Tatlong Tuldok

13 3 3
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at hawak ang cellphone ko.

3:00 na ng umaga at nakita kong kakaunti nalang ang mga naka online.

Dahil hindi ako makatulog, chinat ko lahat ng mga naka-on.

Nagreply silang lahat bukod sa isa.

Nang pindutin ko ang pangalan niya ay nakita ko ang tatlong tuldok.

Ibig sabihin ay nagtatype na siya.

Ilang minuto ang lumipas at nawala ang tatlong tuldok. Wala rin akong natanggap na mensahe.

Naka online pa rin naman siya.

Nakita kong nabawasan ng isa ang mga online friends ko.

Hi?

Chat kong muli sa kaniya.

Lumitaw na naman ang tatlong tuldok pero nawala rin iyon at tulad kanina, wala akong natanggap na mensahe.

Napansin ko na nabawasan na naman ng isa ang mga online.

May gusto ka yatang sabihin?

Tanong ko.

Muli, lumitaw ang tatlong tuldok. Nawala ulit ito at nabawasan ang  online.

Weird.

Hindi pamilyar ang pangalan niya. Hindi ko din alam kung bakit nasa friend's list ko siya.

Nagchat akong muli at tulad kanina ay lumitaw ang tuldok, nawala, nabawasan ang online.

Dalawa nalang  ang natitirang online.

Nagchat akong muli at naulit na naman ang nangyari.

Hindi ako tumigil at nagchat parin ako.

At sa pagkakataong ito, sumagot na siya.

I am happy that you messaged me.

Talaga ba?

Will you be my friend?

Medyo kinabahan ako sa sinabi niya.

Yes

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag.

Rape. Someone got raped yesterday.

Yeah.

Paano niya nalaman?

You should be careful.

I will.

In these past few days, I've noticed you are always online.

Ay talaga ba? Di naman masyado.

Your eyebags are deep, I guess.

Tama ka, sige na matutulog na ako

Sleep tight.

Pinatay ko ang cellphone ko at ipinikit ang mata ko.

Pero naidilat ko itong muli nang may marealize ako.

Lahat ng sinabi niya..

I am happy that you messaged me.

Will you be my friend?

Rape. Someone got raped yesterday.

You should be careful.

In these past few days, I've noticed you are always online.

Your eyebags are deep, I guess.

Sleep tight.

Kinakabahan ako.

H'wag naman sana.

I am happy that you messaged me.

Will you be my friend?

Rape. Someone got raped yesterday.

You should be careful.

In these past few days, I've noticed you are always online.

Your eyebags are deep, I guess.

Sleep tight.

Naramdaman ko nalang na may pumalo sa ulo ko at dumilim ang lahat.









Don't forget to vote :>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tatlong TuldokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon