60

453 32 8
                                    

Point of View: Meca

"perky baby shark!"

"what?"

"mahal kita kahit pokpok ka!"

bigla namang napanguso ito at namula ang tenga. agad naman akong kinantiyawan ng mga hayop kong kaibigan.

"kadugyot mo, meca!"

"you're so ewwyy"

"mas pokpok ka!" giit ni perky baby shark dutdut

"so ibig sabihin kung mas pokpok ako mas mahal mo ako?" ani ko.

"heh! baduy!" tanging sambit na lang nito. ngiting ngiti naman ako kaya lang agad napasimangot ng nakita ko na naman ang manok na si leonora sa lap ng irog ko. pirming nakaupo doon at tila nang-aasar na nakatingin sa akin. hmp. gawin kitang tinola eh. feel na feel ang lap dance. walangyang leonorang ito.

papunta kami ngayon sa rest house nila airy sa zambales. birthday din ng mama niya kaya napagpasiyahan na lang na isabay ang graduation celebration.

"i'm excited to be home again." ani ate primma. oo nandito rin siya inimbitahan ni airy at dahil ito talaga ang hometown niya um-oo nalang siya before magflight papuntang paris

sa zambales talaga ang hometown namin. ako, perky, ezra at ate prims.

"hoy sure ka ba na sinama mo 'yang arcane?" rinig kong bulong ni ezra kay cherry.

"oo 'no. tsk. ako naman ang lalandi this time."

"hindi ba ma-out of place ang isang iyan?"

napalingon ako sa passenger seat sa tabi ng driver. tahimik lang doon si arcane at nagce-cellphone. bakit nga ba pumayag ang isang ito? gayong hindi naman namin siya close? psh. hindi talaga maintindihan ng gamunggo kong utak ang pag-iisip nitong arcane na ito.

noong napadako ang tingin ko sa rear mirror, nagkasalubong ang tingin namin. napaiwas tuloy ako ng tingin. hindi ko alam, ang awkward kasi.

hinilig ko nalang ang ulo ko sa bintana, hindi kasi kami tabi ni perky baby shark dun siya sa medyo unahan ko edi sana balikat ni perky baby shark ang sinasandalan ko ngayon. kainis!

tanghali na ng makarating kami sa rest house nila airy. sobrang pagod ko ay nakatulog agad ako sa guest room nila. hindi rin kasi ako nakatulog kagabi. iniisip ko ang problema ko kay arcane pati na rin yung kay ezra tapos dumadagdag pa itong si perky baby shark.

sobrang dalang namin magkita at makapag-usap kahit online. hindi ko naman alam ang dahilan. noong pinuntahan ko siya sa kanila para yayain, sabi wala daw siya. ewan ko pero kinakabahan ako. kahit naman kasi naglalandian kami, malabo parin at magulo.

ito namang si ezra, halatang iniiwasan ako. hindi ko magets ang nangyayari.

nagising ako ay medyo hapon na. dumungaw ako sa salamin kung saan kita ang kulay asal na dagat. ang ganda at ang lamig. napangiti ako habang ini-imagine ang pagtatampisaw at paghahabulan namin ni perky baby shark. siyempre ako ang naghahabol yieie lagi naman eh.

bumaba ako at nakasalubong ang magandang nanay ni airy.

"hello, tita." pagtawag ko.

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon