Chapter 6

1.5K 38 2
                                    

Irish's POV

"So nandiyan ka na ba sa address na binigay ko sa'yo bes?" rinig kong tanong ni Xandy mula sa kabilang linya.

"Thanks kuya." sabi ko kay kuyang grab driver at mabilis na bumaba sa kotse niya. Tinignan ko ang kabuuan ng building na nasa harap ko ngayon. "Revoire Residences? well I guess eto na nga yun." sagot ko kay Xandy. Nakita ko naman na maraming press na nag-aantay sa labas. Sa pagkakaalam ko kase, in this condominium, maraming sikat na celebrities ang nakatira.

"Okay! so ikaw na bahala ah? Sorry talaga bessy kase naabala pa kita! Eto kaseng prof namin masyadong maarte! bawal ba naman umabsent? kainis!"

"Oo na, oo na. may magagawa pa ba ko? eh nandito na ko?" sabi ko.

"Yieee! thanks talaga bes! I owe you a lot! promise babawi ako!"

"Okay, okay. bye na!" I ended the call. Tinignan ko naman ang dala dala kong box ng cake. Xandy loves baking kaya naman nagtitinda siya ng pastries, online. Dapat talaga ay siya ang magdedeliver nito kaso hindi siya pwede kase nga may pasok siya at kailangan niyang bumawi kaya sa akin niya pinasuyo. Wala naman akong klase ngayon at gagawin kaya tinanggap ko na rin.

Pumasok ako sa loob ng building ng matiwasay. Hindi naman ako pinagkaguluhan ng press sa labas dahil di naman nila ako kilala. Well, perks of being just an ordinary person.

"Good day maam!" bati sa akin ng guard na nginitian ko lang. "May unit po ba ka'yo sa loob?" tanong niya. Mahigpit ang security dito ha. Di ko naman sila masisisi dahil puro nga sikat ang nandito. Baka mamaya may makapasok na stalker ng artista tapos antayin sa labas ng unit yung idol niya tas dun boom! magwala at kuyugin ang artista. Well, as if naman gagawin ko yun.

"Ahh no. I'm just here to deliver something." tinaas ko ang box ng cake na dala dala ko.

"Ahh okay po. sige punta po kayo dun sa front desk para tanungin yung may ari ng unit kung may inaasahan ba silang delivery."

Tinanguan ko si kuyang guard. "Okay po, thanks." Naglakad ako sa front desk para sabihin na magdedeliver ako.

"Uhm ano pong pangalan nung nagpapadeliver maam?" tanong nung babae.

"Oh wait, I'll just check it." sabi ko at hinanap ko naman sa phone ko yung tinext ni Xandy na info about dun sa bumili nung cake. "Ian Delos Reyes." sabi ko sa babae.Agad naman siyang may tinype sa computer at may tinawagan. I assume na yung Ian yung kausap niya.

"Okay maam, kanina pa daw po kayo inaantay. Unit 442, Fourth Floor po maam."

"Okay, thank you." ngumiti ako dun sa babae bago dumiretso sa may elevator. I pressed the 4th button at pasara na sana ang elevator kung saan ako nakasakay nang biglang may babaeng tumakbo at mabilis na humabol.

"Hala sandali lang!" mabilis ko namang pinindot ang isang button para huwag sumara ang pinto. Nakita ko naman ang isang maliit na babae na medyo hinihingal pa. "Salamat be." sabi niya. Nagulat naman ako nang marealize kung sino yun.

"Kiray Celis?" di ko mapigilang mapatanong.

"Ah yeah, The one and only!" sabi niya. Natawa naman ako nang bahagya. Grabe kahit in real life, jolly talaga ng personality niya. Pinindot ko ang isang button para sumarado ang pinto. "Sorry nga pala be, nagmamadali ako kase kanina pa ako naiihi! grabe naman kase yung media, hinarang ako." ngumiti na lang ako sakanya dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

1...2...3...4

'TING!'

"Una na po ako." magalang kong sabi sakanya nang marating ko na ang 4th floor. Lumabas na ako bitbit ang idedeliver kong cake.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon