Prologue

3.8K 47 20
                                    

It takes YOU and ME to Create and Prove INFINITY.

Hindi ko alam kung talagang sinumpa ako para maranasan ang maging girlfriend ng mga player na 'yan!



Naaawa na ako sa sarili ko kasi nagmamahal pa din ako kahit alam ko naman na sa huli dalawa lang din naman ang maari kong kahantungan,



Una ang masaktan at pangalawa ang masaktan.

Maniwala man kayo o hindi, isa na ako sa patunay na walang kwenta ang player na inyong tinitilian; Soccer player, yun ang taong sisipain ka palayo at tsaka ka hahabulin diba? Akala ko din, pero ano bang malay natin?

Basketball player, 'yun naman ang taong matapos maka-shoot at makuha ang gusto niya hindi 'bat hahayaan ka na lang 'din niyang saluhin ng iba?

Volleyball Player? yan na ata ang sports na masasabi mong positive ang paghahalintulad. Diba sila yung sasabihing "MINE" at handa kang saluhin kahit anong mangyari tuwing mafa'fall ka.

Pero paano kung umabot sa puntong hindi niya na talaga kinaya at tuluyan ka ng bumagsak tulad ng isang bolang walang halaga?

Mahirap, mahirap palang magmahal ng isang player.

Kasi mapapaglaruan ka lang, masasaktan ka lang. Kasi yun sila e. MANLALARO. So what will you expect from them?

They PLAY.

They're playing with my feelings.

At isa lang ang patutunguhan nito, at yun ang hindi ko pa alam kung gaano ba talaga ang kayang hamakin ng isang "Player's Girlfriend"

--

a/n : Hi readers this is my first story nagustong gusto kong tapusin at dahil first story ko to syempre paghihirapan ko. Hindi ko masisiguradong maganda ang flow at ang ending. But then I'll try my best

- everything that will be written in this story is only a fiction

- I know that there will be some typographical errors or grammar mistakes in this story. So ngayon palang i'll say sorry na ^_^v

I wrote this just for fun

Hope you like it :)

^__^

- Sophy :)

Player's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon