Part I

7.1K 7 1
                                    

Note:

This is my first creation here in wattpad. So gusto ko muna simulan sa mababang parte ng paggawa ng story... at ito ay ang mga quotes na makakarelate sa sarili natin na buhay :)

Lahat po ay gawa ko depende sa kung ano ang nararamdaman ko nang mga oras na ginawa ko 'yon. hehehe.

***

"Wala sa bokabularyo ng taong tunay na nagmamahal ang salitang PAGSUKO, subalit kung paulit ulit ka rin namang nasasaktan, kahit itatak mong "kaya ko pa" sa 'yong isipan, wala kang magagawa kung sadyang bumigay ang 'yong kalooban."

***

"Sa pag ibig kung tutuusin, wala naman talagang bulag sa mundo, hindi dahil sa ang mata mo ay sarado, bagkus ang puso mo ay nakakandado."

***

"May mga bagay na hindi na kailangan pang ipagsigawan, minsan mas nakakabingi pa ang katahimikan, kung ito ay magmumula sa 'yong kalooban."

***

"May mga bagay lang talaga sa buhay na hindi nadadaan sa mabilisan, mga bagay na hinihintay at kusang nararamdaman."

***

"I want someone who can be with me not only in my ups but also in my down moments, Someone who can accept me not just by my strengths but by helping me overcome my weaknesses, How I wish to meet someone who can love me not only for who I am but loving me for what I am not."

***

Naiyak ka man o natuwa, may mga bagay pa rin talaga na naipaliwanag ng mundo sa paraang 'di natin ginusto."

***

"Kapag bata ka pa, pakiramdam mo na napakaliit ng mundo, maliit ang problema at 'di alintana ang pagkatalo. Nalaman kong habang tumatanda ka pala, unti-unti mong masisilayan ang lawak nito, na 'di sa simpleng paraan umiikot ang buhay ng tao. Maraming pagsubok at kalbaryong matatamo, nakadepende sa bawat desisyon kung ipagpapatuloy and daang tinatahak mo o hindi na babangon at magpapadala sa agos ng pagkabigo."

***

"Natatawa ako sa malupit manghusga, 'di naman ako lubos na kilala, pero mas natatawa ako sa akala ko'y kilala na ako, mas wala pa lang alam sa nauna."

***

"It is never the eyes that matter, but the ears and feelings who understand."

***

"Galit ka sa taong tingin mo masama ag ginagawa  sa'yo sa parehong dahilan na ginagawa mo ang masama sa ibang tao kaya galit sila sa'yo."

***

"Maraming gustong ituro sa akin ang mundo na wala sa apat na sulok ng kwarto."

***

"Hindi nasusukat sa haba o tagal ng pinagsamahan ang lalim ng pagkakaibigan, base ito sa kung paano ninyo nagamit at gagamitin pa ang oras ng may ligaya habang kayo ay magkakasama."


***

I'll update this kapag may nag pop up ulit sa munting karne ng ulo ko :))

***

"mahirap maintindihan ang buhay sa iba't ibang anyo at kulay, hindi mo mailalarawan ang pait o ganda sa gitna ng tiwala at duda, walang matibay na katotohanan sa pagitan ng kasiyahan at kasinungalingan, tanging tangan ang paniniwalang lahat ng bagay ay may dahilan kahit marami sa mundo ay tila mga palaisipan."

***

"Minsan, 'di mo na maintindihan ang BUHAY, hindi mo inaasahan ang mga bagay-bagay..
pakiramdam mo nawawala na ganda nitong taglay, naglalaho na ang dati nitong kulay..
bumabagabag ang salitang pagbabago na kahit minsan, hindi natin maiiwasan, hindi natin mapipigilan."

***

"Akala mo siya na hanggang huli? 'yung tipong puro na lang oo at wala ng hindi? mali! Pagbabago ang salitang hindi mo dapat makalimutan, salitang hindi mo mapipigilan."

***

"Huwag mong hayaang mawala yung taong nakakaintindi sa ugali mo, yung taong kaya kang tanggapin kahit na masaktan man palagi kayo."

***

"Bakit kung sino pa yung tapat magmahal, sila pa yung niloloko at biglang iniiwan?"

***

"Mahirap maintindihan ang buhay sa iba't ibang anyo at kulay. Hindi mo mailalarawan ang pait o ganda sa gitna ng tiwala at duda. Walang matibay na katotohanan sa pagitan ng kasiyahan at kasinungalingan. Tanging tangan ang paniniwalang lahat ng bagay ay may dahilan kahit marami sa mundo bumubuo sa palaisipan."

***

"Minsan, dumadating sa punto na gusto mo ng ibaon sa limot ang nakaraan para patuloy mong lakarin ang mundo ng katotohanan."

***

"Yung taong mahal mo noon, maaaring mahal mo pa rin hanggang ngayon o nagbago na mula pa kahapon."

***

Quotes ng Buhay MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon