AGGR 3

4 0 0
                                    

Haaaaaays. Hinatid na ako ni von sa room ko kahit may bentesingkong minuto pa ang natitira dahil pinatawag ito ng coach niya at may ibibilin lang daw dahil ayaw raw kausapin ni shawn ang kahit na sino kabilang na ang coach nila.









Ngunit hindi ito ang prinoproblema ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi din maalis ang lungkot at pagkaguilty ko.










Bakit kaya walang pinapansin si shawn? At pati ang coach niya ha! Sa pagkakaalam ko mahal na mahal nun ang basketball kaya tuwang tuwa pag tinatawag ng coach nila. Puntahan ko kaya siya? Aghhh! Baka di din ako pansinin nun.







Bakit ba gantooooooo?! Bakit ako naguiguilty? Hindi naman ganun kasama yung nagawa ko diba? Wala naman akong nagawang mali diba? Oo na sige na, nagkamali na ako. Pero hindi naman ganun kalala diba?






Aaaaaaaarrrrrrghhhh! Oo naaaaa! Ang sama ko naaaaaa! Kasalanan ko naaaa! Ano ba naman kasing kaengengan ginawa mo carmela! Ayan nagtatampo pa ata sakin yun si shawn hays. Tandaan mo carmela, siya ang unang kaibigan mo, siya lang nakakapagtyaga pag nagsusungit ka.







"Aghhhh! Fine!" Napasigaw ako habang ginugulo ang buhok ko dahil sa naiisip ko.









Pinagtitinginan naman ako ng mga kaklase ko dahil sa inasta ko. Umirap ako atsaka tumayo, inayos ko pa ang damit ko at agad naglakad patungo sa cafeteria.






Baka hindi pa kumakain yun. Nang makarating ako sa cafeteria ay agad akong tumayo sa may cashier. Hmmm. Ano kaya gusto nun?









"Ahm, ate. Isang order po ng carbonara and isang chocolate milkshake" pag order ko kay ate cashier.






"Big meal ba yung carbonara mo ma'am? Yung chocolate milkshake? Small, medium or large?"



"Hmm, opo sige bigmeal. Uhm, medium na lang po. Take out po ha"



"Okay sige. Sandali po ma'am ha."




Mayamaya pa ay inabot na nito ang order ko. Nagpasalamat ako at agad umalis na.













Nang malapit na ko sa classroom ni shawn ay bigla naman akong kinabahan. Pano kung di niya ko pansinin? Pano kung mapahiya lang ako dun? Waaaah.









"Bahala na. Andito na e" bulong ko sa sarili ko. Bumuntong hininga pa ako at tuluyan ng naglakad patungo sa classroom nila.





Agad ko itong nakitang nasa isang gilid malapit sa bintana. Napakalalim ng iniisip niya habang iniikot pa ang ballpen sa kanyang mga daliri. Napa pikit ako ng mariin at bahagyang lumunok. Kaya ko to.




Lumapit ako sa bintana kung san siya malapit at kinatok ito. Nakuha ko ang atensyon niya ngunit panandalian lang dahil tumitig uli ito sa kawalan at pinagpatuloy ang pagpapaikot sa ballpen niya. Hays.




Pumasok ako sa classroom nila, mabuti na lang at walang masyadong tao. Tumabi ako rito at inialok ang pagkaing dala ko para sa kanya na tinitigan niya lang.




"Shaaaaaaawn. Sorry naaaaaaaaaaaaaa. Pleeeaaassseee? Peace offering ko to sayo oooooooh" malambing pang sabi ko habang nagpapacute



Nanatili itong nakatitig sa pagkain. Hays. Galit talaga siya huhu.




"Sorrryyy na poooo please? Bati na tayo? Di na mauulit promise." Dagdag ko. Hindi pa rin ito kumikibo.





A Good Girl's RevengeWhere stories live. Discover now