Chapter 23 - Dominos

1.7K 102 17
                                    

Dominos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dominos....

Lahat tayo ay parang dominos, simple at minsan unstable.

May mga pagkakataon na sunod tayo sa oras, sunod sa galaw ng hangin.

Pag natumba ang isa, sunod na ang lahat.

Mga alas-dyes noon ng umaga at kagagaling ko lang sa skills lab. Napadaan ako sa Nurse station ng brain center dahil may konting kasiyahan doon. Kaarawan kasi ng isang nurse.

"Doc, kain po" pag-aaya nila.

"Sige ba, di ako tatanggi diyan"

Maraming pagpipiliang pagkain, may spaghetti, may lumpia, may bbq, may maki cake at konting pansit.

"Ba't di niyo ginagalaw 'tong pansit? Sayang, mukhang masarap"

"Doc, straight duty po kami ngayon. Baka maging toxic pag kumain kami"

"Sus, imbento lang yan - ako nalang kakain"

Parang isang plato lang yung pansit kaya naman kinain ko na lahat.

"Wala atang softdrinks ah, gusto niyo ba? Sagot ko na"

"Sige ba Doc, yan ang gusto namin sayo"

Nagpabili na nga kami ng softdrinks.

Matapos ang kainan at kwentuhan ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga gawain. Bumalik ulit ako sa skills lab dahil nga pina-move ni Dr. Castañeda ang rounds ng ala-una dahil may surgery ito sa ibang ospital.

Dahil nga busog ako ay nakaramdam ako ng antok, kaya nag-power nap muna ako.

"Doc! Doc Sky!"

"Uhhhhmn"

"Gising po!"

Minulat ko nga ang aking mata, at pinunas ang aking labi. Mukhang may laway pang tumagas.

"Yes?"

"Neuro consult po"

"Dapat kina Dr. Umali yan nurse, hindi sa amin"

"May bumagsak pong building sa may Guadalupe, marami pong nasugatan at namatay. Yung iba pong pasyente at na-transfer na sa brain center"

"What the...."

"Kailangan po kayo sa ER-Trauma"

"Sinong tatao dito sa Brain Center? Malilintikan ako kay Doc Albert nito, may surgery pa kami mamaya"

"Utos po ng Medical Director Doc, lahat po ng interns, residents at attendings ay magpunta sa ER ngayon. Yun mga fellows na daw po ang bahala sa mga special units"

"We don't have a fellow in the Brain Center, only technicians & nurses"

"Wala po tayong magagawa Doc"

Kinuha ko na nga ang coat ko at tumakbo papunta sa kabilang building. Pagdating ko dun ay total chaos talaga. Sugat-sugat ang mga pasyente, puno sila ng alikabok na galing sa semento, maraming galos, may mga natuhog pa ng bakal. When I say chaos - it's more than a chaos.

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon