KURT MONTES

7 1 1
                                    



Pag-ibig? Hmmm hindi ko alam kong ano ang pakiramdam ng umibig at ibigin. Ung pag-ibig sa pamilya nararamdaman ko na man un araw-araw sa piling ng pamilya ko. Ung ibang klaseng pag-ibig ung may kasintahan?
Pinanganak akong maiksi ang kaliwang paa kaya paika-ika ako kong mag-lakad dahil hindi pantay ang mga paa ko. Natural naranasan ko mabully simula grade school until college, nasanay na lang ako. Kahit naman na ganito ang kalagayan ko e nakapag tapos ako sa college sa isang sikat na unebersidad dito saaming probinsiya. Patunay na kahit may kapansan ako kaya kong makipag sabayan sa iba. Pag ka-graduate ko agad din akong nagkatrabaho sa isang companya dito sa aming probinsiya. Linaan ko ang lahat sa trabaho ko dahil gusto kong makatulong sa pamilya ko. Hindi na rin sumagi sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon dahil sa kalagayan ko alam kong mali isipin ang ganon pero un ang katutuhanan sa mundong ito. Marami ang mga mapanghusgang mata at bibig. Sinubokan ko naman kaso di nagtagumpay. Kaya buo na ang loob kong mag isa akong tatanda at walang sinoman ang mag mamahal sakin liban sa pamilya ko. Then one day dumating siya sa di inaasahang pagkakataon, dumating siya sa di inaasahang oras at sitwasyon. Sa kanya ko nadama ung pag-ibig. Hindi ko akalain na siya ang dahilan ng mga ngiti ko, Kaso may isang problema.. PAREHAS KAMING LALAKI... Halika alamin ang aking masaya mensan malungkot na buhay. Ako nga pala si Kurt Montes, Dalawangput-Apat na tagong gulang tubong Bikol.

Kurt Montes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon