Chapter Twenty Three: First fight

54 1 3
                                    

Several days later..

Hinihintay ko si Jiro sa classroom namin. Kasi sabi niya sabay kami maglunch, pero 12:30 na! GUTOM NA KO!

Pinuntahan ko siya sa gym, kasi baka nagpapractice pa. Nagpunta ako mag-isa kasi kumakain pa sila Jane.

Nadatnan ko si Jiro sa isang sulok sa gym na nakangiting kumakain kasama si Nica.

Tumatawa pa siya habang may tumatalsik na kanin sa bibig niya. Sige lang, magpakasaya ka dyan. =_=

Pumasok ako sa loob, and haaayyy. How I miss the court, the racket, the shuttlecock, the net, and everything! It’s been two weeks since nagquit ako sa practice para sa tournament. This is all my fault. I’m so stupid to put myself in this kind of situation. Pati tuloy ang sports ko nadamay sa katangahan ko.

Haaay buhay, parang life.

Pero nakakainis si Jiro! Hindi niya ako hinintay maglunch! Ang daya naunhana niya akong maglunch ng wala man lang pasabi. Naghintay tuloy ako sa wala.

Siguro tingin niyo sakin abnormal kasi sa itsura ko at sa way ng pananalita ako hindi ako naapektuhan o nagseselos man lang dahil may kasamang ibang linta ang boyfriend ko habang naglulunch. Walang pakialamanan kung paano magselos. Pero, TAKE NOTE: NAGSESELOS NA AKO SA LAGAY NA ‘TO TO THE POINT NA GUSTO KO SILANG BALATAN NG BUHAY AT LAGYAN NG ASIN. Pero dahil ako ang protagonist dito at sabi ng author, magpapakadamsel in distress ako sa istoryang ‘to. Bat ba. =__=

Lumabas ako ng hindi maipinta ang mukha. Hindi na ako naglunch DAHIL NAKAKAWALA NG GANA. ~X(

Nagbasa na lang ako ng Second Chance sa wattpad gamit ang iphone habang may nakasalpak na earphones sa tenga. Kaysa naman sa hahayaan kong masira ang araw ko dahil lang sa dalawang badtrip na yun.

Kakaupo ko pa lang sa upuan ko at nagsstart magbasa, nandun na ako sa part na iiwan na ng lalaki si babae ay bigla namang may kabute este taong tumabi sakin. Pagkatingin ko si Carlos at Jane.

“Ano yan?” sinisilip nila yung binabasa ko pero tinatakpan ko. “Ano nga yan?”

Sa inis ko, hindi ko siya pinansin at itinapat ang likod ng iphone at nagpatuloy sa pagbabasa. Bigla naman niyang pinindot ang lock.

“Problema mo ba?!”

“Ayy? Meron ka ngayon teh?”

“Baka first day?” singit naman ‘tong si Jane.

“Hindi. Sabi nila mas masungit daw sa third day eh.” –Carlos

“May extra pads ka ba? Pahiramin na natin ‘to. Kawawa eh.” –Jane

“Baka naman menopause na?” –Carlos

“Tumigil kayo ipapakain ko sainyo ‘tong hawak ko.” =___=

“Busog ako!” –Jane

“Tara na nga. Mahawa pa tayo ng kasungitan ng babaeng duguan sa tabi-tabi.” – Carlos

“Teka nga Carlos tumigil ka na. Saan ka ba badtrip sister?”

“Oo nga. Saan ka badtrip?”

Tumayo na ako at hindi ko sila pinansin at lumabas ako ng room. Pagkalabas ko, sakto nakita ko sa dulo ng hallway si Jiro na nakatayo sa pintuan na may kausap na babae. Mukhang masayang-masaya pa siya at sobrang ngiti na kulang na lang mapunit na yung labi niya. Naaninag ko yung kausap niya, si Nica pala.

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon