"What should we do now babe?" kinakabahang tanong ni Momo sa naiiritang si Dahyun.
"Di ko rin alam na ganito ang mangyayari, sana nung una palang iniwasan na kita." akmang aalis na sana si Momo nang biglang nagsarado lahat ng bintana at pinto.
"Be ready girls. The two of you only had 2 hours to spend time with each other" malakas na sigaw na narinig sa loob ng bahay.
"Oh, i knew this! nakasulat na to' sa kapalaran ko" then dahyun suddenly crying and sit on the sofa .
Part 1 -----
Late na naman ako si Mama kase! Sabing gisingin ako 2 oras bago ang pasok ko! hayst alam naman niyang di ako nag-aalarm eh hahaha.
"Anak! Baba na diyan, kakain na tayo" sigaw ng mama kong chismosa. charot hahaha
"Opo ma pababa na" sagot ko na natatakam dahil hanggang dito ba naman sa kwarto ko amoy na amoy ang mabangong niluto ng mama ko. tinignan ko ang oras sa cellphone ko at tuluyan ng umalis sa aking kwarto.
ng nakababa na ako naabutan ko na silang kumakain, di man lang ako hinintay netong mga to, bulong ko.
"Oh Dahyun, yung mga gamit mo nga pala na naiwan mo kagabi sa sala inilagay ko sa kwarto ng kapatid mo akala ko kase sakaniya eh" mahinghing sabi ng mama ko.
"Hala ma! bat mo naman po dun inilagay?? marami akong importanteng gamit dun eh!" naasar na sagot ko, may letter kase ako dun na ginawa ko para sa crush ko hihi harot ko talaga!
"Ate, may nakita nga ako doong' picture ng babae eh" sambit ng kapatid kong' si Joy habang umiinom ng kape
"Sino yung babaeng yun anak?" nakakunot ang mga noo ni mama nung tinanong niya ako.
"Ah-eh ma kaklase ko lang po yun, para po yun sa project namen this quarter." utal utal na sabi ko. pero sa totoo lang yung babaeng yun ay yung crush ko na kaklase ko, siya si Momo kung tatanungin niyo kung bakit ko siya nagustuhan ay dahil iba siya sa ibang babae. gets niyo? ako hinde eh. charot.
Bago ako magtooth brush, magpapakilala muna akooo hihi. Ako nga pala si Dahyun Kim 20 years old na ako di lang talaga halata sa height ko kase biruin niyo yun yung height ko pang grade 5 parin. Kasalukuyan kaming nakatira ngayon sa Antipolo City,Rizal. Actually, i was born in Korea pero dito ako lumaki sa Pilipinas kase hiwalay na yung mama at papa ko, at may stepfather ako ngayon. bunso ako sa aming 2 magkapatid, pero may halfsister rin ako siya yung makulit at cute na si Joy. Osige kilala niyo na ako kaya puwede na siguro ako mag toothbrush noh? HAHAHAHA.
alas dose na nang maka sakay ako ng tricycle umulan kase saglit at pinatila ko muna bago ako pumasok kahit late na late na talaga akooo!
"Manong, pakibilisan nga po ng konti late na po kase ako eh" pagmamakaawa ko kay manong driver.
"Aba ineng, paubos na rin gas ko eh at ito na yung pinakamabilis na takbo ng tricycle ko" sambit ni manong habang nagmamaneho.
Makalipas ang halos kalahating oras, nakarating na rin ako sa hamak na school na 'to. 12:57 na ng tignan ko ang oras sa wrist watch ko at late nalate na nga talaga ako. 2nd subject na naman mapapasukan ko haynako naman.
eksaktong paalis na sana ang sir namin ng bigla akong dumating sa classroom.
"Hmm Ms.Kim? Late ka na naman? 3 days straight ka ng late ah? Oh baka naman nag cutting subject ka? Ayaw mo ba sa Math subject ko?" Sunod sunod na tanong ng sir ko.
di ko alam isasagot ko kase anlakas ng boses ng sir namen at magtinginan lahat ng kaklase ko sakin.
"Sorry po Sr. Perez, di na po mauulit. Atsaka di po ako nag cutting sa subject niyo. Late lang po talaga ako nagihising. sorry po sir." sabi ko habang nakayuko dahil sa hiya. Talagang Ayaw ko rin naman kase sa Math subject eh hehehe.
"Okay. Sana naman sa susunod agahan mo na ah? kung late ka pa bukas i will call your mom to the office. okay?!"
"Opo sir, sorry po ulit." dumeretso na ako sa Upuan ko dahil wala daw si Mrs. Dimaculangan siya yung English Teacher namin na masungit. mas masungit pa kesa saken hmpk.
Lahat ng kaklase nagkakagulo at may sari sariling mundo, ang ingay nila as in. Di kase talaga ako maingay at ayoko sa maingay kaya nagsusulat na lang ako ng kanta pag wala kaming teacher.
Naramdaman kong' may tumabi sa tabi ko, at tinanong ako.
"Uy bat ang tahimik mo yata Dahyun?" sambit niya at tinapik ang balikat ko.
"Ah ayoko kase ng maingay eh" sabi ko sakaniya habang naghihikab aHhhH, inaantok na kase ako. Tumingin ako sakaniya at nakita ko na si Momo pala ang nagtanong saken oh my gulayyy!!! putaxcvz akshsbs si crush pala yun enebe.
Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya at ngumiti hehehehe.
"Bakit di ka makisama kanila Nayeon? Beshy mo yun diba?" sabi ko habang tinititigan ang maamo niyang mukha.
"May bago kase siyang kaibigan, at simula nun wala na kaming pansinan" sambit niya na nasa malungkot na boses.
"Ay ouch naman! ayoko nung ganung kaibigan!" sabi ko sakaniya.
Pagkasabi ko nun biglang tumunog ang bell, recess na pala di ko namalayan.
"Hala recess na! actually kaninang kanina pa ako nagugutom eh! Dahyun?! Tara sama ka na saken sabay na tayo libre kita hehe." Natutuwang pagayaya niya sakin.
"Ah-eh di ako lalabas may baon kase ako" sambit ko na may panghihinayang. sayang kase crush ko pa nagyaya inayawan ko pa! haystttt.
Nakaka inlove kase si Momo sobra. Siya yung tipo ng babae na perpekto ang muka pati ang ugali. Mistisa, May mahaba at magandang buhok, may mapupulang labi, tapos ambait bait pa niya sobra.
pero napaisip isip ako na di pala puwedeng maging kami dahil may nakasulat sa kapalaran ko na...
BINABASA MO ANG
The Truth Behind You
FanfictionThis story i made is for Dahmonsters out there! this story contains a lot of fun to read and also to entertain my co-once. The story tells about the 2 girls who fell inlove with each other but then they don't know the rules of their lives. guyz kind...