya kaya nagbalot agad siya.
"Ahh, anak... Aalis ako maya-maya", sabi ni Mommy. Tiningnan ko naman siya.
"San po kayo pupunta?"
"Sa Singapore, you know business matters", sabi niya.
"Okay lang Mommy. Eh diba si Daddy andon?"
"Yes anak... Sosorpresahin ko ang Daddy mo don". At nanggigil si Mama na parang teenager kagaya ko. "You don't have to worry, pauwi naman na din si Kuya mo kaya may makakasama ka dito sa bahay".
"Andiyan naman sila Yaya. Tsaka you know Kuya... Kakabalik niya lang dito sa Pilipinas then pupunta na agad siya sa Girlfriend niya", sabi ko.
"Okay lang yon".
"Yeah right". -_-
"So, what's your pasalubong?"
"Kahit ano po Mommy. Basta makakapagpasaya sa akin", sabi ko.
"Sige sige". At ginalaw niya ang buhok na para bang isa akong aso.
"Tita, alis na po kami", sabi ni Jyzelle.
"Oh sige na at baka ma-late kayo".
"Sige po Tita. Thank you sa cupcake. Sobrang sarap po. Hanggang sa uulitin", sabay tawa ni Jyzelle.
"Sure. Basta balik ka lang dito". Ngumiti nalang kami at pumunta sa garage para kunin ang Red Porsche ko.
"May dala kang car?", tanong ko sabay inikot ang susi sa pintuan ng kotse.
"Nag-commute lang ako papunta dito", pumasok na ako sa kotse ko at siya naman ay umupo sa passenger seat. At maya-maya nag-drive na ako at baka ma-late pa.
"Balik tayo kanina. Tatanggapin mo ba ulit siya?", tanong ko habang nagda-drive.
"Oo naman... What should I do. Mahal ko siya eh", yung kaninang sobrang saya ng mukha niya. Ngayon sobrang lungkot ng mukha niya.
"Gawin mo ang magpapasaya sayo. Ang magpapasaya sa puso mo. Andito lang kami. Isang tawag mo lang, andiyan agad kami para upakan ang lalaking iyon para sa'yo." then nagtawanan kami.
"Thanks. Tsaka puwedeng patugtog ka naman. Ayoko ng boring eh".
"Sige ba", then inikot ko ang speaker ng kotse ko.
Just like what I've said in My Sweet Series #1 I wrote this story, when I was in high school. Third year high school to be exact.
At kapareho ng Series #1, on-hold ko muna ito. Sorry naman at hindi ko naipag-papatuloy agad HAHAHAHHA
Gusto ko lang kasi makita soon, ang mga ipagpapatuloy kong mga story kapag natapos na ang ibang story.
So as I always say...
See you in the next update ❤️
🌹 TheGirlLovesRed🌹
YOU ARE READING
My Sweet Casanova (My Sweet Series #2) | On-Hold
Teen FictionPlayboy? Casanova? Manloloko? Feelingero? Well, that's my definition of my one neighbor, Dustine. He's a totally playboy. Akala mo naman ay kung sinong pogi? Eh mas pogi pa ata mga ex ko diyan eh. Akala mo, siya na ang pinaka-poging nilalang na gina...