PART1

35 1 0
                                    

   Ako si Marie Mae Fuentes, 18 na taong gulang, wala akong masyadong kaibigan dahil sa sakit ko. May isa akong pinaka matalik na kaibigan siya ay si Mark Rodriguez. Siya ang lagi kong kasama sa lungkot at saya ng aking buhay. Ang isang Mark Rodriguez ang pinaka mabait, mayaman, gwapo, mapagmahal sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya? Oo aaminin ko mahal ko aking matalik na kaibigan. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya na araw-araw siya nasa tabi mo para alagaan ka at protektahan ka. Inaalagaan niya ako dahil may sakit ako pero hindi niya alam kung gaano na kalala ito.

   Ngayong araw magkikita kami dahil may sasabihin daw siyang mahalaga at ngayon ko din sasabihin sa kanya ang sakit ko. Nakita ko siyang palapit sa akin, kahit sa simpleng sout niya ang gwapo niya parin.

“Ganda natin ngayon mae anong meron?”sabi niya na pangiti ako sa sinabi niya

“hay! nako nambola ka na naman! Ano ba ang sasabihin mo?”ako

ngumiti siya at sinabing “Kami na ni Michelle! Salamat sa mga tulong mo Mae ma aasahan talaga kita!”

sila na? paano na ako?ang sakit sobra!

“Mae bat’ ka umiiyak? May problema ba? May mali ba akong na sabi?”

ang sakit pero Masaya ako dahil nakikita ko kung paano siya kasaya at kamahal si Michelle

“wala to! Masaya lang ako para sa inyo” pinilit kong ngumiti

“Sige Mae una na ako huh?”.

Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko din siya pero paano? Kung konting oras na lang ang natitira? Paano kung sabihin kong konting oras na lang ang na titira ko sa mundong to at sa na iiwang oras nay un ay gusto ko siyang kapiling? Kalian ba ako matuto? Ako si Marie Mae Fuentes ang matalik na kaibigan ni Mark Rodriguez, kaibigan lang at hindi na hihigit pa.

“Mark Rodriguez sana sinabi ko na lang sayo noon pa na minahal na kita, sana hindi na lang ako nagsisi ngayon. Tandaan mo na nasa tabi mo lang ako palagi.” Kasabay ang pagbuhos ng ulan at pagdilim ng aking paningin.

   Hindi masamang magmahal. Ang pagmamahal ginagamit ng puso at isip hindi lang puso. Sabi nga nila ang pag-ibig para laro natatalo ka, nasasaktan, pero handing bumangon at magsimula ulit. Ang pagsisi ay nasa huli peero bago ka magdesisyon kailngan mong mag-isip at handa ka sa kung ano man lalabas na resulta na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAHAL KITA PAALAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon