Chapter 13

1.5K 31 2
                                    

Irish's POV

Pagkatapos ng gabing nangyari ang sagutan namin ni Ricci ay pinili ko ng lumayo na talaga mula sakanya, sa kahit anong may kaugnayan sakanya at pati na rin sa mga taong malalapit sakanya. Iyon ang gusto niya kaya pagbibigyan ko siya kahit sa huling pagkakataon. Sa tingin ko'y ito na rin ang nakabubuti para sa aming lahat. Nadadamay na rin kase ang mga taong nasa paligid dahil sa nangyayari kapag nagkikita kami ni Ricci.

Tinapos ko na lang ang huling sem ko sa Manila at pagkatapos ay nagpatransfer na ako ng school sa Laguna. Sa tingin ko kase ay mas magandang wag na lang akong lumayo sa pamilya ko at para na rin sa bahay talaga ako uuwi pagkatapos ng klase.

"I'll miss you bes! Wala na akong housemate! Mag-isa na lang ako dito sa apartment!" nagtatampong sabi ni Xandy nung minsang paalis na ako sa apartment. Lahat ng gamit ko ay kinuha ko na.

Natawa ako ng bahagya. "Kaya mo yan. Ayaw mo nun, wala ka ng kaagaw sa cr tuwing umaga."

"Eeeehh! Isa nga yun sa mamimiss ko eh!"

"Don't worry, I'm here baby." singit ng maharot na si Xander sabay akbay kay Xandy.

Pinalo naman ni Xandy yung brasong nakaakbay kay Xander. "I know naman baby. Ineechos ko lang to si bes." pabirong bulong niya kaya nagtawanan kaming lahat.

"Di kita iiwan, Xands." sabi ni Xander.

Nakita ko namang kinilig si Xandy at pagkatapos nun ay sweet na nagyakapan yung dalawa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Nat at pareho kaming umarteng nandidiri sa dalawa. Haaaayst. Ang haharot nila grabe.

"Haaay, dun nga kayo lovers!" kunwaring pagtataboy ni Nat sa dalawa. Lumapit naman sa akin si Nat at niyakap ako. "Mamimiss kita, classmate."

"Mamimiss din kita syempre. Wala na akong makokopyahan." pabirong sabi ko dahilan para magtawanan kaming lahat.

 Lahat din ng social media accounts ko ay dineactivate ko na. Wala na akong ginagamit ni-isa sa mga iyon at pati na rin sim card ko ay itinapon ko na at pinalitan. Alam kong kapag gumamit pa ako ng mga iyon ay panigurading di pa rin ako makakalimot. Alam kong sikat si Ricci kaya parati siyang trending, at puro posts tungkol sakanya ang makikita ko. He's the most tweeted athlete eh.

"Ate sure ka talagang di ka na gagamit ng social media?" tanong ni Stacey nung minsang kumakain kami ng tanghalian. "Kahit gumawa ka nalang kaya ng bagong account? You know, di mo malalaman mga trending."

"It's okay. Mabubuhay naman ako ng wala yun." sagot ko.

Stacey shrugged. "Well, tama naman. Tsaka toxic na rin naman mga tao sa internet! I don't use facebook na nga eh. Twitter lang and IG."

Sa totoo lang napakahirap sa una. Napakahirap kalimutan ang mga bagay na nakasanayan mo na gawin, at mga taong palagi mong kasama noon. Pero ganun naman talaga ang buhay diba? Walang permanente. May mga tao o bagay na aalis talaga sa buhay mo. Ang mahalaga ay kung gaano ka naging masaya nung kapiling mo pa sila.

Linggo, Buwan, hanggang sa naging dalawang taon na nga ang nakalilipas. Sa bawat araw na yun ay pinili kong ibalik ang pagmamahal ko sa sarili ko. Mas binigyan ko ng pansin ang pamilya at pag-aaral ko. Tinatapos ko lang ang pre-med course ko at balak kong magpatuloy pa ang pag-aaral para tuluyan na talagang maging doktor. Balak kong sa Laguna na rin magtapos, Nagkaroon na rin kase ako ng ilang mga kaibigan doon kaya kahit papano ay may nakakasama na ako at kakilala doon.

"Here's the food, doktora!" mapagbirong sabi ni Andrei habang inilalapag ang mga pagkaing binili sa lamesa sa harapan ko.

I rolled my eyes at him. "Di pa ko doktora. Ilang years pa kaya!"

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon