CHAPTER 4 Josh

56 11 0
                                    

Shit shit shit shit shit! Bakit ko ba kasi ginawa yun!? Baka iwasan ako ni Odette. Baka hindi naman? Shit talaga! Nakaka gago!

*RIIIIING*

*RIIIIING*

"Hello?"

"Tol! Free ka ba ngayon? MOA tayo!" alok ni Luke.

"Sige sige anong oras?"

"Mga 12 P.M. pasundo nalang. Hahaha!"

"Sira ka rin eh noh? Ikaw aalok ako pa susundo."

"Aww... Sorry master! Sira kotse ko eh kaya ganun."

"Sige na nga! Nak ng tokwa oh! Ikaw sa gas ah! Sama mo na rin pagkain. Bwahahaha!"

"Sige na nga! Mamumulubi ako nito eh."

"Mag ayos ka na! Sige na."

-End of Call-

Nag ayos na si Josh. Naka fit na t-shirt at jeans, converse na black at naka vans na bag. Sumakay na siya sa kotse niya at pumunta kay Luke. Mag iisang oras na siya nag hihintay wala parin si Luke. Tinawagan niya pero walang sumasagot. Nag doorbell nalang siya sa bahay ni Luke. Bumungad sakanya ang nanay ni Luke.

"Good afternoon po, nandyan pa po ba si Luke?"

"Ah si Luke ba? Nasa kwarto niya. Puntahan mo nalang Josh." sabi ng nanay ni Luke.

"Ah sige po. Salamat po."

Umakyat si Josh sa kwarto ni Luke. Pagkapasok niya ay sobrang gulo ng kwarto, parang dinaanan ng tornado!

Hala!? Anyare dito!? Asan si Luke!? Kokotongan ko yung gagong yun pag nakita ko siya.

Biglang may lumabas sa C.R. Si Luke! Naka bihis na siya. Handa na umalis.

"Luuuuke! Langya ka! Isang oras na ako nag hihintay sa labas!"

"Chill lang tol, tapos na ko mag ayos. Tara na! Ang bagalba--- aray!"

Kinotongan ni Josh si Luke.

"Para saan yon!?" galit na tanong ni Luke.

"Tinatanong pa ba yon!? Dahil sayo gutom na ako! Bwisit! Humanda yang wallet mo." banta ni Josh.

Bumaba na sila at nag paalam sa nanay ni Luke. Pinaandar na ni Josh ang kotse niya at pumunta na sila sa MOA.

"Luke! Gutom na ko! Pakainin mo na ako!"

"Ano gusto mo ipakain ko sayo?" nag smirk si Luke.

"Sira ulo ka talaga kahit kelan!"

"Luh? Ano ba kasi iniisip mo diyan ha? Nako Josh masama yan alam mo namang straight ak--- aray! Nakakarami ka na ah!" angal ni Luke.

"Timang ka talaga eh noh! Mamaya may makarinig sayo eh! Ano pang isipin nila."

"Kalma lang tol. Doon tayo sa TGI Friday kumain may discount card ako doon." anyaya ni Luke.

"Sige ba! Humanda talaga yang wallet mo. Bwahahaha!"

Napailing nalang si Luke. Pumunta sila sa kainan di nila napansin na nandoon din sila Odette at Louise. Umorder si Josh ng Steak, baby back ribs, mash potato at milkshake.

"Pare pinapatawad na kita."

"Ano!? Ngayon palang!?" angal ni Luke.

"Oo. Akala ko kasi hindi mo tototohanin eh."

"Sira ulo ka talaga Josh." sabi ni Luke sabay batok kay Josh.

"Aray! Naisahan mo ko ah!"

Nagtawanan sila sa restaurant. Naisipan nilang mag lakad sa sea side. Habang nag lalakad sila nakita ni Luke sila Odette.

"Josh! Sila Odette oh!" sabi ni Luke.

"Ha!?"

"Oh tol? Bakit ka namumula? May gusto ka ba sa best friend mo? Ikaw ah! Bawal yan! Alam ba yan ng magulang mo? Hahaha!" pangaasar ni Luke.

Napatahimik si Josh.

Sira ulo ka talaga Luuuuke! Papatayin kita! Pasalamat ka nasa public tayo kung hindi nako! Sinasakal na kita ngayon!

"Tol? Seryoso? Odette Mendez?" tanong ni Luke.."O-oo! Bakit? M-May problema ka ha!?"

"Easy lang pre, easy. Nag 'the moves' ka na ba? Share naman diyan tol!" pangungulit ni Luke.

"Oo na, ikwekwento ko na."

Ikwinento ni Josh ang pangyayari sa kwarto niya kay Luke.

"Wow pare! Lumelevel up ka na! Makamandag ka nga!" pangaasar ni Luke.

"Pare baka iwasan ako ni Odette. Katangahan ang ginawa ko. Paano pag iniwasan niya ako?"

"Ganito gawin mo..."

Inexplain ni Luke ang plano niya kay Josh. Pumayag naman si Josh sa plano ni Luke dahil maayos naman.

"Basta gawin mo yan mapapatawad ka ni Odette. Kakausapin mo lang muna siya. Basta do it exactly as I planned." payo ni Luke.

"Wow nosebleed ako don ah. Ikaw din lumelevel up! Nagienglish ka nang unggoy ka. Hahaha!"

"Gwapong unggoy naman! Hahaha!" pagyayabang ni Luke.

"Gwapo? Saan banda?"

"Whole package tol!"

"Weeeeh!?"

Nagtawanan silang dalawa habang nag lalakad papuntang parking lot. Umuwi na silang dalawa at nag pahinga.

Bukas kakausapin ko si Odette...

~End of Chapter~

You and Me Best friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon