Masyado ata akong napaaga. Nabulong ko sa sarili ko. Ang laki ng paaralang ito. Well, malaki rin naman yung elementary ako ee. Isa pa si Kuya pumili ng school ko kaya talagang dapat expected na toh.
Nilibot ko muna ang bago kong school KONO. Tatagal kaya ako rito?
"Sht!" I cursed. Patay na. Ang aga ko nga rito pero dyahe na Late na ako. Di ko na kasi matandaan yung dinaanan ko. At isa pa wala akong mapa. Pumunta naman ako sa Guidance kanina kaya lang dahil nga maaga pa ay naka sara pa ito.
"Asan na ba kasi yun?!" frustrated kong tanong sa sarili ko na miski ako di ko alam ang sagot.
"Miss?" gulat akong napalingon sa likod ko ng may nag salita. Hulog ng Langit!
Ini'scan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Aba malay ko ba! Kahit sabihing naka uniform toh ee baka pala outsiders toh!
"Ahm, naliligaw ka, tama?" tanong nito sakin. Tss.
Inilibot ko ang paningin ko at sinilip ko muna ang relo ko. At I cursed again for the nth time. Late na talaga ako! Alanganin akong tumingin sa kanya at marahang tumango sabay sabing. "Oo." ugh!
He smiled. Sht! "Tulungan na kita :) " offer niya at sabi ko nga sino ba naman ako para tumanggi sa grasya diba? Ngayon pa ba?
"Okay. Thanks" nahihiyang sabi ko.
Naglakad na siya so sinundan ko.
"Anong section mo pala?" tanong niya. Tinitigan ko lang siya. Napatigil pa nga ako sa paglalakad ee.
He chuckles and said "Don't worry di ako masama. At isa pa pano kita mahahatid sa room mo kung di ko alam?" sabi niya sakin. "Maraming rooms dito at dahil transfer ka lang dito." he paused when I glared at him. "Easy. Kaya ko nasabing transfer ka lang dito ay dahil nga di mo alam ang pasikot dito, diba?" para naman akong batang umamin sa kasalanan. "So section?" ulit niyang tanong.
"IV-Love" walang emosyon kong sabi. Tss. What's with the name of the section of this school?!
Tumawa lang siya at naglakad ulit.
"Halika late na tayo." sabi niya at naglakad na kaming dalawa.
Ang saya ng first day ko. GRABE! Please don't forget to use sarcasm thier -_-