He's My Crush Before, He's Mine Now (One-Shot)

1.3K 58 67
                                    

“Ano ‘to Frank?”

Nasabi ko nang may mabasa akong message sa inbox ni Frank.

Hindi lang siya kumikibo, patuloy lang siya sa paglalaptop niya.

“Frank, sabi ko ano ‘to?!”

“Ano ba kasi ‘yon babe?”

“‘Wag mo akong ma-babe babe diyan. May pag-uusapan tayo.”

Saka hindi naman niya ako tinatawag na babe. Wala kaming call sign. ‘Pag trip niyang tawagin ako sa kung ano-anong signs, ginagawa niya. Lalo na ‘pag nasa mall kami at kapag nasa harap nila Mama at Papa (parents niya).

Pinatay niya na ‘yung laptop at nagpunta sa upuan ko.

“Frank, bakit may ganito sa inbox mo?! Ano ‘to ha! Ano ‘to!”

Pinabasa ko sa kaniya ‘yung text. Mahirap talaga kapag nasa ibang school na ‘yung boyfriend mo. Hah! Malapit na ako maka-graduate at kapag college na ako, yari ka sa’kin! Bantay-sarado ka na.

“Ah. Wala ‘yan babe.”

Sinampal ko sa kaniya ‘yung unan na nasa tabi ko.

“Ano’ng wala Frank! Sino ‘to?!”

Taeee. Sino’ng girlfriend ang hindi magseselos kapag nabasa ‘to?

‘So, I’ll see you at 8. Frankee? :*’

Shit diba! 11 months pa lang tayo Frank ganito ka na?!

Aggh. I’m always faithful here pero bakit nagkakaganito siya? Babae niya ‘to. Sure ako. May nalalaman pa siyang tatlong taon siya naghintay tapos he’ll cheat on me when we don’t even reach a year yet!

“Hon, nothing to worry about. I’m not cheating on you. I WILL NOT.” saka niya ipinalibot ‘yung braso niya sa likod ko.

Ngayon naman, ‘hon’? Ganito ba talaga mga lalaki kapag naglalambing! Parang nagkakaroon ako ng goose bumps sa bawat call sign niya sa’kin >___<.

“Tss.” Kumalas ako sa mga braso niya. Kinuha ko ‘yung bag ko at tumayo na. “Frank, madali lang ‘yung tanong ko. Ano ‘yon! Sino ‘yon! Uuwi na ako.”

Binuksan ko na ‘yung pinto ng kwarto niya at lumabas.

“Oh, nak, uuwi ka na? Hindi ka man lang ba ihahatid ni Frank?” oops. Si Mama nakasalubong ko pababa.

“Hindi na po. Busy, nag-aaral.” Hinalikan ko sa pisngi si Mama.

Nakalabas na ako ng gate. Kung bati lang kami, ihahatid niya ako hanggang sa bahay namin. Ngayon mapipilitan akong magtaxi. ~~,)

“Wait lang. Hon! Saglit lang naman!”

Bahala ka sa buhay mo. Palabas na ako ng subdivision nila.

“Hon, hon, wait lang!”

Manahimik ka. Ang daming tao.

Umaga kasi. May jogging session ata dito tuwing umaga.

“Ano ba! Wait nga lang eh.”

‘Wag mo akong sundan! Pinagtitinginan na tayo!

“France, honey! Mahal na mahal kita!”

O___O? Goose bumps. >___< Ayoko talaga ng call signs.

Biglang nagtinginan ‘yung mga tao sa daan nung sinigaw ‘yon ni Frank.

Nahinto ako.

“Hay salamat. Naabutan din kita.” Sabi niya habang nakahawak ang dalawang kamay sa tuhod.

Nagpalakpakan naman ang mga tao =____=. Bakit? Ano’ng meron? =____=

“Beautiful, don’t do that again.” Hinawakan niya ‘yung mga kamay ko. “Alam mo bang napagod ako? Grabe ka. Ang bilis mo maglakad.”

Tumingin ako sa kanya.

“Frank, hindi mo ako madadala sa mga ganiyan mo. Magpaliwanag ka kung gusto mong maayos ‘to. Kung hindi ka pa ready, pauwiin mo na ako. Sige na, I’ll go now.” Binitawan ko siya.

Pero hinawakan niya ulit ako --,).

“France.” He stared at me “I’m all yours. Wala tayong dapat pag-awayan o pagselosan. Even if we don’t see each other very often, I’m always faithful. Wala kang dapat ipag-alala.” Kasunod nito ang isang napaka-sweet na ngiti >////<.

Hindi ako kumibo. Take note, nasa daan pa rin kami. Ilang tao na lang ‘yung nakatingin.

“Here,” iniabot niya sa akin ‘yung cellphone niya galing sa bulsa ng boxer shorts niya. “You’re free to check my sent box.”

Kinuha ko naman at binuksan nga ‘yung sent box niya.

Puro texts lang namin ‘yung nandito.

Aha!

Eto na. Steph pala pangalan ah. Ganda. Nice. ~~,)

To: Steph

Msg: Look Steph, how many times would I tell you that I do have a girlfriend! I’m not free to go out with you. It’s because I don’t want to. I would only go out with my girl. And fortunately, she’s not you. And I love her.

O___O

♥____♥

“See? You should’ve checked my sent box before you got mad, pretty.”

He held my face.

I hugged him in public. As in, the people stare at us and they applauded again ==,).

“Sorry. T^T”

Kung baga sa lalaki, man of few words lang talaga ako. Wala akong maisip na ibang masasabi kay Frank eh.

He just chuckled.

“Don’t be, sweetheart. Let me kiss your cheek and let’s make everything alright again.”

🎉 Tapos mo nang basahin ang He's My Crush Before, He's Mine Now (One-Shot) 🎉
He's My Crush Before, He's Mine Now (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon