Eto pa isa. Ano ba sila sa movie? Estatwa? Model? Poster? Background? Yung totoo po? Pang-design lang ba sila? Wallpaper? Nung na-ospital si Top, hndi man lang sila nag-re-react don sa likod? Nakakumpol lang talaga sila don? Kung tama pagkakatanda ko, "Cancer!?" lang ang linya nilang lahat don? Haha. Tapos, isa pa, bakit pala nagkapasa si Jun? E hindi naman sila kasama sa bugbugan? Si Top at Red nga lang ang nakipagbugbugan sa club kasama si Sam e.
Yung sa part na nag-usap sila sa may labas ng beach house ni Top, kailangan talaga naka-formation? Sasayaw ba kayo? Haha. Dapat non, sinunod nila yung sa book, na nasa dining area sila. Tska, asan yung ibang members?
Ay, teka. Naalala ko. Sayang yung scenes sa book na nagdate sila Top at Sam. Bakit wala sa movie? O talagang kulang kulang lang yung pinanood namin ha!???? ABA! WALA KASI DUN SA MOVIE YUNG NAKITA KO SA TRAILER NA SINABI NITOP KAY SAM NA "WE'RE GOING ON OUR FIRST OFFICIAL DATE."
Meron pa, dun sa L11, yung dialogue nila, yung sa nagsabi silang sabay sabay ng "Ohh.." ang dami kong tawa kasi sabi ko sa mama ko, naalala ko sa kanila yung mga alien na toys sa toy story na puro "Oohh" lang ang lines sa umpisa. Hahahaha.
-------------
BINABASA MO ANG
TBYD Movie
RandomSariling opinyon ko ito. Kung may hindi ka magugustuhan sa nakalagay dito, walang samaan ng loob. At kung sumama ang loob mo, problema mo na po yon. Okay ba? Haha.