Revealing Secrets

106 2 2
                                    

[Paula's POV]                   

Malakas ang ulan ng gabing yon, at kahit hating gabi na ay hindi parin ako makatulog. Sa sulok ng kwarto ko ay mayroong malaking salamin na may takip na pulang kurtina, Bagong lipat palamang kami sa bahay na iyon ngunit unang gabi ko palang sa bahay nayon ay iba na ang pakiramdam ko, parabang may laging sumusunod saakin pero inisip ko nalang na baka kapitbahay lang namin na nahihiya na makita ko sya.

            Kinabukasan, tinawag kami ni daddy para tulungan sya sa pag aayos ng bahay,"ATE PAULA!!!!!!!" napaka lakas na sigaw ni Franka, biglang tumakbo sila daddy at si kuya Simon "Franka Bakit ka sumigaw?" tanong ni daddy "da-da-daddy meron po kasi akong nakita nakakatakot" pero nung binuksan nila daddy yung pinto isang malaki at ordinaryong bodega lamang ang nakita nila. Tinawag kami ni mommy para mag tanghalian, umiiyak parin si Franka sakto na magkatabi kami ni kuya Simon kaya binulungan ko sya,"Kuya parang nagpapapansin lang si Franka kayla mommy at daddy tsaka diba nagaway sila ni daddy kaya siguro sya sumigaw at umiyak dahil gusto nya na mapansin sya nila mommy at magkabati sila ni daddy" natawa si kuya Simon at  sinabi saakin "Nakalimutan mo naba na may pagka tibo si Franka kaya nya tiisin si daddy kahit hindi sya pansinin ng isang taon dahil nandyan naman si mommy at hindi sya ganon kadali mapa iyak" natatawang sabi ni kuya Simon. Pagkatapos magtanghalian kinausap ko si Franka tinanong ko sya kung bakit sya pumunta sa kwarto na merong sign na "OUT OF ORDER" halata naman na bawal pasukin yung room. Pero wala daw syang nakita na sign kaya nagtataka ako kung bakit ako lang ang may nakitang sign.

                   Naka getover na si Franka kaya balik nanaman ang buhay ko sa dati laging may kaaway at magiging utusan ni Franka, kahit bunsong kapatid ko sya hindi nya dapat ako tinatrato ng ganon. Pagpasok ko sa kwarto ko nandun nanaman yung malaking pulang kurtina na inalis na nila daddy at kuya Simon sa kwarto ko, medyo curious na ako kaya unti-unti kong hinihila yung kortina pero bago ko makita kung ano ang nasaloob ng kurtina ay biglang kumatok si daddy,"Paula,bumaba ka muna kakausappin daw tayo ng mayari ng bahay ", syempre si daddy yon, wala akong magagawa kung hindi sundin sya. BLA BLA BLA BLA BLA BLA BLA BLA, ang daming sinasabi walanamang kwenta, hanggang umabot sa punto na pinag usapan nila ang nangyari kay Franka. Huwag daw namin papasukin yung pinto sa ilalim ng hagdan pati daw yung pulang kurtina, huwag daw namin aalisin sa pwesto hindi pa daw namin kabisado ang bahay na iyon. Pagkatapos ng usapan na yon umalis narin kaagad yung mayari ng bahay, habang papunta ako sa kwarto ko ang hirap isipin kung bakit ganon na lamang ang pagbibilin samin ng mayari ng bahay. Gabing-gabi na hindi ako makatulog dahil narin siguro sa sobrang pag-iisip sa sinabi ng mayari tungkol sa kurtinang pula na saktong-sakto pang nasa kwarto ko kaya lalo akong naging curious.

                 

                   Kinabukasan, nag eempake na ng gamit sila daddy at mommy tinanong ko si mommy kung bakit say nag eempake. Pagka alis nila daddy nakita namin si kuya sa gate na mayroong kausap, tuwang-tuwa kami ni Franka dahil si tita Ann at tito Alfred ang mag-aalaga sa amin habang nasa work sila mommy at daddy, galing sila sa side ni mommy sila tito Alfred. "Sinabihan ako  ni kuya Miguel na sa kwarto mo ako matutulog at si Franka ay ililippat sa kwarto ng kuya mo kasama sila kuya Alfred", sabi sakin ni tita Ann habang papunta sa 2nd floor. Pagkatapos namin ayusin ni tita Ann yung gamit nya, sumigaw si kuya "Paula bumaba na kayo ni tita nakahanda na yung pagkain. Habang kumakain kami tinanong ni Franka sila tita Ann, "wala po ba kayong napapansin sa bahay na ito, yung medyo kakaiba", "huwag nyo nalang pong bigyan ng kahulugan yung sinabi ni Franka bata pa po kasi sya at malawak ang emahinasyon". Magsasalita na si Franka nang biglang tinakpan ng kamay ni kuya Simon ang bibig ni Franka. Pagkatapos magtanghalian kinausap namin ni kuya si Franka, "Kapag sinabi mo yun kayla tita baka matakot at maniwala sila, at kapag nangyari yon baka iwanan nila tayong tatlo dito sa bahay" paliwanag ni kuya kay Franka". 'Pe-pe-pero kuya, ate ipaliwanag mo kay kuya ayaw nya makinig sakin". Wala na akong nagawa kaya nagalit samin si Franka. Sinundan ko si Franka sa kusina,"Franka, wag ka namang magalit samin at para sating tatlo yun". " Pero ate sila tita pinagmumuka natin silang tanga wala silang alam sa nangyayari". Wala, hindi nanaman ako nakapagsalita kasi medyo totoo narin naman yung sinasabi nya. "RING-RING-RING" (malakas na tunog ng telepono), "Paula ako nang sasagot sa telepono" sabi ni kuya Simon. "Hello, Simon di ba 18 birthday na ni Paula sa isang araw", "Opo, bakit po?" "Nagpadala ako ng ng pera, baka bukas makuha nyo na, sige nah kaylangan ko nang umalis" "bye daddy". Kuya anoy sinabi sayo ni daddy?" sabay na tanong namin ni Franka, "sabi ni daddy mag pa-pa-party daw sya sa birthday mo", kaya tuwang tuwa ako "kuya huling tanong nalang pwede ko nabang tawagan yung mga invited sa birthday ko", "SYEMPRE!!, ate, ano  bang klaseng tanong yan?". "Ok, here I GO!!!".

