TBYD Movie

547 11 44
                                    

August 21, 2014 - Thursday

Ok so, nakapanood na ko ng movie. Yay!!! Sa wakas!!!

Siguro makakabuti na maglagay ako ng warning. Sa mga hindi pa nakakapanood ng movie, mas mabuting wag nyo muna basahin 'to, pero kung gusto nyo pa rin, kayo na bahala. Hindi ako JaDine fan. Alesana Marie fan ako. Haha xD

WARNING: Sariling opinyon ko lang po ito, walang pakialamanan. Okay? Kung may nabasa kang hindi mo nagustuhan, walang samaan ng loob. Kung sumama ang kalooban mo, problema mo na yon. Haha.

--------

Kasama ko ang mama at tita ko sa panonood. Syempre ako, excited na excited habang naghihintay na magstart ang movie. Nung magstart na, sa excitement ko ay nahahampas ko pa ang mama ko. Haha.

Ok start na.. Yung reaction ko muna para sa kabuuan ng movie. Sa totoo lang, nakulangan ako. Hindi ako masyadong kinilig sa mga scenes nila James at Nadine. Pero maaayos pa naman siguro yon, pag nagkaroon na sila ng enough experience sa acting. Yung flow ng story, masyadong mabilis. Yung pagpapalit ng scenes, hindi maayos. Yung mga kasama ko sa panonood, hindi maintindhan yung kwento. Ang nangyari? Tanong nang tanong sakin ang mama ko kung ano na ba ang nangyayare sa kwento. Halimbawa na lang ay yung scene sa christmas ball na ni-confront ni Top sila Miracle at Red. Yung galit na galit si Top nung malaman nya na engaged sila Red at Sam sa isa't isa at kung ano-anong kasinungalingan ang sinabi ni Miracle kay Top para magalit at tantanan sya ni Top. Pagkatapos ng eksena na yan, bigla na lang ipinakita ang scene ng christmas party/concert ng pendleton high students. Tapos non, si Sam, pinuntahan sa labas ng St.Celestine si Top, nagpaalamanan at nagkiss. Korni. Parang hindi sila nagtalo sa last scene.

May isa pang eksena don, si Audrey ay nasa classroom habang ibinibida na boyfriend nya raw si Top. Nakita sya ni Sammy, nag-usap saglit then nag-walk out si Sammy. Next scene, pumunta sa rest room si Sam at nandoon si Audrey. Ano yon? May teleportation powers si Audrey? Hahaha. Ang gulo ng pagpapalit ng scenes. Meron pa. Ang scene sa dapat na Lala Land. Magkasama sila Top, Sam, Audrey & Red. Next scene, Audrey is with this guy who took away Miracle's teddy bear w/ cap. Yung totoo? Hindi man lang ipinakita na naghiwa-hiwalay sila?

Yung flow talaga ng story..hindi maayos, magulo! PWEDE BANG SA NTBG E MAG IBA NA NG DIREKTOR????

--------

Bukod dyan, yung mga scenes na napili nila from the book, okay nman sakin. Lalo na yung bumili si Top ng napkin ni Miracle. Hahaha. PERO kulang pa rin, yung ibang eksena kasi na sa tingin ko ay importante na nandoon ay tinanggal. Okay, alam kong hindi magkakasya yon sa loob ng 2 hours kaso sana lang, ginawan naman nila ng paraan para maayos na mapagdugtong dugtong ng maayos yung mga scenes na kinuha nila sa book. Kasi, ganun din naman ang ginagawa sa mga international books na na-a-adapt into movies, pipili sila ng scenes from the book pero maganda yung flow ng story, maayos ang pagpapalit ng scenes.

Ang wish ko lang dito, sana hindi tinanggal ang scenes na pumasok for 1 week sila Sam sa Pendleton High. Yung ibang characters, hindi masyadong nabigyan ng ano nga yun, justice ba tawag dun? Haha.

Ano pa ba? Basta, para sakin, pag hindi mo nabasa ang book, mahihirapan kang intindihin ang movie. Ganon kasi ang nangyari sa mama at tita ko. Kaya after namin manood, ayun, dami kong ipinaliwanag sa kanila.

--------

Sa individual acting ng casts..hmm, sa main casts muna, si James, nagustuhan ko ang pag-arte nya as Timothy. Nakuha naman nya, lalo na pag english yung lines nya, astig sya don!!! Yung sarcasm nya, yung pagpipilosopo nya kay Sam..astig talaga sya don!!! Yung scene na sinundo si Sam ng helicopter nila? Yung nagwawala si Timothy? Nakuha nya!!! Gusto ko yun!!! Sa buong movie, sa kanya ako kinilig. As in, sa kanya lang. Para sakin, sa movie na 'to, sya si Timothy Odelle Pendleton. Walang bahid ng Cross Sandford. At infairness, na-manage naman nya magpatulo ng luha sa last scene nila ni Nadine. Yun nga lang, hindi ko masyadong nakita sa kanya na bulag sya don. Kung makatitig naman kasi kay Sam, parang hindi bulag e. Pero okay lang yon, kabuuan naman ng acting nya ay okay na okay sakin. Astig, nakakakilig. Nag-improve talaga yung acting nya dito compared sa DNP. Wag lang talaga titira ng mahabang lines na tagalog at natatawa ko sa pagsasalita nya. Haha! Kaya nga lang, may napansin pla ko, yung scene na nahuli sya ni Sam na naka-apron na strawberry ang design, bakit hindi sya nataranta, nakakatawa pa naman sana ang scene na yon.

Si Nadine, ewan ko ba, nakukulangan pa rin ako sa acting nya e. Tapos, bakit ba hindi tumutulo ang luha nya sa tuwing may iyakan scenes? Namumuo na nga yung luha e, ayun na o. Bakit hindi pa matuloy tuloy yung pag-iyak nya? Haha. Kung siguro si Direk Cathy ang direktor nila, hindi uubra yung ganon lang. (napanood ko kasi yung episode ng pbb na nandon si direk cathy at nung pinaiyak nya ng bongga si jane para maayos ang eksena) Ayun, tapos ano pa ba? AH! Yung eksena na napanood nya ung video ng batang sila Sammy at Timmy..

Ay teka, dun sa video.. Bakit naman hindi yung play ang ipinakita sa video? Pano naman nya maaalala na kababata nya rin sila Red at Audrey? Ang laman kasi ng video ay sila Timmy at Sammy na nagpi-pinky promise at may scene na parang lumabas ng gate si Sammy tas yumakap kay Timmy..ang masasabi ko lang, ang creepy naman non. Ano yon? May nagstalk sa kanila para makuhanan yung mga moment na yon? O kaya, may cctv camera ba don? Ano? Haha.

Ayun, mabalik ako sa pag iyak nya habang pinapanood yon. Ano ba? Sa sobrang pag-iyak nya e pati sipon nya e tumulo na. At super close up pa man din ng camera sa mukha nya! Kitang kita ang sipon. Hahahaha. Tapos nung makita nya na si Timothy sa pampang, hindi na sya nakaiyak. Ano yon? Naubusan ng luha dahil sa sipon? Hahaha.

Last na para kay Nadine, hindi ko na-feel na inlove na inlove sya kay Top. Nakulangan talaga ko. Haha. Sorry sa fans dyan ni Nadine. Opinyon ko lang naman. Kung sa inyo, okay ang acting nya, e di okay. Basta sakin ay hindi. (So ano ipinaglalaban ko? Hahaha)

Aayos dn naman siguro ang acting nya pag nagworkshop pa sya. Naiintindihan ko naman na mahirap ang pag arte. Ako nga hindi sanay sa ganyan e. Hahahaha.

Next na nga, si Audrey. Sa acting nya, okay naman, ang galing nga ni Yassi e. Dun lang sa parts nya na mean si audrey kay sam, medyo nakulangan ako sa mga scenes hindi sa acting nya. Parang ang bilis nyang nakapagpatawad. E sa NTBG nga lang sila naging close e, yung sa part na magkakaroon ng ibang personality si Sam at pakiramdam nya na bumalik na ang bestfriend nya sa kanya. Ano pala, medyo na-OA-yan ako sa kanya sa part na nagkkwento sya about kay Top being her "boyfriend" daw. Dapat talaga, sa buong movie na 'to, hindi naman sya magiging mabait kay Sam. Sayang. Ano pa ba? Hmm, idadagdag ko na lang pag may naalala ko. Haha.

(Nadi-distract ako sa My Destiny. Naiinis ako kay Joy! Hindi makahalata. Manhid. Kairita!!!! Hahaha)

Okay, mabalik ako dito. Haha. Si Red, ok naman si Joseph e. Pero ano ba. Haha, parang kulang ang exposure nya. Haha. At nga pala! Hindi masyadong napakita sa movie na isa syang cassanova. Bukod dun sa ni-kiss nya yung mga babaeng nadaanan nila sa bar, at nanghingi sya ng number kay Jun sa ospital. Parang wala na? Yung lang siguro? AH! YUN! Asan yung nakikita ko sa trailer na scenes na nagpnta sila ni Sam sa favorite karinderya nya at hinabol sila ng ibang goons? Yung lang? Wala na ko maalala. Hahaha. Dagdag ko na lang rin pag may naalala ko. AH! Basta, yung jamantha moments sa bandang dulo. wala. Yung mga nasa trailer na moments nila? Wala talaga sa movie. Tsk.

--------

ISA PA PALA! BUKOD SA JAMANTHA MOMENTS, MARAMING SCENES SA TRAILER NA HINDI KO NAKITA SA MOVIE. NASAAN?!? ABA! ANO YON!? BAKIT WALA!!!!???

Sino ba nag-edit non at tinanggal pa yon. Sayang yun. Kung hindi pala isasama sa movie sana hindi na lang nila ni-shoot. Nasayang lang araw at pagod nila dun.

--------

TBYD MovieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon