DeviL's GRIP 29: LAST GAME

1.1K 29 0
                                    

*(TRISTAN’S POV)

Pagkapasok ko nakita kong itinutok ni Luke o Devil kay Hiro ang baril habang si Hiro at nasa gilid at nalapit ng mahulog.

“Kumusta Sherlock” pangangamusta nya habang ganon ang kalagayan ni Hiro at hawak nya si Sandy. Nakagapos at nakatali si Sandy. “Ito ang pagbungad para sa’yo…” dugtong nya at pinatingin nya ako kay Hiro.

“Matagal na akong patay” sabi ni Hiro.

“mamamatay ka uli!” sabi ni Luke.

“Sherlock… A mercy shot” sabi ni Hiro at napapikit.

*BANG~

Putok ng baril.

“Ayus ba?” tanong ni Luke. Tumakbo ako palapit kay Hiro nangbigla syang nahulog sa building na toh. “Pambungad yan sa’yo Tristan” dugtong nito.

“mas masahol ka pa sa Demonyo Luke!” sigaw ko sa kanya na nakatingin ng masama sa kanya. “Ano bang plano mo?” tanong ko sa kanya.

“Ba’t mo sa akin itatanong yan. Subukan mo kayang itanong sa kanya” pagtukoy ni Luke kay Sandy “Tutal marami ata syang gustong sabihin bago mamatay” dagdag ni Luke.

Habang hawak nya ang leeg ni Sandy.

Tumingin si Sandy sa akin.

“sinubukan ko syang pigilan” sabi ni Sandy “Tristan kapag namatay ako hwag mong subukang gumawa ng masama… hindi yan sagot sa kasalanang ginawa…” dugtong nya

“TAMA NA NGA YAN! BAKA MAIYAK PA AKO SA INYO EH! SIMULAN NA NATIN ANG LARONG PARA SA’YO TRISTAN.” Sabi ni Luke itinulak nya si Sandy papuntang likod nya.

“SIRA ULO KA TALAGA!” sigaw ko

Nakatawa syang tumingin sa akin.

“Baka may usto kang itanong tungkol sa buhay ni Sandy?” tanong nya sa akin. Hindi ko sya ikinibo “Ako kasi… gusto kong malaman mo ang lahat” dugtong pa nya

“Tumigil ka na Luke” pagmamakaawa ni Sandy kay Luke

“hindi totoo na… lahat ng impormasyon sa kanya. Bukod sa kaalaman mong ang taong si Ivan…. Pinatay namin sya” sabi ni Luke “Ito pa…. sa bawat mission na may kinalaman sa guild na Joker at tinatakpan nya. Bagaman malaking tinik ka sa lalamunan namin. Nakikita mo pa rin yung mga bagay na di mo dapat Makita” dugtong ni Luke

(SANDY’S POV)

Hindi makagalaw si Tristan sa kinatatayuan nya.

Inayos ko ang contact ko.

“Tristan… sorry. Totoo yung sinabi nya halos lahat ng mission natin may itinatago ako ng Ebedensya.” Sabi ko habang humihikbi. “hindi ko naman gusting gawin yun… sa simula pa lang nakipaglaro na ako sa kanya.” Dugtong ko.

Napatingin sya sa akin habang nakatayo malayo sa lugar kung nasaan kami ni Luke.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi makagalaw sa kinatatayuan nya

Siguro nga dahil yun sa kasalanan ko…

“Tristan… nung sinabi nya na may balak si Ma’am na makasama ka sa guild sa umpisa pa lang pinapapatay ka na sa akin…” sabi ko “Pero hindi ko magawa kasi mahal na mahal ko ang guild hindi ko kayang pumatay ng kasamahan… simula nung  napunta ka sa guild namin. Itinigil ko na ang pagkikipag ugnayan pero hindi pa nya ako tinitigilan.” Dagdag ko.

Habang masayang nakatayo si Luke sa harap ni Tristan palihim kong kinakausap si Tristan sa contact

“Nagsasabi ako ng totoo…” sabi ko sa kanya. “lagi ko na lang dinadahilan kay Luke na wala akong pagkakataon kahit maraming beses na dumating ang pagkakataon na maari ko silang patayin” paliwanag ko “isang araw nagbanta sya sa akin… pinapabalik nya ako sa guild. Yun yung pagkakataon na si Amber ang pinagutusan na papuntahin ako sa underpass” paliwanag ko.

LiveD Academy: DeviL's Grip  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon