FYIP 7: Family Date </3
Hanako’s POV
Finally,vacant time ko na! tatambay ako sa Library,gagawa na kasi ako ng mga assignments ko for tomorrow. Kasi nga wala akong time mamaya para gawin ang mga ito.
Excited talaga ako mamaya kahit kinakabahan kung ano ang mangyayari kapag nagsama ang mag-ama. Makulit at pasaway na anak + monggi na ama = SYNTAX ERROR.
Hindi ko maimagine kung ano ang mangyayari at magiging resulta kapag nagsama sila. Sana naman hindi naman ganun kalala ang mangyari. Si Yohan naman ayaw pa rin maniwala na siya ang daddy niya. Pero atleast alam na niya.
Napahinto ako sa paglalakad ng makilala ko ang makakasalubong ko. tulad ko,huminto din ito. Napatingin ako sa babaeng kasama niya. Maganda naman siya. Pero sino naman ito? Binalik ko ang tingin ko kay Dustin na gulat pa rin. Tignan mo yung reaction nitong lalaking to,parang nahuling nagchicheat e.
Pero… unti-unti akong napatingin sa braso niya,bakit nakahawak tong babaeng to sa kanya? Close sila? Inalis naman agad ni Dustin ang kamay ng babae,siguro napansin niyang napatingin ako dun.
Ang weird lang ng feeling,kasi first time ko siyang makitang may kasamang ibang babae maliban kay Allison. Never ko siya nakitang may humahawak sa kanya na ibang babae o may hinawakan itong ibang babae maliban lang talaga kay Allison at sa mga kaibigan namin.
Tumingin sa akin yung kasama niya.
“Ahh. Friend mo?” tanong ng babae sabay turo sa akin. Lumapit ako sa kanila,bastusan naman kung magwalk out ako bigla. Eh wala naman akong karapatan.
Tsaka may tiwala naman ako kay Alikabok. May tiwala ako sa kanya. Tiwala. Na sana hindi masira.
“Hi.” Ningitian ko ito.
“Helllo. Im Frances. Classmate ni Dustin.” Pagpapakilala niya. Classmate?
“Hello Frances. Hanako,im…” napatingin ako kay Dustin. Bakit gusto kong ipamukha dito sa babaeng to na ako ang mahal ng Alikabok na kasama niya? Geez. “Im his friend.” Sabi ko na lang. Friend ka lang Hanako,ginusto mo yan e.
“Nice meeti—“ hindi natapos ni Frances ang sasabihin niya dahil umepal si Dustin.
“San ka punta?” tanong niya.
“Next class ko.” bakit kailangan mong magsinungaling?
Eh kasi naman kung sasabihin kong vacant ko,malamang isasama ako ng mga yan. Ayoko naman kasi.. kasi nga hindi ba may mga assignments pa akong gagawin. Tsaka hindi ako komportable na kasama sila.
“Frances,mauna kan—“ pinutol ko ang sasabihin ni Dustin.
“Sige guys,una na ako. Malelate naako. See you around.” Naglakad na ako palayo sa kanila.
Hindi ako magseselos. Hindi ako magseselos. Hindi ako magseselos. Promise!