                     Eto nah ang pinaka hihintay ko PARTY!!!, Pagkatapos mag party, "Kuya bukas nalang tyo mag ligpit" "Paula gusto mong mag party kaya ngayon natin liligpitin yung mga kalat" sabi ni tita Ann "May point si tita, good night ate" nakakagalit na pang-aasar ni Franka. "Tama na yan, lahat tayo maglilinis ngayong gabi" sigaw ni tito Alfred. Pagkatapos naming maglinis, "AHHHHH, nakakapagod" bulong ni kuya Simon. Pagakyat ko sa kwarto ko, biglang lumakas ang hangin yung pulang kurtina sa gilid ay biglang tinangay. "AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!". Sa sobrang lakas ng sigaw ko pati mga kapitbahay namin nagising, nasa baba sila tito Alfred kaya mabilis silang pumunta sa kwarto namin ni tita Ann. "Paula anong nangyari sayo..... HUY Paula..... Paula!!!!!, nananaginip ka nanaman, "t-t- tita ka-ka- kasi ma-ma- may lalaki dun sa kwarto","HHAA! pano naman nangyari yun nandun ako sa kwarto,  ka text ko panga si ate Jane mommy mo, ano yun may multo?", natulala ako hindi dahil sa sinabi ni tita Ann dahil sa lalaking nasa likod nya yung lalaki na naka itim at sinabihan ako ng napakalakng boses,"kapag nalaman ng iba ang tungkol sakin papatayin ko ang magulang mo at ikukulong ko ang kaluluwa mo sa salamin katulad ng ginawa sakin ng magulang ko", nung narinig ko yung boses na yun napatunayan ko sa sarili ko na hindi sya panaginip totoo sya at buhay sya.

                          Kinabukasan late na kaming lahat nagising dahil sa nangyari sakin kagabi. Naaalala ko pa yung sinabi nung lalaki tungkol sa parents ko kung ano mangyayari sa kanila. 

[Ann's POV]

       NO ONE KNOWS kung aong nakita ko............ akala ko ako lang pero bakit nya dinamay ang pamangkin ko. Bakit ka pa bumalik ALLAN normal na ang pamumuhay namin bumalik ka nanaman. 

      "sigurado akong si kuya Allan yung lalaking sinasabi ni paula" sabi ni Alfred na may halong takot."bakit ba sya galit na galit ehh kapamilya naman natin sya,basta sabi ni mama sakin kayla lolo tumira si kuya Allan at dun narin sya namatay........... But what I don't understand is kung bakit sya dito nagmumulto?" halatang walang alam si Alfred tungkol sa nangyari sa kuya namin so I think it's the right time para sabihin kay Alfred yung totoo. "Alfred, may sasabihin ako sayo tungkol sa nagyari kay kuya.....

                   Hindi talaga anak nila mama si kuya Allan, dahil ang tunay na magulang ni kuya Allan ay yung kapatid na babae ni papa si tita Charlotte. pinalaki nila mama at papa ng maayos at edukado si kuya pero one day in a unexpected night nalaman ni kuya na ampon sya kaya naglayas sya pumunta sya kayla lolo si kuya pinatuloy sya ni lolo and one night nakita ni lolo na nagsasalita si kuya mag-isa at nakaharap sa salamin pumasik si lolo at pinagalitan sya kasi pinakealaman nya yung salamin na ayaw ipagalaw ni lolo kahit kanino kahit kay lola. pumunta sila kami para kamustahin si lolo at si kuya dahil alam namin na si lolo lang ang matatakbuhan nya pagpasok namin ay may narinig kami na sumisigaw humihingi ng tulong at boses yun ni lolo hinanap namin sya nang buksan ni papa yung pinto kung saan naririnig namin si lolo ay laking gulat namin ng nakita naming sinasakal sya ni kuya Allan at may hawak na kutsilyo, agad nilayo nila papa at kuya Cris (tatay nila paula) si kuya kay lolo at nakita daw nila na nanlilisik ang mga mata ni kuya ikinulong nila si kuya at sinugad naman si lolo sa ospital. Kinabukasan tumawag ng hindi ko alam kung ano yun masyado pa kong bata nung nangyari yun basta kinulong nun si kuya sa salamin at tinakban ng pulang kurtina sabi nya huwag daw tatanggalin yung pulang kurtina dahil pwede daw makawala si kuya 

                        Kinuwento ko kay Alfred yung totoong nangyari kay kuya yung reason kung bakit galit na galit sya saamin at halatang natatakot na sya sa mga nangyayari.

                           "tulog na nga tayo 11:30 na pala" pang aaya ni Alfred dahil siguro natatakot nasya, papunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto nang may narinig kaming sumisigaw................

            "AYOKO NA!!!!!!!!!!!!!!!!,,,,,,,,,,PLEASE!!!!!!!!!!............TIGILAN MO NA AKO!!!!!!!!!!!!",,,,,galing yung sigaw na yun sa kwarto ni Paula kaya agad-agad namin sya pinuntahan.

                                                      to be continued.................... 

 namiss ko talaga mag-update sorry tagal na nung huli kong update bukas ulit alam kong masyadong maiksi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil On My MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon