Irish's POV
After we ate, I decided to go to the comfort room. Napadaan ako sa table nila Tita Abi kung saan nakaupo si Stacey kasama si Gelo, They're laughing and talking to each other. Hindi ko na sila inabala pa at dumiretso na ako papunta sa cr sa loob ng bahay.
I entered the comfort room and did my thing. Bahagya naman akong nagulat nang madatnan ko sa harap ng pinto pagkalabas ko si Sofia. She's raising her eyebrow while smirking. I was planning to leave her at tatalikuran na siya pero hinawakan niya ako sa braso at pinigilan.
"Ang kapal din talaga ng mukha mong pumunta pa rito no? After what you did to Ricci?" nakangising sabi niya.
Bakit feeling close 'tong babaeng to?
Malakas ko namang binawi ang braso ko mula sakanya. "Wala kang alam." may diin kong sabi.
Nakita kong bahagya siya natawa, ng peke. "Oh c'mon! enough with those bullshits, Irish. Ang sabihin mo, nagsawa ka na kay Ricci kaya mo siya iniwan. Tapos ngayon, ang balak mo namang landiin ay si Andrei. Alam ko na yang galawan mo sis! gusto mong isa-isahin ang green archers!"
Kumuyom ang kamao ko nang marinig ang sinabi niya. To be honest, I want to punch her face really hard. Pero inisip ko na wala akong mapapala, at isa pa ay di ko siya ka level. At baka masugatan din yung kamay ko sa sobrang kapal ng mukha niya.
Huminga na lang ako ng malalim para pigilan ang sarili ko. Kumalma ka, Irish.
"You know what, nasa mukha mo naman na--" hindi ko na siya pinatapos sa wala niyang kwentang sasabihin at tinalikuran ko na siya. Nasasayang lang ang oras ko sa mga babaeng insekyora. "You bitch! wag mo kong tatalikuran habang kinakausap pa kita!" bigla niyang hinila ang buhok ko at pinagsasabunutan.
Aba't!
Hindi na ako nakapagpigil at pati rin siya ay sinabunutan ko na. Kayang kaya ko pa ang mga salitang binibitawan niya pero ang pagbuhatan ako ng kamay? no freaking way! Wala mang sino mang may karapatan bukod sa parents ko!
"You bitch!" sigaw niya habang nagsasabunutan kami. Tili siya ng tili habang nagsasabunutan kami kaya paniguradong maagaw namin ang pansin ng nasa labas. "You don't deserve Ricci!"
"At sino ang deserve niya ikaw?" sarcastic kong sabi habang nakikipagsabunutan pa rin sakanya.
Grabe, This is so cheap! Dapat suntukan na lang eh!
"Irish! Sofia!" rinig kong sigaw ni Kuya Prince.
Naramdaman ko na lang na may mga taong pinaghihiwalay kaming dalawa. Sofia didn't want to let go of my hair. She continued pulling my hair and my scalp really hurs. Patuloy pa rin sa pag-aawat sina Kuya Prince.
"Stop it!" malakas na sigaw ni Ricci dahilan para mapatigil si Sofia. Nakita kong siya ang nakahawak sa bewang ni Sofia at siya ang umaawat dito. Ang sa akin naman ay si Kuya Prince pati na rin si Ate Gab.
Nakita kong dumating naman sina Aljun, Brent, at Kib na hindi makapaniwala sa nangyari.
"Taena." naibulalas ni Aljun habang naka nganga.
"She's the one started it!" malakas na sigaw ni Sofia habang dinuduro ako. Nagpapasalamat ako dahil malakas ang tugtog sa labas at hindi na siya makakaagaw pa ng pansin ng mga tao.
"You bitch! hindi magagawa ni Irish yun!" malakas na sigaw ni Ate Gab kaya sinaway naman siya ni Kuya Prince. Nakita ko ang inis sa mukha ni Ate Gab habang matalim na nakatingin kay Sofia.
Nagpaawa effect naman si Sofia nang marinig ang sinabi ni Ate Gab. "Bakit ayaw niyo sa aking maniwala?" Humarap siya kay Ricci. "Look Cci, pinagtutulungan nila ako." nagmamakaawa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanficA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.