Prologue

28 0 0
                                    

"Hey, darling. Come with me tonight. I'll give you the heaven."

Mula sa mapang-akit, at mahinang tono ng kanyang pananalita ay nakaramdam ako ng kaba, at pangingilabot. Geez.

"Hey, darling. Why don't you listen to me?"

Napahinga ako ng malalim at saka pumikit.

"Come on, Rhein, ignore him." Mahinahong sabi ko sa sarili ko.

"You really don't want to listen, huh?"

Rhein, just pretend that you're not hearing him.

"Hello, Je? Where are you? I need to talk to you."
Kinuha ko na lang ang phone ko saka tinawagan ang kaibigan ko.

"Huh? What are you gonna tell? Is it important?"

Napapikit ako. Je, pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang oh.

*sighs*

"So important, Je. Where are you?"
Inis na tanong ko na sa kabilang linya.

"At my house."
Tugon niya saka ko na ito pinatay. Pupunta na lang ako sa bahay niya, mas mabuti 'yon nang hindi na ako kulitin ng foreigner na 'to.

"Hey, miss. I know that you can hear me. I just want to taste you tonight, darling."
Napapikit ako sabay dasal na sana ay maglaho na siya. Mamanyakin pa yata ako ne'to, hays.

Binilisan ko ang paglalakad ko sa madilim na parte nitong eskinita na ito.

"Darling..."

"AHH!"
Napasigaw ako sa gulat nang sumulpot sa harapan ko itong lalaking foreigner na 'to.

"Diyos ko po, diyos ko po, tulungan niyo po ako." Pagdadasal ko habang nakapikit.

Lord, huwag niyo pong hayaan na may gawing masama sa akin 'tong lalaking foreigner na 'to. Please po, Lord.

"Hey, darling. Open your eyes. I am not that scary as much you are thinking now."
Dinig kong sabi niya sa akin. Nahinga ako ng malalim pero hindi ko pa rin binuksan ang mga mata ko.

"Please, umalis ka na. Layuan mo na ako." Sabi ko sa kanya.

"So, you really can hear and see me."
Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi at kinilabutan na lang ako nang may maramdaman akong hangin na dumampi sa braso ko.

Naestatwa ako sa kinalalagyan ko at hindi ko man lang magawang maigalaw ang labi ko.

"I need your body now, darling. So, you need to come with me."
Diyos ko po, kayo na pong bahala sa akin at sa lalaking 'to.

"A-Anong kailangan mo sa katawan ko? Hi-Hindi, a-ayoko." Nauutal na sagot ko habang nananatiling nakapikit.

Wala akong narinig na salita mula sa kanya kaya't nagtaka ako. Oh my god, am I now dead?

"Hey,"
Nanigas ang buong katawan ko dahil sa naramdaman ko. May humawak sa braso ko. Natatakot na ako, waahh!

"Hey!" Napamulat ako nang sumigaw ang lalaking 'to sa tenga ko.

"Dale?" Nagtataka ko siyang hinarap.

"A-Anong ginagawa mo d-dito?"  Nauutal kong tanong. Napakunot ang noo niya.

"You? What are you doing here in the middle of the night?" Sagot niya sa tanong ko.

"Ah, eh..."

"You really are a weird girl. Are you praying here for real?" Di makapaniwalang tanong niya sa akin na ikinayuko ko naman.

Imbis na sagutin ko siya ay napangiti ako.

"You came..." Mahinang bulong ko at saka ko siya dinambahan ng yakap.
Batid ko yung pagkagulat niya kase pansin kong napatikhim siya dahil sa ginawa ko.

"H-Hey, weird girl. L-Let go."
Hindi ko siya sinunod at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Sa isang sulok na madilim, doon muling nakita ng malinaw kong mga mata ang lalaking foreigner. Nakatingin ito sa akin, at pinanlilisikan ako ng mata.

"I will get you, darling... Soon."

Damang-dama ko ang inis, galit, at pananabik niya na makuha ang katawan ko, pero bago niya pa man nagawa 'yon, dumating siya,

My knight, my shield, my bulletproof, my Ace...

08-12-18 Rhein Xia De Jesus

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon