"Nagugutom ka na ba, Francine?" tanong ni Raymart nang makabalik siya sa kuwarto nito pagkabili niya ng makakain. "Kumakain ka ba nitong kalderetang kambing? Ito na lang kasi ang tinda sa labas."
Tumango naman si Francine na tahimik na nakaupo sa sofa. Medyo kalmado na siya sa oras na iyon, ngunit bakas pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
Pagkuwa'y naupo na si Raymart sa tabi niya. Inilabas niya sa plastic bag ang mga naka-styro na pagkain. Then, binuksan niya iyon at ibinigay kay Francine.
"Kumain ka ng marami. Sa ngayon, isipin mo muna ang sarili mo at huwag ang ibang tao," sabi niya. Sumunod naman si Francine at nagsimula nang kumain.
Pagkatapos ay kinuha na rin ni Raymart ang mga nabili niyang inumin. May canned softdrinks doon, mineral water at pati na rin alak na para lamang sa kanya. Hindi kasi siya sanay na matulog sa ibang lugar at iyon lamang ang makakatulong sa kanya para antukin.
Then suddenly, nabigla siya nang kunin ni Francine ang alak at buksan. Sinubukan niyang agawin iyon, pero hindi nito ibinalik sa kanya.
"Francine, hindi ka puwedeng uminom nyan."
"Bakit naman hindi?"
"Ayoko lang na uminom ka. Itong softdrinks ang para sa iyo."
"Ayoko niyan. Gusto kong uminom ng alak ngayon. Para kahit man lang papaano ay makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hayaan mo na lang ako."
Pagkuwa'y nagsalin na siya sa cup ng alak. Hindi na siya pinigilan ni Raymart.
"Kaunti ang inumin mo, ah. Baka kasi hindi ka sanay uminom ng---" Natigilan siya nang tumagay ito. "O, dahan-dahan lang."
Pagkatapos ay ipinagsalin naman siya nito. "Alam mo, kaysa problemahin mo 'ko ay uminom ka na lang din. O, eto ang tagay mo." Kinuha ni Raymart ang cup. "Nandito ka para damayan ako, 'di ba? Pwes, hayaan mo 'ko sa gusto kong gawin. Ngayon lang naman ito."
"Sigurado ka?"
Tumango si Francine. " Oo." At saka tinagay na ni Raymart ang ibinigay nito sa kanya.
Nagsisi tuloy siya na ipinakita pa niya rito ang alak. Dapat pala ay iniwan niya muna ito sa kanyang kuwarto bago dalhin ang mga pinamili kay Francine.
---
Ilang oras matapos ang nangyari sa may living room ay bumalik si Vera roon.
Kahit na gumanti siya nang pagtangkaan siyang patayin ni Miggy, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya para rito. Nakonsensya siya na sinaktan niya ito at nag-aalala na baka lumala ang sugat nitong natamo.
Nang makita niya si Miggy ay nakahiga na ito sa sofa, hawak-hawak ang nagdurugo nitong sugat. Inakala niya na baka hindi na ito humihinga, pero nakatulog lang pala ito sa sobrang kalasingan.
Lumuhod siya sa harapan nito at pinagmasdan ang kanyang mukha. Inalis niya ang kamay nito na tumatakip sa kanyang sugat.
"Mabuti na lang ay kasing tigas ng bakal ang ulo mo. Nabasag na nga ang boteng inihampas ko sa 'yo, pero hindi ka man lang nagkaroon ng malalang sugat," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Sinful Heaven [Completed]
General FictionMiggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation. 'SINFUL HEAVEN'...