Dahil miss na kita ate. >:D<
Library
"Iha. How's your life?" tanong sakin ng tita ko na nasa Paris.
Alam nyo ang sinagot ko?
"Second year college, College of Accountancy."
Bakit?
Simple lang. YAN ANG BUHAY KO. SA NGAYON. Hirap ehh. Alam ko naman na second year college pa lang pero alam mo yung RETENTION EXAM? Yun ang judgment day namin at ngayong taon yan.
Kaya ang mundo ko?
LIBRARY.
Ang routine ko?
Gigising sa umaga, mag-aayos ng sarili, papasok sa school, kakain ng lunch, LIBRARY... LIBRARY... dinner... LIBRARY. Kriiiing!
8 ng gabi ako palagi umuuwi dahil yun ang oras na nagsasara ang library. Sa dorm, aral lang ulit hanggang sa makatulugan ko na ang libro ko. And that's how I spend my life EVERYDAY.
Geek?
So what? I don't care. Basta ayoko mag-retention exam!
"Ok. Guys, I'm giving you 2 weeks to work on your book reviews."
Errr. Alam mo yung salitang MINOR SUBJECT Ma'am? Yun yung subject mo eh! BAKIT PA-MAJOR KAAAA!? T^T
"Jill! Partner tayo ha?" sabi ni Cherry.
Another geek in the class. Pero hindi kami magkasama sa library. Humanities section ako lagi ehh... tahimik kasi dun. Tapos sya, Social Science daw. Hindi ko nga alam kung pano makapunta sa Section na yun ehh. Wala sa directory eh. >.<
After class, as usual... Library ang destination ko.
Lakad. Lakad. Lakad.
"JILL! JILL! JIIIIIIIIIIIIIILL"
Lumingon ako. Si Cherry pala.
"Hanap na tayo ng book para sa book review?"
Nag-nod lang ulit ako.
"Sang section tayo?" -cherry
"San ba maganda? Yung interesting."
"Social Science na lang teh! Maganda dun! Mga accounting books andun eh."
"San ba yun? Wala sa directory eh. Hindi din nadadaanan ng elevator. Kahit dun sa grand stairs wala."
"PALOW MEY!" maarte nyang sabi. Aish. Geek yan pero maarte. GC (Grade Conscious) lang talaga. Hehe! ^^
Hindi kami sa grand stairs dumaan... may nakatago palang hagdan sa likod ng reference section. Dun kami dumaan, 3rd floor.
"Uhmm. Cherry... bakit ba dito ka lagi nag-i-stay eh ang hirap kaya umakyat sa hagdan." T^T
Pagod na ko eh! BAKIT BA!? >_________<
"Mamaya. Makikita mo din ang rason." Tapos nag-wink sya. Landiiii! Pero keribels lang naman. HAHA!
HANUBAYAN! Nahawa na ko! T^T
Syempre, bawal mag-aksaya ng oras, hanap agad kami ng librong gagamitin namin.
"Jill, may nakita ka na ba?"
"Aahh. Oo. Eto oh. Balace Sheet: Balancing your life in a balance shit. Hehe! Nakakatuwa kasi title."
"Ayos na yan! Yan na lang gamitin natin. Pero wag mo muna hiramin. Balikan na lang natin."
"Excuse me po."
BINABASA MO ANG
Library[one shot]
Teen FictionNakilala mo na sya. Ang lalaking nagpatibok ng puso mo. Pero ang problema... SINUNGITAN MO! Bobo lungs. :))