Tuloy ang party at kasiyahan ng dating magkaklase. Nagkaroon naman na sila ng buuhang kwentuhan kanina kung kaya't ngayong kainan ay nagtipon-tipon sa bawat sulok ang dating magbabarkada at nagkwentuhan din tungkol sa mga naging buhay nila sa mga nagdaang taon. Ang iba ay may mga asawa't anak na. Ang iba ay ikakasal pa lang katulad ni Nika. Ang iba ay boyfriend level palang kagaya na lamang nina CK at Vivoree at ang iba naman ay purong single pa.
Hindi lahat related sa pagluluto ang kinuhang kurso noong kolehiyo kung kaya't may ilan sa kanila na mga arkitekto na ngayon, ang iba ay mga Engineer. May mga teachers, fashion designer, attorney, businessman at businesswoman, accountant. Pero karamihan nga ay pinili syempre ang cooking field. :)
Nasa isang table sina CK at Vivoree. Nakahiwalay si Mira sa kanila dahil kasama neto ang asawa at anak. Si Jaden naman ay nasa gilid, sa mini-bar na sinet-up nila para sa gabing ito na puno ng selebrasyon at kasiyahan.
Magkahawak-kamay ang dalawa habang masayang nakatingin sa dati nilang mga kaklase. Masayang-masaya sila para sa lahat ng naabot ng mga ito at inaalala nila kung gaano silang lahat kakukulit noong mga panahong yun kung kaya't ang iba ay inaasar ngayon dahil successful na nga.
"Foo, tignan mo si Emman. Naaalala mo ba kung gaano yan kabasag-ulo dati? Grabe noh? Napakapasaway niya. Pero tignan mo naman ngayon. Aba, siya na ang nanghuhuli ng mga pasaway. Akalain mong naging Pulis?" natatawang puna ni Vivoree sa pinakamakulit nilang kaklase noon na kung titignan mo ngayon ay sobrang tikas na at propesyonal na propesyonal kung tignan. Hindi mo maiisip na pasaway ito noong high school sila.
Nagulat naman si Vivoree nung biglang takpan ni CK ang mga mata niya gamit ang isang kamay neto. Inalis niya ito ngunit hindi pa rin siya hinahayaan ni CK na gawin iyon.
"Foo, what are you doing? Wala akong makita." reklamo niya. Narinig niya naman itong inis na bumuntong-hininga. "Mas mabuti na yung nakaganyan ka. Kung sino-sinong gwapo ang nakikita mo sa paligid kapag hindi ko ginawa toh eh." rinig niyang sagot neto sa kanya. Napatawa naman siya nun. Kahit kailan talaga ay seloso ito. Pero hindi niya yun ikinaiinis. Sa halip, natutuwa pa siya kasi nararamdaman niya kung gaano siya kamahal ng boyfriend niya. Possessive ito sa point na sa tingin palang neto alam na ng iba na may nagmamay-ari sa kanya. Natutuwa siya dahil hindi naman ito territorial ng sobra. Hindi nakakasakal ang pagiging seloso neto. Kahit malakas si CK, pilit niyang tinanggal ang kamay neto sa mga mata niya. Nung magtagumpay, hinawakan niya din ito at ngumiti siya sa nakasimangot na boyfriend.
"Foo, alam mo namang kahit ilang libong gwapo at matikas pa ang iharap sa akin wala akong pakialam diba? Kahit kasinggwapo pa nila sina Carlo Aquino o kung sino pa man diyan kung hindi naman sila ikaw, walang epekto sa akin yun. As in, wala. Alam mo yun. Ewan ko nga eh. Sayo lang ako nahuhumaling ng ganito." she told him at saka hinawi ang ilang hibla ng buhok sa noo neto. Napansin niya namang nagpipigil itong ngumiti kaya inasar niya ito at kiniliti ang tenga. "Yiehhh, ngingiti na yan. Mahal ko, ngingiti na yan." she teased and she succeded. Maya-maya nga lang ay ngumiti na ito, labas na labas ang buong set ng ngipin. Ang ganda talaga ng ngiti neto. Sobrang gumagwapo ito kapag ganoon. Inakbayan naman siya neto at humilig siya sa balikat neto.
At dahil napansin ni Mira ang sweetness ng dalawa, lumapit siya sa tagapamahala ng music at nagrequest ng romantic song na babagay sa kanilang dalawa. Agad naman din itong sumunod at kinuha ni Mira yung microphone.
"Okay classmates! Eto na. Dahil alam naman nating lahat at nakita natin kung gaano nagbangayan at nag-away itong dalawang tao na toh sa loob ng apat na taon noong high school tayo, why not invite them to dance here? Para mawitness naman natin kung paano ba sila kapag in-love. Diba? Akala kasi natin noon, imposible pero ngayon..naniniwala na akong wala nga talagang imposible sa pag-ibig." panimula ni Mira. Bigla namang sumigaw si Nika nun. "Naku Mira, nagpipigil lang sila ng nararamdaman nila noon! I know that!" sigaw neto kaya nagtawanan silang lahat at inasar na sina CK at Vivoree. "Ay ganun ba? Muka nga. Haha! At mukang alam niyo na din agad kung sino yung tinutukoy ko noh? Saya naman." muling sambit ni Mira at tumawa kaya tumawa na din ulit ang iba.