Chapter 9

1.4K 30 0
                                    

Author's note:

Hi peeeps! here's an update kahit di pa naabot sa 20 votes tong story hehez. Gusto ko na kasi talaga mag-update para dun sa mga laging sumusubaybay eh (waw lalim). Anyways, enjoy reading!



___________________________


Irish's POV

"Irish." bungad sa akin ni Andrei pagkababa ko ng taxi na sinasakyan ko. He was standing in front of our apartment. He's holding a paper bag with foods inside while leaning on his car. Mabilis niyang ibinaba ang mga ito nang makita ako at dali-daling lumapit sa akin. "What happened?" he asked.

I didn't answer. Andrei didn't say anything and he pulled me closer and gave me a tight hug instead. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon humagulgol ng sobra. He caressed my back to comfort me pero mas lalo lang akong naiyak.

"Irish..." nag-aala niyang sabi. Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong posisyon. Bumitaw naman na ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya sa mata.

"M-Masama ba akong tao, Andrei?" nagulat siya nang marinig ang tanong ko. Hindi niya inaasahang tatanungin ko iyon.

"No, Irish..." umiling-iling siya habang hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang pag-aalala.

"Eh bakit ako nagdudusa ng ganito?" My voice cracked. Napapikit siya ng marahan at muli akong niyakap. Ilang segundo ring tumagal ang yakapan namin at hindi ko namalayan na umalis pala kami ni Andrei sa harap ng apartment, dulot na rin siguro ng pagiging tulala at lutang ko. We went to a place where you can see the entire city. It's very quiet and I can feel the cold air that's why it's a perfect place to chill. Lalo na ng mga broken tulad ko.

Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng bawat building. If nasa mood lang ako, I'll take some pictures of it. But now, I don't have a strength to move. I can really feel the pain because of what happened earlier. Iba pa rin talaga ang dating sa akin ni Ricci. He's the only one who makes me feel like this.

Ilang minutong may katahimikan sa pagitan namin nang magsalita si Andrei. "Ano bang nangyari, Irish? Wag mong sabihing magpapalusot ka nanaman, tulad kahapon nung tinanong kita kung bakit namumugto ang mata mo?" mahinahong tanong ni Andrei habang nakaupo kami sa may damuhan at nakatanaw sa siyudad.

So hindi pala umubra ang palusot ko sakanya kahapon?

I heavily sighed. "I saw Ricci earlier." I started. At doon, ay kinwento ko na nga kay Andrei ang lahat ng nangyari kanina. Hindi ko mapigilang umiyak sa harapan niya. Nakaalalay naman siya sa akin at patuloy lamang na nakikinig. Pagkatapos ay niyakap niya ako para maibsan lahat ng sakit na nararamdaman ko. At sa tingin ko naman ay nakatulong para gumaan ang pakiramdam ko.

"Thank you, Andrei." naibulalas ko habang nakayakap sakanya. Hindi naman siya sumagot at naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

I'm grateful that I have a friend like Andrei.

Kinabukasan ay sabay kaming kumain ng tanghalian sa labas nina Xandy at Natalie. Masaya silang nagkukwento tungkol sa masasaya at magagandang nangyari sakanila kasama ang mga love of their lives nila kahapon. At ako? nanatili lang akong tahimik at nakikinig sakanila. To be honest, I'm not in the mood since earlier. Ni hindi nga pumapasok sa utak ko ang mga tinuro ng prof namin. Hindi ko nga alam kung nagturo ba talaga sila eh.

"Grabe ang sweet talaga ni Xander!" kinikilig na sabi ni Xands pagkatapos niyang magkwento. "How 'bout you bes? How's your day yesterday?" she asked to me.

"Nagkita ba kayo ni Tyler?" excited na tanong naman ni Nat.

I just smiled at them. They didn't know what happened to me yesterday. The only person who knows is Andrei. I don't want to bother them because I know that they have their own problems. I'm very thankful lang talaga 'cause Andrei was there with me.May taong nandiyan para makinig sa kaartehan ko.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon