Liar!

211 4 5
                                    

Liar!

One Shot

by PangetSaPersonal

Word Count: 2582

-----------------------------------------------------------------------

"Moi, yun ba yung boyfriend mo?"

"My gaad, kalaglag panga ha."

 Bungad ng mga babae kong kaklase. Ang pinag-uusapan lang naman nilang lalaki ay yung "boyfriend" ko. He isn't my boyfriend actually he is my cousin. Si Kuya Yoshi, sinabayan nya kasi ako papuntang school malay ko namang makikita pala nila? Wala akong intensyon na sya ang gawing "boyfriend" ko. Pero bahala na si Batman. May itsuura naman si Kuya Yoshi e.

I just said that para hindi ako mapahiya. And I'll admit it, hobby ko ang payda-daydream to the point na hindi ko na alam ano ang pinagkaiba nito sa katotohanan. Oh yeah, my name is Moi short for Marion. I'm a girl ha. :D

 "Moi, bigay sayo 'to ng boyfriend mo?" tanong ng isa kong babaeng classmate.

"Infairness ang bango ha." sabi ni Trisha, habang ni rarape ng ilong nya ang jacket.

 "Oo, haha thank you." tinutukoy nila ang letterman jacket nasuot-suot ko.

 "Go back to your seats! We'll start the classes." pahayag ng Adviser namin para simulan ang klase.At agad namang nagsi-alisan ang mga babae kong classmate at bumalik na sa kani-kanilang upuan.

 "Peram white-out." sabi ng katabi kong si Kurt.

 "Lagi na lang, kelan ka ba matuto magdala ng iyo? Yung totoo?" sagot ko. Asar naman, nakakatamad kasing kunin at halughugin pa sa bag ko yang maliit na bagay na 'yan e. Inabot ko sa kanya ang white-out na may design na Superman, 'di ko pa nga 'to masyado nagagamit e, mga 1 inch palang ata ang nagagamit ko sa correction tape na 'to. At sya pa ata ang makakaubos.

 "Oh thanks, hangga't meron ka." and that line made me blush. Sinabi nya iyon ng matapos niyang gamitin ang white out. Tinignan ko kung ano ang binura nya, psh nagdra-drawing lang pala ng kung anu-ano sa likod ng notebook. Hay, walang kwenta naman pala. 

 "Ilalagay ko muna dito ha, para di mo na ako istorbohin." nilagay ko ang white-out sa gilid ng upuan ko. Para naman hindi ko na abalahin pang kunin at hukayin pa ang bag ko para lang mahanap 'tong white out.

I can notice na simula nung lumipat kami ng upuan, palagi na lang syang humihiram ng kung anu-anong bagay sa akin. Is that the way para makausap nya ako? Does he like me? Aaminin ko matagal ko na rin syang crush pero alam kong hanggang dun lang. Ano ba kasing magugustuhan nya sa akin diba? Oh Moi, don't get your hopes up, baka san ka dalhin nito. I smiled with the thought.

 "Yang jacket ang ganda ha." he blurted out, after a few seconds of silence.

 "Thanks." I replied. I gave my biggest and sweetest smile. So napansin niya rin pala ang jacket?

 "Paki-sabi sa boyfriend mo salamat sa pagbili nyan sa store namin." lumaki ang mata ko. And he smirked.

 "Sinungaling." sabi nito habang nakangiti. Na para bang ako ang pinaka-sinungaling na tao sa buong mundo. Mejo mabigat yung pagkakasabi nya e.Tumingin ako sa ibang direksyon at nararamdaman kong nagsisimula nang pumawis ang mga palad ko. OHNOSEE.

 "Ha?"  sagot ko. No waaay -.- Hindi kaya? Alam niya? Nanatili akong tumingin sa malayo. Hindi ako makatitig sa kanya ngayon e.

 "Bakit ka ba nagsisinungaling? Binili mo yan sa shop e." he insisted. Habang nakataas ang isa niyang kilay. Tinignan ko sya ng saglit ngunit iniwas ko muli ang tingin ko.

Liar!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon