Irish's POV
"You know bes, ako lang ba yung nakakapansin na kanina pa tumitingin sa'tin or more like sa'yo yung mga nakakasalubong na'tin?" Nat whispered, one day while we're walking to the cafeteria. Pumila kaming dalawa para bumili ng makakain.
Actually, kanina ko pa rin naman napapansin. Pilit ko lang isinasawalang bahala pero--- Ugh! nakakailang kaya!
"Uhm isa pong lasagna and coke in can." sabi ko sa babaeng nagtitinda nang ako na ang nasa harap ng pila. After I received my order, Nat ordered next. She ordered a burger and iced tea for herself.
We searched for available table inside the cafeteria . "Ghad bes, di ako sanay ng pinagtitinginan!" inis na bulong ni Nat.
"Siya ba talaga yun?"
"Kaano ano niya kaya yun?"
Umupo kami at nagsimula nang kumain. "You know bes, parang alam ko na kung bakit ako pinagtitinginan ng mga 'yan." I said bago sumubo ng lasagna.
"Bukod sa maganda ka, bakit?" Napatawa naman ako at pabirong inirapan siya. "What? Is it true right?" Napailing nalang ako.
"Because of Andrei. Sinundo kase ako ni Andrei kahapon tas nakita nilang niyakap niya ko."
"Ahh. Patay ka nga. Dami pa namang fans nun ni Caracut!" We both laughed. Kumain na lamang kaming dalawa kahit na maraming mata ang nakatingin sa amin.
After our class, I've decided to go to the mall to buy some stuff for our project. Magpapasama sana ako kay Nat kaso lang ay may date sila ni Nathan. Niyaya ko naman si Xands kase gala ang batang yun, kaso wrong timing dahil daw may review sila ni Xander. Kaya ang ganap ko ngayon ay walang iba kundi ang rumampa ng mag-isa.
"Girl bilisan mo naman! baka mamaya umalis na sila!"
"Oo na besh! tara na nga! omg excited na kong makita siya! Omggg!"
"I heard na kasama niya yung shiniship sakanyang host eh!"
"Talaga? ghad! tara na nga!"
Napatingin ako sa dalawang babaeng katabi kong bumibili sa isang bookstore. Nagmamadaling lumabas ang dalawa ng store at parang excited sa kung ano man. Napansin kong medyo maraming tao ngayon dito sa mall kahit na weekdays palang. Usually, weekends kase talaga dumadagsa yung mga tao.
Pagkatapos kong bumili ay lumabas na ako ng store at naglakad lakad. Napansin ko namang maraming papuntang tao sa may activity area kaya napagdesisyunan kong tignan kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila.
"Ibubuhos ko ang buong puso ko~"
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang boses ng kumakanta. Kahit na medyo malayo pa ako at hindi ko nakikita pa ang mukha ng kumakanta ay may anong kaba na akong naramdaman.
"Sa isang munting harana, para sa'yo~"
Nagsitilian ang mga kababaihan matapos niyang kumanta. Ako naman ay naestatwa lang sa kinatatayuan ko habang ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nagkatinginan kaming dalawa pagkatapos niyang kumanta. At nakita kong bahagya siyang napangisi nang makita ako.
"Omyghaaad! I love you Ricci!"
"Ang hot mo Rivero!"
"Aking ka nalang Ricci!"
"Ghad bagay talaga kayong dalawa!"
Dahang dahang napababa ang tingin ko sa kamay nilang dalawa ng babaeng kasama niya sa stage na magkahawak. Mas dumoble ang hiyawan ng mga tao at dumoble naman ang sakit na nararamdaman ko nang bigla niya itong niyakap at hinalikan sa ulo. Nakita ko namang kinilig ang babae sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.