AKALA

44 1 0
                                    

AKALA

(A/N : Hoy guys mag basa lang kayo okay? based on true story yan wag na kayong umangal HAHAHAHA.)

Natandaan ko pa nung una tayong nagkakilala,Nakilala kita sa classmate ko.Crush ka pa nga ng bestfriend ko eh kaya umatras muna ako sa ganyan pinipilit ko yung sarili kong hind magkagusto sayo pero wala eh mas lalo siyang lumalago.Dumating yung time na sinabi sakin ng bestfriend ko na hindi ka na niya gusto kaya ako na gumawa ng first move. 

Natandaan ko pa inadd kita sa facebook at inaccept moko. Akala ko nga hindi mo na iaccept eh.Alam mo ba sobra akong kinilig nung chinat moko kahit walang kwenta yun kinilig parin ako.Simula nun iniistalk na kita.Nagwiwish ako sa 11:11 lagi at nagpapray kay God na sana mag kagusto kadin sakin.

Dumating yung time na nahulog na talaga ako sayo halos lahat ng picture na nasa facebook mo sinave ko na dumating nga sa point na dinrowing kita sabi ko sa sarili ko yun yung inspiration ko.Nakalipas yung ilang weeks naging mag 'best friend' tayo. Naalala ko pa ngan ikaw yung pumupunta dito sa bahay eh kayo ng kaibigan at classmate ko.

Abot langit saya ko pag pumupunta ka sa bahay halos araw-araw gabi-gabi tayong magkausap sa facebook kahit nga walang pasok chat parin tayo ng chat minsan nga umaabot na tayo ng madaling araw eh.

Ilang buwan ang nakalipas umamin ka ng nararamdaman mo sakin sabi mo gusto mo ako at ganun din naman ako sayo alam mo ba na super kinilig ako nun ako na ata yung pinakamasayang babae sa buong mundo. Simula nun naging sweet tayo sa isa't-isa yung tipong parang may boyfriend/girlfriend tayo. Tinanong kita kung ano ba talaga tayo dahil super sweet na natin nun sabi ko saiyo noon sweet tayo pero hindi tayo.Nung gabing yun tinanong mo na din ako kung pwede mo ba akong maging 'first and last.' sabi mo kasi sakin noon pagnagka-girlfriend ka yun na talaga ayaw mong mangolekta ng babae.

Unang week natin medyo nahirapan tayo bukod sa wala kaming internet tumutol pa yung magulang ko sa relasyon nating dalawa pero pinaglaban ko ito dahil nga MAHAL KITA.Tapos magkagalit pa kayo ng bestfriend mo dahil nga naging tayo wala kang naging kakampi pero nakayanan natin yun diba?

Sobrang saya natin nun sobra-sobra halos nga wala na tayong time sa pag-aaral dahil gusto natin kausap yung isat-isa diba? dahil dun bumaba grades mo na hindi nagustuhan ng parents mo kaya hindi moko magawang ipakilala pero alam naman ng ate mo yung tungkol sating dalawa eh diba?

Nagtagal ay mas naging masaya tayo.Natandaan mo pa nung naging LDR tayo? di mo ko nakasama nung pasko at new year mo nagagalit pa nga ako sayo nun kasi di tayo nagkakausap masyado nun eh diba? Ako kasi yung tipong mapride na babae.Naging super okay tayo nag-share tayo ng kwento sa past natin sa isat-isa walang samaan ng loob. Di ko masasabing perpekto yung relasyon nating dalawa kasi nag aaway din tayo nagkakatampuhan.

Nahuli tayo ni mama at dahil dun pumayag na silang magkaroon ako ngboyfriend boto pa nga sayo mom ko kasi ang bait mo. Nagpromise ka nga sakanya na hindi mo ko sasaktan eh.Kasabay nun mas lalo tayong naging close sa isa't-isa.Every weekend pumupunta ka sa bahay naalala ko pa nga yung binilhan moko ng oreo yung mga paborito kong pagkain.

Nung valentines day nga binilhan moko ng rosas nun. Kahit foundation day niyo ay gumagawa ka parin ng paraan para makapunta ka sa bahay. Every monthsary may gift ka sakin naalala ko pa nga yung una mong gift sakin eh teddy bear halos magkaparehas nga tayo nun eh. Nagpaplano pa nga tayo sa future natin eh gusto ko ganyan gusto mo ganito nakakatuwa ka nga eh :). 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon